KAHIT ilang oras lang ang naging tulog ko, bumangon pa rin ako ng ilang minuto bago mag-alas cinco ng umaga para makapaghanda. Unang araw ko ngayon sa trabaho kaya't hindi ako maaaring mahuli.
Ngunit ilang beses ko pa ring natagpuang ang isipang lumilipad. Sa nag-iisang lugar—doon sa nangyari kagabi. Napalunok na naman ako nang maalala iyon.
Ang totoo'y bawat detalye noon ay parang nakatatak na sa isipan ko, parang sariwa sa bawat pagkakataon na maisip ko.
Siguro nga'y wala pa akong naging anumang karanasan sa lalaki. Hindi ko naranasang magkaroon ng kasintahan. Subalit ay nasubukan ko nang maligawan at hindi rin naman ako manhid. Alam ko kung nagpapahaging ng pagkagusto ang isang tao. Alam ko kung paano idinadaan sa tingin o sa kilos ang mga bagay na hindi masabi ng bibig.
At kagabi, si Braeden. Hindi lang sa tingin at kilos, maging sa salita.
'I know...yet why the hell I can't stop myself?'
Iyon ang mga salitang binitawan niya kagabi. At hindi ko kailangan ng maging henyo para malaman ang ibig sabihin noon. Dahil halatang-halata naman kahit pa gaano ko kagustong itanggi.
Gusto kong isisi sa alak, o isipin na hindi ako 'yung tinutukoy niya, na napagkamalan niya lang ako bilang ibang tao.
Subalit malinaw iyong mga salitang kanyang binitawan, maging yung tingin niya.
At iyon ang hindi ko maintindihan. Bakit? Bakit ganoon ang nararamdaman sa akin ni Braeden?
Kasi sobrang mali. Hindi ko pa naman sigurado, pero paano kung anak nga akong tunay ni Ginoong Koss? Ama rin niya ang ginoo at may posibilidad na magkapatid kami. Napabuga ako ng hininga, pakiramdam ko'y huminto ang pagdaloy ng dugo sa katawan ko.
Napapikit ako at naramdaman ang pag-agos ng luha sa magkabila kong pisngi. Bakit naging ganito kakomplikado?
Itinigil ko na lang ang pag-iisip tungkol dito at nagbihis na. Iyong mga dati kong damit ang isinuot ko dahil hindi ko maatim ang sariling isuot iyong mga binili sa akin ni Braeden.
Nang makalabas ako ng kwarto'y nagmadali akong bumaba at malapit na ako sa pinto nang bumukas din iyon. Biglang kumalabog ang puso ko at nang makita ang nakangiting mukha ni Ate Andeng ay nakahinga nang maluwag. Akala ko kung sino na.
"Oh, ang aga mo 'ata, Atashka," bati niya sa akin. "Saan ang punta?"
Hindi ko pa pala nasasabi sa kanya 'yung tungkol sa trabaho ko.
"Papasok po sa trabaho, ate," sagot ko.
Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. "Ay talaga ba? Congrats naman sayo. Saan?"
Ngumiti ako sa kanya. "Salamat po, ate. Doon po sa H.A.M. Burgers."
Naghugis letrang O iyong bibig niya. "Ay ang galling! Maganda d'un. Saka nakita mo na ba 'yung may ari nun? Si Maxence Gallego? Naku, napakagwapo saka alam mo ba dito rin nakatira 'yun sa Crescent Park."
Napangiti lang ako. Alam ko na ang tungkol sa mga bagay na iyon kaya't marahan na lang akong tumango.
"Nakilala ko na po siya," sagot ko. "Siya po 'yung naghire sa akin."
Impit na napatili si Ate Andeng. "Anong masasabi mo? Gwapo ano?"
Napangiti na lang ako.
"Hay, ang swerte mo, Atashka. Kasi alam mo ba hindi lang gwapo 'yung boss mo, bali-balita na mabait din daw talaga iyon sa empleyado," patuloy niya. Saka bumulong. "Hindi tulad dito, gwapo lang pero napakasuplado naman."
Tahimik lang akong tumingin kay Ate Andeng. Kilala ko naman kung sinong tinutukoy niya. At may bahagi sa akin na gustong ipagtanggol si Braeden, inaalala ang mga pagkakataong naging mabait ito sa akin.
BINABASA MO ANG
Strange Love
RomanceCrescent Park Series #1 Wala na kay Atashka ang lahat. Ang tanging mayroon na lamang siya ay ang pangalan ng kanyang hindi nakilalang ama, si Lander Koss at ang kinaroroonan nito. Nang mapagdesisyunan niyang panahon na para kilalanin ito, hindi niya...