Kabanata 32

2.4K 89 17
                                    

PAREHO kami ni Braeden na hindi agad nakasagot.

Hanggang sa gumalaw sa gilid ko si Braeden at humakbang papalapit sa direksyon ng kapatid. "Canaan, I can explain—"

"No," putol ni Canaan saka hilaw na natawa. Napailing ito. "Know what? Save it. I don't think I can hear it right now."

Saka lumabas na ito at padabog na sinara ang pinto.

Agad na bumagsak ang pakiramdam ko. Sa gulat, sa hiya, halo-halo na.

Nakatulala pa rin ako nang maradaman kong lumapit sa akin si Braeden. Marahan niyang ipinatong ang kamay sa balikat ko. "It's okay. I know Canaan, he won't tell a soul about it."

Bagamat pumasok iyon sa isipan, mas nababahala pa rin ako sa kung anong iniisip sa amin ni Canaan ngayon.

Nang hindi pa rin ako sumagot ay parehong kamay na ni Braeden ang pumatong sa balikat ko saka ko naramdaman ang isang kamay niya sa aking baba at banayad na inangat ang aking mukha.

Nag-aalalang tumingin siya sa akin. "You're not thinking of ending us now, right? We're not even together for 24 hours."

Huminga ako nang malalim saka umiling. "Hindi. Inaalala ko lang si Canaan."

Medyo umaliwalas ang mukha niya. "Don't worry, kapag nakapag-cool down na 'yun, he'll come around.  Then we can talk to him."

Tumango ako at tahimik na hiniling na sana'y maayos din agad ito. Napagkasunduan namin ni Braeden na doblehin pa ang pag-iingat at matapos makapag-usap ay iniwanan niya na ako sa kwarto.

Tapos na akong makapaglinis ng katawan at makapagbihis nang bumaba ako ng bahay. Si Manang Karing ang nadatnan ko sa kusina na patapos na rin sa pagluluto.

"Hello po, manang," bati ko dito saka dumiretso sa ref para kumuha ng tubig.

"Hello din, hija," bati niya. "Medyo nangitim ka ah," puna niya sa kulay ko. "Pero bagay mo naman. Maganda ka pa rin. Naenjoy mo ba yung resort?"

Tumango ako. "Opo. Kahit papaano ay nakabawi po akong magswimming. Hindi po kasi tayo nakapaglangoy nung pumuntang Batangas."

Mahina lang siyang natawa saka nagpatuloy sa ginagawa. Nakita kong naglagay si Manang Karing ng nilutong pagkain sa plato saka inilagay doon sa tray.

Tahimik ko lang siyang pinanood at inisip kung para kanino iyon. Kay Donovan kaya? O kay Canaan?

Natapos na si Manang Karing sa ginagawa saka biglang bumaling sa akin. "Ah, hija. Pwedeng makahingi ng pabor?"

Ngumiti ako sa kanya. "Oo naman po. Ano po ba iyon?"

"Pwede mo bang iakyat ito kay Braeden? Kasama niya kasi si Knight kaya't pinaakyat na lang itong hapunan niya. May naiwan pa kasi akong nakasalang."

Natigilan ako pero tumango rin kay Manang. "Sige po," sabi ko't tumayo na at nilapitan ang dadalhin.

Nag-usap kami ni Braeden na iiwasang magsama kapag nandito sa loob ng bahay pero sadyang may hindi lang maiiwasan na pagkakataon tulad nito.

Bitbit ang tray sa isang kamay ay ginamit ko ang malayang kamay upang kumatok bago binuksan iyong door knob at tinulak ang pinto.

"Palagay na lang po—"

Hindi na natapos ni Braeden ang sinasabi dahil ang mga mata niya ay nakatingin na sa akin ngayon.

"Pinaakyat ni Manang Karing. May naiwan pa kasi niyang niluluto," paliwanag ko saka binaba na ang tray sa maliit niyang mesa.

Dahil sa usapan, magpapaalam na dapat akong aalis nang kumawala si Knight sa hawak ni Braeden at agad na lumapit sa pwesto ko.

Tumayo rin si Braeden at sinubukang kunin si Knight. "Come here, boy. Wag mo munang kulitin si Atashka."

Strange LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon