Kabanata 48

2.6K 79 26
                                    

unedited. kindly excuse the errors. thank you. enjoy. (:
#

"ANO pong ibig niyong sabihin?" gulat ko pa ring tanong kay Dad o kay Ginoong Lander. Hindi ko na alam kung ano ang dapat na itawag dito matapos nang marinig mula sa kanya.

Hindi siya agad sumagot. Bagkus, magkasunod niyang tiningnan ang mag-ina. "Can you please leave Atashka and me alone for a moment?"

Nakita kong tumango si Tita Anastacia habang si Braeden naman ay marahang pinisil ang kamay ko. Tumingin ako sa gawi nito.

"Will you be okay alone here?" bulong nito.

Kung ito ang kinakailangan para malaman ko kung anong totoo ay kailangan ko itong gawin. Tumango na din ako kay Braeden.

"Okay. I'm just outside. I'll wait for you, okay?"

Nang tumango ako ay tumayo na rin si Braeden at sumunod kay Tita Anastacia na lumabas na ng study at nabalot na naman ang katahimikan sa loob.

"As I was saying earlier, I'm not your father," ulit ni Ginoong Lander at parang may kung ano na namang tumarak sa puso ko.

"Pero, paano niyo po nasabi?" sagot ko, ang isipan ay gulong-gulo pa rin. "Nagpa-DNA test po ba kayo nang hindi ko alam?"

Iyon lang ang naiisip kong dahilan. Dahil kung paano nito sinabi ang tungkol dito kanina ay napakasigurado. Isa pa, yung naging reaksyon ni Tita Anastacia na tila maging ito ay may alam din.

"I won't do that without your permission, hija," sagot ng ginoo sabay iling sa akin. Bumuntong-hininga ito. "The truth is, I knew it since the day you told me you're Olga's daughter. I have this condition that not everyone knows. Ang totoo'y magulang ko lang at si Anastacia ang may alam..."

Tumigil ito bago at tiningnan lang ako sa mata, mabigat ang tingin bago nagpatuloy. "There's an abnormality in my body. I'm infertile, Atashka. Hindi ako maaring magkaanak."

Gulat akong tumingin dito, hindi inaasahan ang tungkol doon.

Mallit naman itong ngumiti subalit naroon pa rin ang lungkot sa mga mata nito. "I was not planning to lie to you like that. Balak ko talagang sabihin ang totoo kahit nung unang beses pa lang kitang nakita. But when I read Olga's letter, how she really believed you're our child, it made me want to take you. Kung hindi ko pa nasasabi sa'yo pero sobra kong minahal ang nanay mo. She was my first love. It may lasted for a short period of time, our time together—but I knew then in my heart that she was the one. Kaya nga binigay ko ang lahat-lahat sa kanya sa maikling pagsasama namin. And I was more than thankful that she did the same.

"But then I had to go back to Manila because of some personal stuff. But I didn't forget her like what she said in the letter. Ang totoo niyan, bumalik ako sa Zambales ilang linggo matapos akong umalis. Pero wala na siya doon sa pinagta-trabahuhan niya. At walang alam kung nasaan siya. I didn't stop though. Bumalik pa ako ng ilang beses pero hindi ko talaga siya makita."

Napabuntong-hininga ako. marahil iyon 'yung nakwento ni Nanay Olga na habang pinagbubuntis daw ako'y nagpalipat-lipat siya ng tirahan sa Zambales. Mukhang hindi talaga sinadya ng tadhanang magkita silang muli.

"For a long time, I never loved anyone after her. Not until I met Anastacia again and everything just seems right and this happened. We built a family. At noong unang beses na nakausap kita dito, alam kong gusto kitang maging bahagi ng pamilyang ito. That's why I hid the truth. And tried to make you a Koss. But little did I know, I was just making things complicated. I was unaware that you and Braeden have something special going on between the two of you. And that it's already that serious. So, I know I had to do something. At iyon ang ipaalam sayo ang buong katotohanan."

Strange LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon