Kabanata 9

3.7K 124 16
                                    

HINDI sumagot si Braeden pero narinig ko ang mahinang yabag ng kanyang paa hanggang sa mayroong bumukas at sumara. Marahil ay iyong cabinet.

Ilang segundo rin ang lumipas bago ko narinig muli ang boses niya. "I'm good. You can open your eyes now."

Inalis ko na ang takip sa mga mata, saka iminulat iyon, tinungo ang pinanggalingan ng boses ni Braeden. Pero agad ko ring iniwas ang tingin nang makitang wala pa rin siyang suot na pang-itaas.

At hindi ko naman alam kung bakit biglang naglaro sa isipan ko iyong gabing nakita ko siya sa may teresa.

Napalunok ako. Ano ka ba, Atashka? Bakit ba ganyan ang takbo ng utak mo?

"What's up?" dinig kong tanong ni Braeden at pilit ko nang itinaboy ang kung anu-anong naiisip.

Medyo inanggulo ko ang ulo sa direksyon niya pero ang mga mata'y nasa ibaba pa rin. Nagsalita na rin ako. "May mga nakita kasi akong paperbag doon sa ibabaw ng kama ko, gusto ko lang sanang malaman kung ikaw ang naglagay doon."

"Ako nga," sagot ni Braeden. "And that's for you."

Hindi ko na napigilan pa't inangat na ang mukha, tinagpo ang mga mata niya. "Pero bakit?"

"My thank you for what you did for Knight," agad niyang sagot. Wala naman akong maisagot. Hindi ko alam kung anong sasabihin.

Nagsalitang muli si Braeden. "And if you're thinking of giving them back to me, don't. That's yours. And the least you can do is to use them."

Hindi ko naman naisip na gawin iyong sinasabi niya. Nagulat lang talaga ako doon sa mga binili niya.

Bandang huli'y ngumiti na rin ako. "Salamat. Hindi man ako naghahangad ng kapalit sa ginawa ko para kay Knight, pero salamat sa mga damit. Gagamitin ko ang mga iyon. Salamat ulit."

Tumango si Braeden. "May kailangan ka pa ba?"

Umiling ako. "Wala naman. 'Yun lang ang gusto kong tanungin. Sige, labas na ako."

Hindi na sumagot pa si Braeden at ako naman ay nagpatuloy na sa paglalakad papuntang pinto. Pero magmula ng makalabas doon sa kwarto niya hanggang sa bumalik ako sa akin ay hindi maalis ang ngiti ko.

***

Bumaba ako nang magtawag na si Manang Karing. Pero pagbaba ko'y napataas ang kilay ko nang makitang isa lang ang nakahandang plato sa mesa.

"Manang?" tawag ko. "Bakit isa lang po 'yung plato?"

"Ah, oo. Para sayo lang," sagot niya.

Inisip ko na kung umalis bang muli si Braeden nang nagsalitang muli si Manang Karing. "Si Braeden kasi'y doon nagpapadala ng pagkain niya sa kwarto, doon daw siya kakain."

Napatango-tango naman ako. Saka biglang may naisip. "Ah, saan po iyong dadalhin na pagkain?"

Binalanse ko sa isang kamay iyong tray habang ang isang kamay ay pinangkatok sa pinto. Buti na lang at medyo sanay ako na gawin ito.

Walang sumagot kaya't inulit ko ang pagkatok.

Iyon nga ang ginawa ko kanina—pinakausapan ko si Manang Karing na ako na lang iyong magdadala nito. Wala lang. Gusto ko lang may gawin para kay Braeden bilang kapalit noong ginawa niya para sa akin.

Nang wala pa ring sumagot ay inikot ko na iyong doorknob. Wala naman na sigurong bubulaga sa akin o ano, hindi ba?

Itinulak ko na iyong pinto saka pumasok na sa loob.

"Manang?" dinig kong tawag ni Braeden. Siguro'y naroon siya sa may sofa banda.

"Ah, ako 'to. Si Atashka," sagot ko at naglakad papunta roon.

Strange LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon