Date Published: April 26, 2017
Date Re-Published: June 21, 2020CHAPTER 1.
ALEXENE HANICKA SOUTHRIDGE'S POV
Nagising ako nang may narinig akong ingay mula sa labas ng kwarto ko. Tumayo na ako mula sa kama at naligo na.
Pagkalabas ko mula sa banyo ay agad akong nagbihis. Inayos ko na ang mga gamit ko dahil naghahanda na akong umalis mula dito.
Lumabas na ako mula sa kwarto ko at nakita ko sila papa at ang mga kaibigan niya na nagsusugal sa sala. Napatingin silang lahat sa'kin pero hindi ko na sila pinansin pa.
"Alex, nakuha mo na ba 'yung pera na pinapakuha ko mula sa mga amo mo?" Tanong ni papa. Huminga ako ng malalim
"Hindi pa po." Sagot ko at pagkaharap ko ay agad akong nakatanggap ng isang malakas na sampal. Halos mamanhid naman 'yung pisnge ko dahil do'n.
"Ilang beses ka ba namin sinabihan na nakawin mo ang mga pera at alahas nila?! Kaya ka nga namin pinatrabaho do'n eh!" Sigaw niya.
"Nako! Ano pa ba ang aasahan mo diyan sa walang kwenta mong anak?" Tanong naman ni mama kay papa at badabog na binitiwan ang kalan sa lamesa.
Hindi ko na sila pinansin pa ulit at pumasok na lang sa loob ng kwarto ko. Kinuha ko na 'yung mga bagahe ko at lumabas na ulit sa kwarto.
"Saan ka pupunta, Alexene?!" Galit na tanong ni papa sa'kin. "Aalis na po ako." Simpleng sagot ko.
"Simula po ngayon, wala na kayong aahasang pera mula sa'kin. Hindi niyo na po ako makikita pang ulit." Dugtong ko at tuluyan na kong umalis mula sa impyernong bahay na 'yon.
Pumunta ako sa hintayan ng jeep at naghintay ng masasakyan. Habang naghihintay ay nakita ko 'yung sasakyan ni Lizzie.
Tinaas ko 'yung kamay ko para makita nila ako. Agad namang huminto 'yung sasakyan sa harap ko at bumukas ang pintuan.
Sumakay na ako at pinasok ang mga bagahe ko.
"Ano nangyari sa'yo? Bakit ang dami mong dalang bagahe?" Takang tanong ni Ia na naka-upo sa likod.
(Note. Aya po ang pronouncitation ng Ia.)
"Lumabas ka nga ulit at ilagay mo sa likod 'yung mga bagahe mo, Lene." Ginawa ko ang sinabi ni Liz at nilipat sa pwesto ni Ia ang mga bagahe ko.
Nang na-ayos ko na ang lahat ay umupo na ulit ako sa passenger's sit at pinaandar na ni Liz ang sasakyan.
Nag seat belt na ko at tumingin sa kalsada. Magsasalita na sana sila Liza nang napatingin ko sa phone ko nang naramdaman kong nag-vibrate 'yon at sinagot.
"Hello po?"
"Hello, Lene? Pwede bang humingi ng favor?" Si Mrs. San Marquez pala 'to.
"Sige po. Ano po 'yon?" Patanong kong sagot sa kaniya. Mabait pa naman ang amo ko at maintindihin pa.
"Hinahanap ka kasi ni Drew kaya pwede bang pumunta ka ngayon dito? Alam kong day off mo pero nagta-tantrums talaga siya ngayon dahil gusto ka niyang makita." Napangiti ako.
Ang sweet talaga ng batang 'yon kahit kailan.
"Sige po, ma'am. Pupunta po ako para kay Drew." Nakangiting sagot ko kaya naman napatingin sila Liz sa'kin.
"Maraming salamat talaga, Lene." Masayang saad ni Mrs. San Marquez at binaba ko na 'yong telepono.
"Anong sabi ng amo mo?" Tanong ni Liz. "Pinapapunta ako ngayon sa bahay nila dahil hinahanap ako ni Drew." Sagot ko.
"Bakit ka nga pala may dalang gamit?" Tanong naman ni Ia. Napabuntong hininga ako.
"Lumayas ako. Ayoko namang gawin 'yung gusto nilang gawin ko eh. Saka puro sugal ang meron do'n. Ayoko do'n." Sagot ko.
"Buti naman at umalis ka na. Kasi baka may gawin sila sa'yo do'n na hindi natin magustuhan." - Liz.
"Matagal ka nang sinasabihan ng ex mo tungkol diyan eh." Sinamaan ko ng tigin si Ia.
"Iniwan rin naman niya ako eh. 'Wag na natin siyang pag-usapan pa." Saad ko at maya-maya lang ay dumating na kami sa bahay ng amo ko.
"Salamat sa paghatid, Liz. Ako na ang bahala sa mga gamit ko."
"Hindi na. Kami na ang bahala sa mga gamit mo. Kami na ang magdadala sa condo mo." - Liz.
"Yes, Lene. Kami na ang bahala." Umiling ako.
"Ako na ang bahala. Ayoko namang mahuli kayo sa mga trabaho niyo." Sagot ko at lumabas na ko mula sa sasakyan.
Mga working student pa naman kami at ayokong mag-late sila mas na't kakailanganin nila 'yung pera para makapagtapos ng pag-aaral.
Kinuha ko na 'yung mga bagahe ko at kumaway sa kanila. Nag-drive na sila paalis. Ako naman ay pumasok na sa loob ng bahay at kumatok.
Pinagbuksan ako ng isang guard at nginitian ko siya. "Ikaw pala, Lene. Pasok. Sinabihan ako ni ma'am na pupunta ka ngayon." Nakangiting saad niya.
"Salamat manong." Sabi ko at tinulungan niya ko sa nga bagahe ko. Agad tumakbo palapit sa'kin si Drew at yumakap.
Niyakap ko rin siya pabalik. Pinisil ko ang pisnge niya at napatawa siya ng mahina. Ang cute talaga ng batang 'to.
"Buti ligtas kang nakarating dito." Napatingin siya sa paligid at nagtaka.
"Bakit ang dami mong dalang gamit, Lene? May nangyari ba?" Takang tanong niya sa'kin at umiling ako.
"Umalis lang po ako sa bahay. May pinapagawa po kasi sila sa'kin na hindi ko po gusto eh." Pagsagot ko sa tanong niya.
"And what is it, noona? Is it bad?" Inosenteng tanong ni Drew sa'kin at tumango ako.
"If they're telling you bad things, that means they are bad too." Komento niya. Nakita ko naman na ngumiti si Mrs. San Marquez.
"Parang naiintindihan ko na ata kung ano ang ibig mong sabihin, iha. Dito ka na lang magstay."
"Ay, hindi po ma'am. 'Wag na po. Sapat naman po ang sweldo ko para po makabili ng condo." Pagpigil ko.
"No. No. No. Dito ka na, iha. Prayoridad namin ang kaligtasan mo kaya dito ka na. Sa kwarto ka ni Drew mag-stay." Wala na akong nagawa kundi ang pumayag.
"Sige po, ma'am. Wala naman akong panalo sa inyo eh." Saad ko at natawa siya ng mahina.
"Yey! My noona will stay here." Masayang komento naman ni Drew at tumalon-talon siya.
"Yes baby. I'm going to stay here." Niyakap ko ulit siya. "Play tayo sa kwarto mo?" Tumango siya at hinawakan ang kamay niya.
"Sige, iha. Ikaw na ang bahala kay Drew ah. Una na ko. May meeting kasi kami sa kompanya." Tumango ako.
"Bye mommy. Be safe." Hinalikan ni Drew ang mommy niya at umalis ito. Dinala ko na ang mga bagahe ko at nagpunta na papasok ng kwarto ni Drew.
"Maglalaro tayo ngayon ah. Basta gawin mo muna ang assignments mo." Tumango siya at tuluyan na kaming pumasok sa kwarto niya.
•••• END OF CHAPTER 1. ••••
BINABASA MO ANG
I'm His (San Marquez Series #1)
Художественная проза"Making her mine feels like heaven." Alexene Hanicka Southridge ay isang babysitter ng bunsong anak ng mga San Marquez. Ang mga San Marquez ay isa sa mga pinakamayang pamilya sa buong mundo. Ang mga San Marquez din ang nagpapa-aral kay Alexene sa es...