Chapter 28.

1.9K 37 0
                                    

Date Published: May 15, 2017
Date Re-Published: June 21, 2020

CHAPTER 28.

HANICKA'S POV

"Pamilyar na talaga 'yung tattoo pero hindi ko alam kung saan ko nakita 'yan." Komento ko habang iniisip kung saan ko nakita 'yon.

"Don't force your mind to remember it. You'll remember it soon, anyway." Tumango ako sa kaniya at bumalik na kami sa unit ko.

Umupo ako sa sofa st tumabi siya sa'kin. Napa-cross arms ako habang iniisip pa rin kung saan ko nakita ang tattoo.

"Ai, stop thinking about it. You're too stress." Hinawakan niya ko sa kamay at napabuntong hininga ako.

"Pwede bang makita ulit ang katawan mo?" Tanong ko. Gusto kong makita kung may tattoo din siya. Hinubad niya 'yung t-shirt niya at tinignan ko ang katawan niya.

"If you want to see my tattoo, look here." Tumalikod siya at may nakita akong malaking tattoo na crescent moon.

"It's different, right? Do you still doubt me?" Lumingon siya sa'kin. Naglakad siya palapit sa'kin at niyakap.

"I trust you now." Bulong ko. 'Yon lang naman ang kailangan kong pruweba para pagkatiwalaan siya ng buo.

"I should've showed you my tattoo from the very start for you to trust me." Komento niya.

"I'm sorry, Drei." Bulong ko at yumakap sa kaniya. Siniksik ko 'yung mukha ko sa leeg niya.

"Shh... It's okay. I understand." Bulong niya at hinaplos ang buhok ko. "You're going to continue Herald's commission, right?" Humiwalay ako ng onti.

"Oo. Umpisahan ko na 'yun." Sabi ko at pumunta na kami sa art room ko.

~~~~

Tapos ko nang gawin 'yung commission sa'kin si Herald at ginagawan ko naman ng portrait sila dad. Ito lang ang pwede kong gawin para makapag-pasalamat sa kanila.

"So, your going to do that too, huh?" Tumango ako. "Ito lang naman ang kaya kong gawin para magpasalamat sa kanila eh." Sagot ko.

"Sa dami ng tinulong nila sa'kin, mukhang kulang pa nga 'to para sa kanila eh." Dugtong ko.

"My parents really like you, ai. You know that, right?" Tumango ako. Hindi ko naman pwede hindi maramdaman 'yon dahil sa lagi nilang pinaparamdam sa'kin 'yon.

"Alam ko 'yon. Simula nang nag-trabaho ako sa bahay niyo ay pinaramdam na nila sa'kin 'yon." Sagot ko at pinagpatuloy na ang ginagawa ko.

~~~~~

Gabi na at nakain na kaming dalawa ni Drei. Nagpa-deliver ulit siya ng pagkain galing sa Pizza Pub nila.

"Drei, uuwi ka ba?" Tanong ko at umiling siya. "I'll stay here to guard you." Tumango ako.

"Sige. Thank you." Sagot ko at pinagpatuloy na namin ang pagkain.

I'm His (San Marquez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon