Kabanata 34

2.3K 82 7
                                    

GAYA ng naunang sinabi niya, ipinagpatuloy nga ni Braeden ang pagbili ng mga pagkain. Huwebes na ngayon ngunit umuulan pa rin ng mga merienda.

"Sir, hanggang sa Sabado po ba ay may libreng pameryenda? Kasi hindi na po talaga ako magbabaon ng tanghalian at ito na lang para isahan na lang," sabi ni Marco.

Nagkatawanan kaming lahat.

"Sige lang," sagot naman ni Braeden. "Basta ba kahit hindi ka nagtanghalian, siguraduhin mong hindi apektado ang paggawa mo ha."

"Yun lang po," sagot ni Marco sabay nakapamot ng ulo. Nakakuha naman ito ng pang-aalaska mula kay Gene.

Tahimik ko lang silang pinanood habang nangingiti nang maramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko sa bulsa. Kinuha ko iyon at napakunot ng noo nang makita ang pangalan ni Braeden. Binuksan ko ang mensahe mula sa kanya.

Braeden: What did I tell you about looking at other men?

Tumaas ang pareho kong kilay at tumingin sa direksyon niya ngunit agad ding nag-iwas ng tingin nang makitang nakatingin na siya sa akin.

Seryoso ba talaga siya doon? At nasagot ang tanong kong iyon nang muling magvibrate ang cellphone kong hawak. Tiningnan ko ang mga nadagdag na mensahe mula sa kanya.

Braeden: Joke lang.

Braeden: Alam ko namang kahit na tumingin ka sa iba, sa akin pa rin babalik yang mata mo.

Natigilan ako at nadama ang kusang pagtaas ng gilid ng mga labi. Tama naman siya.

Hindi na ako nag-abala pang sumagot dahil alam naman na ni Braeden ang sasabihin ko. Ibinalik ko na ang cellphone sa bulsa saka nakipagkwentuhan na kay Ate Kristine.

Matapos sa auto shop ay hindi na kami dumaan kung saan. Paano'y tatlong gabi na kami na sa labas kumakain. Kahit alam ko namang hindi marunong magbigay si Manang Karing ng malisya sa mga bagay-bagay, ayoko lang na magsimula siyang magtaka.

Narating na namin ang harap ng bahay ngunit hindi bumisina si Braeden para mapagbuksan kami ng gate. Sa halip, kinalas niya ang seatbelt. Saan siya pupunta?

Humarap siya sa akin at biglang nagsabi. "Lets have our goodnight kiss now."

Napamaang ako sa kanya. "Ano?" saka sumilip sa labas. "Dito?"

Tumango si Braeden. "Don't worry the windows are tinted."

Hindi pa rin ako nakasagot at tumingin lang sa kanya. Naiintindihan ko naman siya. Kapag nakapasok na kami sa loob ay kailangan naming maglagay ng distansya sa bawat isa. Lalo pa't iniiwasan naming maulit 'yung insidente kay Canaan at mahuli ng ibang kasama sa bahay.

Kaya naman matapos huminga nang malalim ay dahan-dahan na din akong tumango.

Napangiti si Braeden bago inilapit ang sarili sa pwesto ko. Napapikit ako nang maamoy ang mouthwash niya. Nadama kong mas lumapit pa siya at hinihintay ko na lang ang paglapat ng mga labi naming dalawa. Ngunit hindi iyon ang nangyari.

Sa halip, may tunog na umalingawngaw sa loob ng sasakyan.

Dinig kong napamura si Braeden. Napamulat ako at nakitang nakabalik na siya sa pwesto. Inabot niya ang cellphone sa lalagyan sa harap kung saan tumutunog pa rin iyon at may pinindot.

Ang boses ni Canaan ang sunod naming narinig. "I saw your car outside. Bakit di pa kayo pumapasok? You're not doing something funny there, are you? Anyway, I called dahil inutusan ni Manang Karing si Mang Dennis na lumabas para dun sa basura baka makita kayo dyan."

Mahinang napaungol si Braeden bago sumagot. "Okay. Thanks for the heads up."

Pinutol na din niya yung tawag bago nagbusina. At agad na mayroong nagbukas ng gate. Gaya ng inaasahan, si Manong Dennis iyon.

Strange LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon