Kabanata 50

3.3K 90 19
                                    

hii sorry for being MIA ng 2mos but im alive and well. i hope you are all well and safe.  thank you for reading this story.

***

BUONG magdamag na ang lumipas ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako mapaniwala sa nalaman mula sa sulat ni Nanay Olga. Matapos nga iyon ay hindi na kami lumabas ni Braeden ng kwarto, dinamayan na lang ako sa pananahimik ko. Hindi niya ako iniwan at tahimik na kinulong sa mga bisig niya.

Ngunit kagabi'y nakapag-usap na rin kami ni Braeden tungkol sa susunod kong balak na gawin. At kagabi nga'y napakagdesisyon na ako. Hindi ko pa rin alam kung anong mangyayari pagkatapos ng binabalak kong gawin. Subalit anumang dumating sa akin pagkatapos nito'y handa ako.

Tila alam ang kasalukuyang bumabagabag sa aking isipan, marahang inabot ni Braeden ang kamay ko. Naalis ang tingin ko sa bintana ng eroplano at bumaling sa kanya.

"Are you okay?" tanong niya nang magtama ang mga mata namin.

Ang totoo'y abot-abot pa rin ang kaba sa dibdib ko ngunit kumpara kahapon bago magtungo sa Del Cuervo, mas maayos na ngayon ang lagay ng kalooban ko.

Kaya't nagpaskil ako ng ngiti sabay tumango kay Braeden.

Medyo lumiwana na rin ang mukha niya nang ngumiti rin siya pabalik sa akin. Mas hinigpitan niya pa ang hawak sa kamay ko. "You know I'm just here for you. You don't have to carry all of this on your own."

Agad akong tumango. Alam ko iyon. Alam na alam. Kaya nga't sobra akong nagpapasalamat dahil ang laking bagay na nariyan si Braeden. Kahit nga ang presensya niya lang ay sapat na para pagaanin lahat ng dala-dalahin ko.

Nang makarating kami ni Braeden sa Maynila ay doon naming pinadiretso ang sasakyan sa Crescent Park. Kagabi pa naming napag-usapan na dito na tutuloy. Ang una kong kailangang makausap ay si Ginoong Lander na siyang pinakabiktima sa lahat ng ito. Alam kong kaarawan niya ngayon ngunit hindi ko na maaring ipagpaliban pa ito.

Hindi nagtagal at huminto na ang sasakyan sa tapat ng bahay ng mga Koss. Nilinga ako ni Braeden at binigyan ako ng tingin na tila sinasabing ito na, oras na para gawin ko ito.

Bumaba na rin kami ng sasakyan at si Braeden na ang siyang nag-doorbell at hindi nagtagal at bumukas na rin iyon.

"Sir Braeden, Ma'am Atashka," gulat pang bati ni Mang Dennis nang makita kaming dalawa.

"Nandyan pa ba silang lahat sa loob?" tanong ni Braeden.

Bago ang flight namin kanina ay tinanong niya na si Canaan kung nasa bahay ba ang mga magulang nila. At sumagot nga ang huli na naroon daw ang mga ito ngunit parang nabanggit na may balak daw puntahan.

"Nandyan po silang lahat sa loob," sagot ni Mang Dennis. "Mabuti nga po't narito na rin kayo. Parang narinig ko po kahapon pa kayo hinahanap ng magulang niyo."

Pareho kaming nanahimik ni Braeden. Si Canaan lang ang nakakaalam kung saan kami nagpunta at alam kong mula nung Huwebes ng gabi ay hindi pa nakakausap ni Braeden ang magulang niya.

"Ah, sige Mang Dennis. Pasok na po kami sa loob," sabi ni Braeden at kinuha ang kamay ko.

Hinayaan ko na lang na hawakan niya iyon at hindi na pinansin pa kung paano kami tingnan ni Mang Dennis. Hindi ko alam kung maging sila ay alam na ang tungkol sa aming dalawa pero sa ginawa ni Braeden ay alam kong nag-iisip na ito ngayon.

Pagkapasok naming sa loob ay si Donovan ang una naming nakasalubong.

"Hey guys, you're here," bati nito sa amin.

"Where's Mom and Lander?" agad na tanong ni Braeden.

"Sa veranda sa taas, having some coffee," sagot naman ni Donovan bago magkasunod kaming tiningnan ni Braeden. "Is everything okay? Everyone's looking for you two since yesterday."

Strange LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon