PANAY ang ngiwi ko habang naglalakad pabalik ng bahay. Mukhang malaki 'ata 'yung naging sugat ko sa tuhod.
Ganunpaman ay ininda ko na lang ang sakit at sinundan ang palayo ng bulto ni Braeden. Ang bilis niyang maglakad.
Nang makarating kami sa bahay ng mga Koss ay nasa bungad ng pinto magkasamang naghihintay sina Manang Karing at Ate Andeng. Nakita ko pang dinaanan lang sila ni Braeden habang bitbit pa rin iyong aso. Habang si Ate Andeng naman ay tila natatakot lang na nakayuko, hindi makatingin.
Nang makalayo na si Braeden ay saka palang nag-angat si Ate Andeng tingin saka napatingin sa direksyon ko.
"Atashka!" tawag nito sabay lapit sa akin. Sumunod naman si Manang Karing at lumapit rin."Maraming salamat ha! Grabe sobrang laki ng utang na loob ko sa'yo," madamdaming sabi ni Ate Andeng.
Nahihiya naman akong napangiti sa kanya. Hindi ko lang inaasahan na ganyan magiging reaksyon ni Ate Andeng. Saka wala naman akong ginawa. Kahit naman siguro ay ganoon din ang gagawin.
"Wag mo nang isipin 'yun, ate," sagot ko dito.
Doon ay nagulat na lang ako nang yakapin ako ni Ate Andeng. Natawa-tawa na lang akong tinapik tapik ang likuran nito.
Mayroong napasinghap sunod ang nag-aalalang boses ni Manang Karing. "Atashka, anong nangyari dyan sa braso mo?"
Kumalas sa akin si Ate Andeng at bago ko pa malaman, pareho nang nakatiklop ang mga braso ko't sinusuri na nila pareho ang aking mga sugat.
"Naku, Atashka! May sugat ka!" bulalas ni Ate Andeng.
Maingat ko namang hinigit yung kamay mula sa hawak nila saka ngumiti sa nag-aalala pa rin nilang mga mukha. "Kamuntik na po kasing masagasaan si Knight kanina kaya po iyon kinuha ko. Medyo napatumba po ako. Pero ayos lang po. Gasgas lang naman po ito."
"Anong gasgas lang?" medyo malakas na tanong ni Manang Karing. "Nakung bata ka. Mabuti pa't umakyat ka doon sa kwarto mo't hugasan mo iyan. Puntahan kita doon at nang magamot natin yan."
"Manang ako na lang po kaya?" alok ni Ate Andeng.
"May tinatapos ka pa doon sa study diba?" paalala ni Manang Karing. "Tapusin mo na iyon at ako nang bahala kay Atashka."
Tila ayaw pang pakawalan ni Ate Andeng iyong suhestyon kanina at alam kong mas bumigat ang loob nito dahil sa nakitang mga galos ko.
Kaya't inabot ko ang isa nitong kamay saka nagsalita, "Okay lang ako, Ate Andeng. Promise. Saka kaya na yan ni Manang Karing."
Mas nilakihan ko pa ang ngiti.
"O sige. Sabi mo eh," sa wakas ay sagot na ni Ate Andeng. "Basta may utang na loob pa rin ako sa'yo. 'Wag kang mag-alala. Makakabawi rin ako. Sa sunod kong sahod, ililibre kita."
Natawa ako't hindi na umangal pa. Gusto ko na lang pagaanin ang loob niya.
Nang wala na siyang sinabi ay nagpaalam na ako sa kanilang dalawa saka pumanhik na. Pagkapasok ng kwarto ay doon ako sa banyo dumiretso. Alam ko namang susunod na anumang oras ngayon si Manang Karing.
Binuksan ko na iyong gripo doon sa lababo saka itinapat iyong braso ko, hinayaang daanan iyon ng tubig. Ngayong mas nakikita ko na ang galos ay saka ko napagtantong medyo malaki nga.
Bigla ko namang naalala si Nana Esme. Kung kasama ko siya ngayon ay hindi na noon ako tinigilan sa pagsumbat.
Lagi kasi niyang sinasabi na alagaan ko raw ang balat ko, huwag hayaan na magkagalos ng kung anu-ano. Sabi niya pa dati'y kung tapos na ako ng high school ay sumali ako doon sa mga patimpalak ng pagandahan sa probinsiya.
BINABASA MO ANG
Strange Love
RomanceCrescent Park Series #1 Wala na kay Atashka ang lahat. Ang tanging mayroon na lamang siya ay ang pangalan ng kanyang hindi nakilalang ama, si Lander Koss at ang kinaroroonan nito. Nang mapagdesisyunan niyang panahon na para kilalanin ito, hindi niya...