unedited. excuse any errors. thank you. x
*
GINUGOL ko ang buong maghapon sa pakikipag-usap sa mag-asawa. Marami silang naging tanong tungkol sa naging buhay ko sa probinsya. At kahit pa ang haba haba ng mga kwento ko'y tila aliw na aliw sila habang nakikinig. Lalo na si Mrs. Anastacia na sinabihan akong Tita na lang daw ang itawag ko sa kanya.
Nagtanong din ang ginoo tungkol sa pananatili ko dito, habang naghihintay sa kanila. At nabanggit ko nga na nagtatrabaho ako sa diner maging doon sa auto shop ni Braeden.
"Ano?" tila gulat na tanong ng ginoo at umunat ng upo sa sofa. "Hinayaan ka nilang magtrabaho?"
Nasa sala na kami ngayon. Matapos mag-tanghalian kasama ang magkakapatid—maliban kay Braeden na umalis daw sabi ni Canaan—ay inaya ako ng mag-asawa dito upang ituloy ang naudlot naming pag-uusap kaninang agahan.
"Ako po 'yung nagpumilit na magtrabaho," sagot ko. "Hindi lang po kasi ako sanay na walang ginagawa. Saka po, nagbabalak din sana akong makaipon para sa pag-aaral ko ng kolehiyo."
"What a good child," singit ni Tita Anastacia. "Napakasipag mo, hija. At responsable."
"Pero magmula ngayon ay hindi mo na kailangang gawin," sabi ni Ginoong Lander. "You're my daughter and I'll provide for you."
Tumango-tango. "Naiintindihan ko po," sagot ko. "Pero pwede niyo po ba akong bigyan ng pagkakataon para makapagpaalam po nang maayos?"
Huminga nang malalim ang ginoo. "Actually, I know the owner of H.A.M, he's a good friend of mine. Pwede ko siyang kausapin para sayo. At sa auto shop naman, masasabihan naman ni Ana si Braeden. But if you want to handle this, then okay. Pumapayag ako."
Ngumiti ako sa ginoo. "Maraming salamat po."
At sa isipan ay naghahanda na ako ng sasabihin sa diner oras na pumasok bukas.
Nang dumating ang hapunan ay hindi pa rin bumabalik si Braeden. Narinig kong hinanap siya ng mag-asawa at mukhang parehong walang alam ang magkapatid kung saan ito nagtungo. Nang matapos kaming kumain ay nauna nang magpaalam ang mag-asawa para umakyat. Maging yung dalawang magkapatid matapos tumulong kay Manang Karing.
Sinadya ko namang magpaiwan para makausap si Manang. Pakiramdam ko'y kailangan ko lang magpaliwanag sa mga nalaman nito ngayong araw.
"Oh, hija. Bakit narito ka pa?" nagtatakang tanong ni Manang Karing nang madatnan ako doon sa dining area. Kagagaling niya lang sa kusina at mukhang papunta na sa sariling silid.
"Hinintay ko po talaga kayo," sagot ko.
"Bakit? May kailangan ka ba?"
Nahihiya akong ngumiti sa kanya. "Pwede ko po ba kayong makausap saglit?"
Nang tumango si Manang ay inaya ko munang maupo kami doon sa hapag.
"Ah, manang. Pasensya na po kung hindi ko po nasabi 'yung tungkol sa pagiging anak po sa akin ni Ginoong Lander."
"Naku, wala yun, hija. Gaya nga nang lagi kong sinasabi, hindi ako nakikialam sa mga personal na bagay tungkol sa mga Koss. Kaya nga't tumagal ako dito eh," mahina pang natawa si Manang. "Pero ang totoo niyan, narinig ko na ang tungkol doon nang minsan mag-usap ang mga magkakapatid kaya hindi na ako nagulat nang magsabi ka kanina. Kaya rin gusto kong makita mo na si Lander. Mabuti kang bata, Atashka. Sa dalawang buwan na nakasama kita dito ay nakita ko ang kabutihan ng loob mo. Kaya't natutuwa akong malaman na anak ka ni Lander. Wag kang mag-alala. Mabait ang mag-asawang 'yun. Alam kong maaalagaan ka nila."
Matapos kaming makapag-usap ni Manang ay nagtungo na siya sa sariling silid. Habang ako naman ay paakyat na rin ng hagdan nang masalubong si Canaan.
BINABASA MO ANG
Strange Love
RomanceCrescent Park Series #1 Wala na kay Atashka ang lahat. Ang tanging mayroon na lamang siya ay ang pangalan ng kanyang hindi nakilalang ama, si Lander Koss at ang kinaroroonan nito. Nang mapagdesisyunan niyang panahon na para kilalanin ito, hindi niya...