Kabanata 24

3.3K 99 14
                                    

ANG mata ko'y nasa salaming bintana, pinanonood ang pagbuhos ng ulan. Mukhang mas lumakas pa 'ata. Naiwan ako dito sa sala dahil umakyat si Braeden sa itaas para kumuha ng mga damit.

At dahil walang magawa ay inisip ko na lang na pagmasdan ang ulan sa labas. Sa ginagawa ay biglang mayroong awit ang pumasok sa isipan at sunod ay namalayan ko na lang ang sariling mahinang hinihimig iyon.

Ngunit nang umabot ako ng koro at napagtanto ang liriko noon ay bigla akong natigilan. Bigla ko kasing naisip si Braeden at hindi lang angkop iyong sinasabi ng kanta.

Ano ba, Atashka? Bakit ganyan ang iniisip mo?

Tumakbo na naman sa isipan ko iyong nadulas ako kanina at kung paano niya ako sinalo. Mariin akong napailing at tinampal-tampal ang pisngi.

Tama na, Atashka.

"Are you okay?"

Napatda ako sabay lingon at nanlaki ang mga mata nang makitang naroon na sa bukana ng sala si Braeden. Nakapagpalit na siya ng pang-itaas at mayroong hawak ang isa niyang kamay.

Naalala ko ang tanong niya't sumagot na. "Ayos lang."

Lumapit naman siya't inabot iyong hawak. "Change into this," aniya. "Iyan lang ang nakita kong medyo maliit."

"Ayos lang," ulit ko sa kaninang sinabi at kinuha iyon. "Salamat."

At bago pa siya makapagsalita'y nagpaalam na ako. "Punta lang ako ng banyo para magpalit."

Nang makapasok sa loob ng banyo'y agad ko nang hinubad ang mga basang damit. Mabuti na lang at hindi ganoon kabasa iyong mga panloob ko. Hindi ko na kailangang hubarin pa.

Sinuot ko na ang mga damit at agad na napansin na malaki nga ang mga ito sa akin. Yung gray na t-shirt ay umabot hanggang sa gitna ng binti ko samantalang iyong shorts naman ay ilang pulgada ang nilagpas sa tuhod ko. Maluwang din iyon. Mabuti na nga lang ay mayroong tali at nai-adjust ko naman.

Sinuklay ko ng mga daliri ang basang buhok saka lumabas na rin ng banyo. Isinampay ko doon sa metal na sabitan yung basa kong damit kung saan ko kinuha iyong payong kanina.

Nang matapos ay bumalik na din ako sa sala at naabutan doon si Braeden na nakapalit na rin ng pang-ibaba. Ang atensyon niya'y nasa cellphone, mayroong binabasa doon.

Napansin niya ang presensya ko't napatingin sa gawi ko. Pinasadahan niya ako ng tingin at napansin kung paano siya saglit na natigilan. May nag-iba sa ekspresyon niya nang ibalik niya sa mukha ko ang tingin. Pero agad din nawala iyon at nagsalita na siya.

"It's Donovan," aniya. "Tumawag pala siya kanina, two hours ago. But I left the phone here so hindi ko nakita. Pero nag-iwan din siya ng message. He said that apparently it was said on the news that there's a low pressure area. The rain might continue until afternoon. Baka hindi na sila makasunod. Pero, kapag kumalma na yung panahon, susunduin daw tayo ni Miguel dito."

Tumango ako pero hindi ko rin maitago ang kaba sa narinig. Ilang beses naman na akong nakaranas ng bagyo noon sa isla ng Del Cuervo. Pero kung ihahambing naman ang isla ito doon ay hamak na mas malaki ang Del Cuervo.

Tila nababasa kung anong nasa isipan ko, nagsalitang muli si Braeden. "Don't worry. Safe naman dito. I already experienced to be stranded here during a storm and nothing bad happened."

Pinilit kong ngumiti at sinubukan pang itanggi iyon. "Hindi naman ako natatakot."

Umangat lang ang gilid ng labi niya. "Sure," aniya at halata sa boses na hindi naniniwala sa akin. Sabay dugtong, "Anyway, meron bang maluluto dyan? It's already quarter to one, hindi pa tayo naglalunch."

Strange LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon