"UY, Ma'am Tash, good morning po. Maaga po kayo ulit ngayon ah," bati nung guwardiya nang makita ako.
"Good morning din po," sagot ko saka nagtanong, "Ah kuya, nag-agahan na po ba kayo?"
"Maya-maya na po," sagot nito. "Dyan na lang po sa karinderya sa tapat, kapag dumating na po yung kapalitan ko ng shift."
Inikot ko 'yung bagpack kong suot at saka kinuha doon yung isang balot na sandwich na pinabaon ni Manang Karing at inabot kay kuya. "Ito po oh, extra ko pong baon. Kainin niyo na po habang nakabantay po kayo dito."
"Naku, Ma'am, nakakahiya po pero hindi ko 'yan tatanggihan. Medyo gutom na rin po ako," anito at kinuha 'yung inaabot ko.
Mahina lang akong natawa. "Oo naman po. Enjoy po sa pagkain."
Pumasok na rin ako sa loob at doon sa locker dumiretso para makapagpalit ng uniform. At dahil nga maaga pa naman ay ang pantry ang sunod kong tinungo para mag-agahan.
Kinain ko na rin iyong ham sandwich at natagpuan ko na naman ang isipan na lumilipad, partikular sa nangyari kagabi.
Napabuntong-hininga ako. Nangyari na nga ang kinatatakutan ko. Ang malaman mula kay Braeden na mayroon nang ibang ibig sabihin ang pakikitungo niya sa akin.
Saglit akong napapikit. Ano nang gagawin ko ngayon?
Wala. Wala na akong magagawa kundi hintayin na lang na mawala 'yang nararamdaman para sa akin ni Braeden. At hangga't hindi ko hahayaan, wala namang mangyayari.
Kaya't kailangan kong magpakatatag.
"I just care about what I feel for you and in proving that you feel the same way too."
Wala siyang makukuha mula sa akin.
Biglang bumukas ang pintuan sa pantry at halos mapatalon ako sa pagkagulat. Ang totoo'y muntikan ko na ngang mabitawan 'yung hawak kong sandwich. Mabuti na lang at hindi.
Tumingin na ako roon sa pintuan at bahagyang nanlaki ang mga mata nang makita si Sir Axen.
Tila gulat din akong makita roon dahil napatigil ito at sandaling tiningnan lang ako bago nakuhang magsalita. "Tash, good morning. You're early."
"Ah, good morning po," bati ko pabalik saka nag-alok, "Kain po."
"Thanks pero nagbreakfast na ako," sagot niya.
Doon ko pa lang napansin ang hawak nitong mug.
Naglakad na si Sir Axen patungo sa kinaroroonan ng dispenser. At nang makakuha siya ng tubig ay naalala kong personal na humingi ng tawad sa biglaang pag-absent ko.
"Ah, Sir. Sorry po pala ulit nung Monday. Kung hindi po ako nakapasok."
"Okay na 'yun," agad na sagot ni Sir Axen. "Next time in case you have an emergency like that, just make sure to inform me or Shey, asap."
"Opo, tatandaan ko po," saad ko. "Saka ko pala nakapagbigay na po ako ng numero kay Ms. Shey."
Tumango si Sir Axen bago nagtanong muli. "Yung pinuntahan niyo pala ng weekend, it's Donovan's birthday. Am I right?"
Agad naman akong tumango, tahimik na tinanong sa isipan kung bakit alam niya iyon nang maalala ang naging pag-uusap namin ni Manang Karing. Na malapit na magkaibigan ang tatay ni Sir Axen at si Ginoong Lander.
At nang akala kong tapos na ang usapan namin ay naglakad siya papalapit doon sa mesa. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin bago nagsalita. "Hindi ko alam kung anong ugnayan mo sa mga Koss. I just want to give you a little warning. About Braeden...he has a habit of getting what he wants without the intention of keeping them."
BINABASA MO ANG
Strange Love
RomanceCrescent Park Series #1 Wala na kay Atashka ang lahat. Ang tanging mayroon na lamang siya ay ang pangalan ng kanyang hindi nakilalang ama, si Lander Koss at ang kinaroroonan nito. Nang mapagdesisyunan niyang panahon na para kilalanin ito, hindi niya...