Chapter 41.

3.1K 41 1
                                    

Date Published: May 22, 2017
Date Re-Published: June 21, 2020

CHAPTER 41.

HANICKA'S POV

Tahimik lang akong nakain kasabay nilang lahat. Hindi ko pinapansin sila Felix dahil sa nangyari kanina.

"Lene, malapit na ang birthday mo, ano ang gusto mong handa?" Tanong ni mom kaya napatingin ako sa kaniya.

"K-kahit 'yung normal lang po. Kahit na hindi po maghanda ng sobra." Sagot ko naman.

"Bakit ba ayaw mong maghanda tayo para sa birthday mo? Once a year lang naman ang pag-celebrate no'n." Komento ni mom.

"Ayoko lang po talagang magsayang ng maraming pera at mapagod po sa paghahanda. Saka hindi naman niyo po kailangang gawin 'yon." Napayuko ako.

"Hindi naman po ako parte ng pamilya niyo para paghandaan ang kaarawan ko." Bulong ko at tumahimik na.

"Iha, you're part of our family. Simula pa no'ng una ay parte ka na. Hindi mo naman kailangang ilayo ang sarili mo mula sa'min." Sabi ni dad.

"Sa bawat oras na lumilipas na magkasama tayo, tinuring ka na naming parte ng pamilya at anak." Sabi naman ni mom.

Mas lalo akong nakaramdam ng hiya dahil sa mga sinabi niya. Hindi na ko nagsalita pa dahil sa wala naman akong sasabihin.

"Basta, paghahandaan natin ang birthday mo next week at hindi ka pwedeng tumanggi." - Mom.

"Mom, let's not force her. She didn't want it." Sabi ni Drei na kanina pa tahimik habang nakikinig.

"She's not used to this. So please, let's not force her to do something that she didn't want to do." Dugtong niya pa.

Nagpatuloy na ko mula sa pagkain at hindi na nagsalita pa dahil hindi naman nila ako papakinggan kahit na ano pa ang sabihin ko.

~~~~

Tapos na kaming kumain at nandito ako ulit ako sa kwarto ni Drei habang nakaupo sa kama. Wala siya dito ngayon dahil sa kinakausap pa siya ni dad.

Habang naghihintay ay napatayo ako mula sa kama at naglakad-lakad sa kwarto niya. Lumapit ako sa bookshelf na puro libro.

Kinuha ko 'yung isang libro at nagulat ako nang biglang gumalaw ang bookshelf. May nagpakitang hagdan sa'kin at tinignan ko 'yon.

Para saan ang hagdan na 'to? Bakit may ganito dito? Dahil sa na-curious ako ay dahan-dahan akong naglakad pababa para makita kung ano ang nasa baba.

Nang nakarating na ko sa pinakababa ay tinginan ko 'yung buong paligid at ang dilim dito. Naghanap ako ng switch ng ilaw para buksan ito.

Maya-maya lang ay nabuksan ko na 'yung ilaw at nagulat ako sa tumumbad sa'kin ngayon.

Puro picture ko ang nandito. Lahat ng ginagawa ko ay nandito, sa bawat anggulo ay meron ang nakikitang litrato at mas nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko 'yung litrato ko habang nakahubad.

Naliligo ako kaya wala akong suot na saplot sa katawan. Bakit may mga ganitong litrato si Drei? Obssessed ba siya sa'kin?

Lumapit ako sa lamesa nang may nakita ako doon. 'Yon 'yung vibrator na ginamit niya sa'kin kanina pauwi dito sa bahay.

I'm His (San Marquez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon