SI Via 'yung babaeng nakita kong kasama ni Braeden doon sa teresa. Kahit pa hindi ko nakitang mabuti ang mukha niya noon, sa tindig pa lang at sa mahabang legs na kita dahil sa shorts na suot, ay alam kong siya nga iyon.
At hindi naman pwede na ibang babae iyong nakita ko kung gayong siya itong girlfriend ni Braeden.
Maganda si Via, matangkad at balingkinitan ang katawan. Hindi na ako magtataka kung siya'y nag-aartista o nagmomodelo.
Mabuti na nga lang din at mabait siya. Mula nang dumating siya'y puro ngiti lang ang iginagawi niya sa direksyon ko. Ngunit pangalan ko lang ang nasabi ko sa kanya. Hindi na rin naman siya nagtanong pa ng iba. Pagkatapos kasi niyang bumati sa amin ay si Braeden na ang bukod tanging kinausap niya.
Kahit ngayong nasa mesa kami ay mahina pa rin silang nag-uusap sa tapat. Sa pagkain na ako nagpokus.
Nagsalita si Canaan na nasa tabi ko nakaupo. "You're seriously throwing all of those, Via? Wala nang natira sa pizza mo."
Napunta ang tingin ko doon sa plato ni Via. Nasa tabi na nga iyong mga karne at ibang toppings. Ang mga natira lang ay ilang gulay.
"Have a shoot this weekend so I have to watch what I eat. Anyway, you like? You can have them," nakangiting sagot ni Via.
"Nah, I'm good," sagot ni Canaan."Why give it to Bray instead? I know he's willing to eat anything that comes from you."
May napaubo. Napatingin ako sa dulo at saktong inabot ni Donovan 'yung baso ng tubig, uminom doon.
Nang matapos ay diretso itong tumingin kay Canaan. "Can we just eat like normal people do?"
"Aw, I forgot Dons is still a baby," biro ni Canaan dito.
Sinamaan lang siya ng tingin ng kapatid. Doon na sumingit si Braeden. "Stop it already, Canaan. Lets just eat quietly, please."
"Right," bulong ni Canaan at tumahimik na. Ang lahat ay nagpatuloy na rin sa pagkain.
Nang matapos kaming kumain ay agad na nagpaalam si Donovan na aakyat na ng kwarto.
Naroon ako sa mesa, inaayos iyong mga pinagkainan nang kausapin ni Braeden si Canaan na naroon lang sa may pasukan papuntang dining area."Cane, we'll go out."
"Okay," dinig kong sagot ni Canaan. "Are you gonna be back early? Or sa labas na kayo magdidinner?"
"I still don't know. I'll just text you later," sagot ni Braeden.
Hindi ko narinig sumagot si Canaan. Sa halip, iyong boses ni Via ang sunod kong narinig, inaaya na si Braeden na umalis. Pareho silang nagpaalam kay Canaan tapos ay narinig ko si Via na tinawag ang pangalan ko.
Tumigil ako sa ginagawa para luminga sa kinaroroonan nito. Ngumiti ito sa akin saka naglakad papalapit sa pwesto ko. "We'll get going."
Tumango ako, ibinalik 'yung ngiti nito. "Sige, ingat."
Mas napangiti pa ito. "Nice meeting you, again, Atashka. Hope we can bond next time when I get back here."
Ngumiti lang ako dito saka muling tumango. Doon na nagsalita si Braeden. "Via, lets go."
Lumingon si Via sa kinaroroonan ni Braeden bago muling hinarap ako, bumaba ang pisngi sa akin para sa isang beso.
"Bye!" huli pa nitong sinabi bago masayang naglakad patungo kay Braeden.
"Poor girl. She looks so smitten," narinig kong bulong mula sa likuran ko. Gulat na napunta ang mata ko roon at nakitang nandoon na nakatayo si Canaan. Paano siya nakapunta doon?
![](https://img.wattpad.com/cover/106439117-288-k397638.jpg)
BINABASA MO ANG
Strange Love
RomanceCrescent Park Series #1 Wala na kay Atashka ang lahat. Ang tanging mayroon na lamang siya ay ang pangalan ng kanyang hindi nakilalang ama, si Lander Koss at ang kinaroroonan nito. Nang mapagdesisyunan niyang panahon na para kilalanin ito, hindi niya...