Chapter 33.

1.8K 30 0
                                    

Date Published: May 17, 2017
Date Re-Published: June 21, 2020

CHAPTER 33.

HANICKA'S POV

Nagising ako nang naramdaman kong may tumatamang sikat ng araw sa balat ko kaya naman dahan-dahan na kong umupo sa kama.

Nakita kong nakayakap pa sa'kin si Drew kaya dahan-dahan kong tinanggal ang braso niya para hindi ko siya masaktan.

Bumangon na ko mula sa kama at naglakad palabas mula sa kwarto. Bumaba na ko sa sala at naabutan ko ang mag-asawang San Marquez sa sofa na para bang may inaayos na invitation.

"Good morning po." Bati ko sa kanilang dalawa at nag-inat. "Good morning din, iha." Bati ni dad sa'kin.

Umupo ako sa sofa para tignan ang mga ginagawa nila. Nakita kong invitation nga ang mga 'yon kaya binasa ko.

"You're also in invited with this party, Lene." Kinuha ko 'yung inabot na invitation sa'kin ni mom.

"Pero nakakahiya pong um-attend. Hindi naman po ako bagay." Sagot ko naman.

"Don't worry, iha. Kami ang bahala sa'yo kaya relax, okay?" Wala na kong nagawa kundi ang tumango na lang.

Binasa ko 'yung invitation ang para sa celebration ito ng pagkakaibigan nila sa mga Ashworth at Arcana. Mga bigating pamilya pa ang nandito.

Nakakahiya talaga. Parang ayokong um-attend kahit na may invitation ako. Ano ba naman 'yan.

"'Wag ka nang mag-alala, Lene. Kami ang bahala kaya 'wag ka nang mag-isip ng kung ano-ano diyan." Sabi pa ni mom at ngumiti na lang ako.

Mas lalo pa kong namoblema dahil dito. Sana naman ay walang matapobre sa kanila kundi baka mapa-away ako bigla.

~ AFTER FIVE DAYS ~

Nandito ako sa isang mall at mag-isa para bumili ng mga art material saka ng damit para bukas sa party.

Nag-iikot ako sa mall para tumingin muna ng mga damit bago pumunta sa bookstore para wala akong dalang mabigat habang napili ng damit.

Pumasok ako sa isang boutique at tumingin sa mga damit. Ang ganda ng mga damit at sana ay may puti sila.

White theme kasi ang nakalagay doon sa invitation kaya ayon ang hahanapin ko. Nagulat ako nang may nabangga ako at nakita kong isang batang lalaki 'yon.

"Sorry, baby. Hindi ko sinasadiya." Sabi ko at inalalayan ko siyang tumayo. May lumapit naman sa'ming magandang babae.

"Avi, okay ka lang?" Tanong niya do'n sa bata. "Mommy, I'm fine. It's my fault because I'm playing here." Sagot no'ng bata.

"Pasensya ka na, miss. Makulit kasi talaga 'tong anak ko eh." Sabi niya at umiling ako. May narinig kaming batang umiyak kaya agad tumakbo ang babae paalis.

"Sorry talaga, baby. Hindi kasi ako natingin eh."

"No, I should be sorry. It's my fault." Natawa ako sa kaniya. Ang cute din niya katulad nila Drew.

"Do you need anything? I can help you. This is my mommy's boutique. She's the one who did all of this."

"Talaga? Ang gaganda nga ng gawa ng mommy mo eh." Komento ko naman sa kaniya at ngumiti siya ng todo.

I'm His (San Marquez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon