NASA ganoon pa rin kaming ayos nang mayroong bagong boses kaming narinig. "What's going on here?"
Agad kong sinundan ang tinig, ganoon din iyong dalawa at nakita ang bagong dating. May pagkakahawig din ang isang 'to mula sa naunang dalawang lalaki.
"Donovan," bati ni Canaan dito. Ito nga iyong isa pa nilang kapatid. "Glad you're already here. Come on, introduce yourself to our new family member."
Hindi sumagot iyong lalaking nagngangalang Donovan. Basta tiningnan lang si Canaan, seryoso ang mukha.
"Canaan," si Braeden na ang nagsalita. "Just stop playing around."
"Who says I'm playing?" agad na sagot ng katabi ko, ang kamay ay medyo humigpit sa balikat ko.
Nakaramdam na ako ng pagkaasiwa, ginalaw ko iyong balikat ngunit tila hindi napansin ni Canaan. Sa halip, ang mga mata ni Braeden ang nagtungo sa kamay ni Canaan na nakaakbay pa rin sa akin.
Umangat ang mata niya sa akin at saglit na nagtama ang mga mata namin bago muling tumingin sa kanyang kapatid.
"Just wear something first, Canaan. It's not a good way to welcome someone wearing almost nothing at all, isn't it?" sabi ni Braeden sa kapatid. Kalmado lang iyon pero may nahihimigan pa ring talim. "And move your damn hand away, you're making her uncomfortable."
Natawa si Canaan sa tabi ko pero sa huli'y inalis na rin ang kamay sa balikat ko. Napasilip ako sa gawi ni Braeden. Paano niya nalamang ganoon ang nadarama ko? Halata ba sa mukha ko?
"Fine! Fine!" sagot ni Canaan. "You're always no fun, Bray." Saka lumingon ito sa akin. "Later, sis."
Napaungol si Braeden samantalang ako'y nakatulala lang na sinundan ng tingin si Canaan. Iba rin talaga ang isang iyon.
Naroon pa rin ang tingin ko nang hindi ko namalayan ay nakalapit na pala sa akin si Braeden. Napunta ang tingin ko sa kanya at pinagmasdan ang nag-aalala niyang mukha.
"Are you okay? What did he do?" sunod-sunod na tanong sa akin ni Braeden.
At sa ganitong distansya naming dalawa, hindi ko mapigilang bumalik ang isipan sa nangyari kagabi. Naalala niya kaya iyon?
"Atashka?"
Napakurap ako sa kaharap at doon pa lang naalala iyong tanong niya. Huminga ako nang malalim bago sumagot, " Ayos lang naman ako. Saka nakigamit lang si...yung kapatid mo ng banyo. Sira raw kasi 'yung sa kanya saka nakalock daw 'yung kwarto mo tapos 'yung sa kapatid niyo pang isa—"
"I was using mine earlier," tapos para sa akin noong lalaking nasa likuran ni Braeden. Doon ko pa lang siya tiningnan.
Mula nang lumapit sa akin si Braeden ay hindi ko na napansing mayroon pa pala kaming kasama.
"Hi," bati nung isang lalaki at saka humakbang papalapit sa pwesto ko. Ang isang kamay ay ipinatong sa balikat ni Braeden habang ang kabila'y iniabot sa akin. "I'm Donovan."
Binigyan ako nito ng tipid na ngiti, pormal, ibang-iba doon sa isa nitong kapatid. Inabot ko iyong nakalahad nitong kamay at saka ngumiti rin pabalik. "Atashka."
Saglit na gumalaw ang magkadikit naming palad bago sabay kaming nagbawi ng kamay.
Muling ngumiti si Donovan. "Welcome to our home. And I hope you get your answers once Lander comes back."
Tumango ako dito. "Salamat."
"And sorry for what Canaan did, intruding into your room like that. But he's okay most of the time so yeah. Pagpasensyahan mo na lang."
BINABASA MO ANG
Strange Love
RomanceCrescent Park Series #1 Wala na kay Atashka ang lahat. Ang tanging mayroon na lamang siya ay ang pangalan ng kanyang hindi nakilalang ama, si Lander Koss at ang kinaroroonan nito. Nang mapagdesisyunan niyang panahon na para kilalanin ito, hindi niya...