Kabanata 12

3.6K 126 20
                                    




"SINO ka? Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok dito?" sunod-sunod kong tanong sa estranghero.

Hindi siya sumagot. Sa halip, ibinalik niya ang tingin sa mga mata ko, may ngisi sa labi saka dahan-dahang humakbang papalapit sa pwesto ko.

Napalunok ako. Anong ginagawa niya?

"Wag kang lalapit!" sigaw ko. "Tatawag akong pulis. Wag mo lang akong isipang gawan ng masama kundi masasamain ka talaga."

Tumigil siya, tiningnan ako saka maya-maya'y humagalpak ng tawa. 'Yung talagang tawang-tawa. Napahawak pa siya sa tyan at natakot ako para sa suot niyang tuwalya. Paano kapag nakalas iyon?

"Chill, love," sagot niya sa akin. "Just so you know, I love my freedom. And even you're worthy of some fun, there's no way I'll force myself on you. For your information, never tried to beg a girl. They fvcking beg me."

Nalukot ang mukha ko sa pagmumura niya.

"Pero ano ngang ginagawa mo dito? Bakit galing ka sa banyo? Anong ginawa mo d'un? Saka pwede bang tumalikod ka muna? Mag-dadamit lang ako."

Tinawanan na naman niya ako. Ang mata'y mabilis na humagod pababa sa katawan ko.

"Love, topless girls are not new to me. I've seen lesser clothing than that. Or even sans clothing at all." Napalunok ako sa pinagsasabi niya. Bumalik ang tingin niya sa mata ko. "But since I'm feeling a little gentlemanly, then your wish is my command."

Tumalikod na siya at parang tanga pa rin akong nakamasid sa hubad na likod niya.

"Just hurry though. I also have a habit of getting a little impatient sometimes."

Doo'y nagmadali na akong dinampot iyong pantaas na suot ko kanina at isinuot iyon sa akin. At tila mayroong mga mata sa likuran ng ulo, hinarap na niya akong muli.

"Sagutin mo na 'yung tanong ko. Sino ka? Anong ginaga—"

"Canaan's the name," putol niya sa sinasabi ko. "I'm here to take a shower since apparently mine's not working. Can't use Bray's since his room is locked and Donovan's using his. Ayoko nang bumaba. And since I saw the guest room's not locked which is your room now, I decided to use the shower here. And how did I get in? Through the door. So," huminga siya, naglabas na naman ng ngiti. "Are those enough to answer your questions, love?"

Inulit ko ang mga sinabi niya sa isipan. At kahit pa hindi niya direktang nabanggit, malakas ang pakiramdam kong kapatid siya ni Braeden. Pero gusto ko pa ring makumpirma. "Kapatid ka ni Braeden?"

Tumaas ang gilid ng labi niya. "Yes. Me and Donovan. But I'm telling you now, I'm the most good looking among us three."

Natawa siya habang ako'y nanatiling tahimik, nag-iisip. Tama nga iyong hinala ko. Kung gayon ay narito na rin pala ang mga kapatid ni Braeden. Nakauwi na kung saanman sila nanggaling.

Wala man akong inaasahan sa magiging ugali ng mga ito, hindi pa rin ako handa na ganito umasta ang isang ito. Napakalayo ng kanyang personalidad kay Braeden.

Tahimik pa rin akong nag-iisip nang hindi ko namalayan ay nakalapit na siya sa akin.

Kaya naman nang marinig siyang magsalita'y laking gulat ko.

"Since I already gave me you some answers. Mind giving me something back?" Inabot ng kamay niya iyong baba ko. "Like a kiss?"

Nanlaki ang mga mata ko. Lalo na noong bumaba ang mukha niya sa akin. At doon ay kumilos na ako. Gamit ang buong lakas, itinulak ko siya ng parehong kamay.

"Ano ba?" hiyaw ko sa kanya.

Napamura naman siya dahil muntikan na siyang matumba. Pero agad niyang nakuha ang balanse at nakatayo pa rin nang maayos. Tumingin siya sa akin pagkatapos, ang mukha'y tila nagulat sa ginawa ko.

Strange LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon