TUMUPAD si Braeden sa sinabi niya.
Itinigil niya ang pagbibigay ng atensyon sa akin. Hindi ko na siya nadadatnan sa labas ng gate tuwing umaga. Maging sa pag-uwi galing doon sa shop ay hindi na rin kami magkasabay. Paano'y lagi siyang nagpapahuling umuwi.
Hindi ko na siya masyadong nakikita. Kapag sa repair shop ay lagi lang siyang naroon sa loob ng opisina niya.
At dapat nga ay matuwa ako. Hindi ba't ito naman ang gusto ko? Ang tumigil na siya. Pero hindi ko alam kung bakit laging pumapasok sa isipan ko 'yung mga panahong kasama ko siya at kapag maalala kong hindi na ulit iyon mangyayari, mayroong mabigat sa kalooban ko.
Mahirap mang aminin sa sarili ko pero oo, namimiss ko siya. Namimiss ko si Braeden. Hinahanap ko 'yung presensya niya. At minsa'y dumako na sa isipan ko na kung wala kami sa sitwasyong ito ay baka pwede. Baka pwedeng maging iba 'yung mangyari.
"Oh, Atashka, nariyan ka na pala."
Naalis ang tingin ko sa basong hawak na kung saan kanina pa ako nakatitig at napunta doon sa nakabukas na pintuan ng kusina kung saan papasok si Manang Karing, may bitbit na dalawang plastic bag.
Agad akong tumayo at nilapitan si Manang. "Hello po," bati ko sabay kuha doon sa mga plastic bag. "Ako na po ito."
"Nakung bata ka," suway ni Manang Karing. "Hindi naman gan'un kabigat."
Ngumiti lang ako sa direksyon niya. Inilingan niya ako ngunit hinayaan pa rin.
Ipinatong ko na iyong pinamili niya sa mesa. "Nag-grocery po pala kayo."
"Oo, naubusan na tayo ng mantika at bumili na rin ako ng ibang laman ng ref," sagot niya. "Kanina ka pa ba? Baka gutom ka na, may naluto na akong hapunan. Nauna nang kumain 'yung dalawang magkapatid eh, may bisita din kasi si Canaan."
"Halos kararating ko lang po, saka medyo busog pa po ako. Maya-maya na lang po. Kayo po ba? Kumain na?"
Umiling si Manang.
"Eh di sabay na lang po tayo mamaya, Manang," nakangiti kong suhestyon.
Hindi ko narinig ang sagot ni Manang Karing. Ilang segundo rin ang lumipas bago ko narinig muli ang boses niya. "Atashka, maiba ako. Napapansin ko hindi na kayo sabay umuuwi ni Braeden. Magkagalit ba kayo?"
"Po?" gulat kong tanong, hindi inaakalang sasabihin iyon ni Manang at ganoon pa ang naisip niya. "Hindi po kami magkagalit, Manang," sagot ko, sinamahan ko pa ng ngiti para mas mukhang kapani-paniwala. "Sadyang nahuhuli lang po ng uwi si Braeden dahil lagi po siyang may tinatapos. Saka kailangan ko rin pong umuwi agad dahil maaga rin po 'yung pasok ko sa diner."
Napatango-tango si Manang at lihim akong nakahinga nang maluwag. Mabuti at tinanggap niya yung eksplanasyon ko.
"Ganun ba?" aniya pa. "Pasensya na kung naisip ko 'yun. Paano'y nung nakaraang linggo ay lagi kayong magkasama. Bigla lang siguro akong nanibago."
"Ah, Manang, ilagay ko lang po 'yung gamit sa kwarto tapos sabay na po tayong kumain," paalam ko kay Manang.
Tumango lang si Manang Karing at akmang maglalakad na nang tawagin niya akong muli. Tumingin ako sa kanya.
"Naalala ko 'yung pinabili ni Canaan," aniya at sinilip iyong mga plastic bag. Mayroon siyang kinuha doon sa isa at inabot sa akin. "Pakibigay naman 'to sa kanya."
"Sige po," ngiti ko.
Umakyat na ako ng hagdan at dahil nasa magkabilaang banda yung kwarto namin ni Canaan ay doon muna ako sa silid dumiretso para maibaba 'yung bag ko. Agad din akong lumabas at doon naman sa silid ni Canaan nagtungo.
BINABASA MO ANG
Strange Love
عاطفيةCrescent Park Series #1 Wala na kay Atashka ang lahat. Ang tanging mayroon na lamang siya ay ang pangalan ng kanyang hindi nakilalang ama, si Lander Koss at ang kinaroroonan nito. Nang mapagdesisyunan niyang panahon na para kilalanin ito, hindi niya...