Kabanata 4

4.3K 150 9
                                        

NANG dumating ang tanghalian, mag-isa na lang akong muling kumain. Huli na nang malaman kong wala akong kasabay dahil lumabas na naman si Braeden. Hindi na rin ako nakasabay kina Manang Karing sa kusina dahil nauna na raw sila.

Nang matapos naman akong kumain na ay nagpaalam na ako kay Manang Karing na maghahanap ng trabaho. Noong una'y nabigla pa siya at agad na tinanong sa akin kung nagsabi raw ba ako kay Braeden.

At nang malaman niyang alam na ni Braeden ang tungkol dito ay hinayaan na ako at sinabihan na bumalik bago maghapunan.

Ngumiti ako sa kanya't nangakong babalik ng ganoong oras. Balak ko lang naman talagang magpasa muna ng mga resume. Kanina'y nakigamit ako ng computer room dito at nagprint ng mga resume na ipapasa. Kapag natanggap na ako sa trabaho't nagkasahod ko na lang papalitan iyong papel at tintang nagamit. Hindi naman siguro magagalit si Braeden.

Nang masigurado kong handa na lahat ng mga gamit ay nagpaalam na ako at lumabas na.

Doon lang ako naglibot-libot sa mga establisyamentong malapit sa subdibisyon.

Anim na ang napagpasahan ko ng resume at mayroon pa akong natitirang apat dito.

May mga natitipuhan na akong pagtrabahuhan sa mga nauna subalit sa pare-parehong reaksyon nung mga tumanggap ng resume ko sa ayos ko ay hindi ko alam kung gusto ba nila akong maging empleyado.

Alam kong hindi ganoon kaganda ang suot kong damit. Isa pa, goma lang 'yung suot kong sapin sa paa. Ngunit ito na ang pinakamaayos kong pares ng damit at saka sa probinsya, hindi naman nila tinitingnan kung ano ang kasuotan namin kapag nag-a-apply ng trabaho.

Pinaalalahahan ko rin ang sarili na nasa siyudad na ako. At dito ay halata namang mas mataas ang batayan. Pero, hindi pa rin ako napanghihinaan ng loob. Marami pa akong maaaring puntahan na mapapasukan.

Huling dalawang resume na lamang ang hawak ko nang makarating sa isang kainan. Mga burgers, yung ang itinitinda nila dito base sa nakapaskil na menu sa labas ng pinto. Ganoon rin sa disenyo nung lugar.

Binasa ko ang pangalan nung lugar na nasa malalaking letra sa bandang bubong—H.A.M Burgers.

Maging sa pangalan nung lugar, hindi naman halata.

Tiningnan ko pang muli 'yung wanted na nakapaskil doon sa tabi ng pinto bago lumapit doon sa pwesto ng gwardiya na mayroong katabing isang lalaki na naka-uniporme ng kulay pula at itim. Sa tingin ko'y empleyado dito.

Tiningnan ko ang pila ng tao sa labas, mayroon sigurong lampas sampu na tahimik na naghihintay.

"Hi, Maam. Welcome to H.A.M," bati nung lalaking nakauniporme. "Dine in po ba?"

Ngumiti ako saka umiling. Alam ko naman ang susunod nitong sasabihin. Na merong pila at sasabihin kung pang ilan pa ako.

"Aplikante po ako," sabi ko't turo sa may wanted na sign sa gilid. "Saan po ba pwedeng magpasa ng resume?"

"Ah," tango nung lalaki. "Pasok ka na lang sa loob tapos hanapin mo si Ms. Shey."

"Salamat," tugon ko dito bago binuksan ng gwardiya ang pinto't pumasok na ako sa loob.

Ang mabangong amoy ng mga nilulutong karne ang sumalubong sa akin, ganoon din ang natural na air refreshener nung lugar. Mayroong tugtog na maririnig sa buong silid, pero halos malunod na iyon ng ingay ng iba't ibang mga kustomer na nandito ngayon. Inikot ko ang mata sa paligid at halos mapanganga sa dami ng tao.

Halos mapuno na ang mga booth at iba't ibang mesa. And benta naman ng mga burgers dito.

Inikot ko na ang mata sa paligid at naghanap ng maaaring pagtanungan kung sino si Ms. Shey pero parang lahat sila ay abala. Mayroon naman akong nakitang babae doon sa gilid na kausap iyong isang lalaki na may hawak na tray. Sa ayos nito ay parang waiter. Tiningnan ko pa 'yung babae't nakitang medyo iba ang uniporme nito sa mga ibang empleyadong nandito.

Strange LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon