Date Published: May 9, 2017
Date Re-Published: June 21, 2020CHAPTER 21.
HANICKA'S POV
Nag-iikot kami ni Drei sa buong museum habang natingin sa mga nakadisplay ngayon. Ang gaganda lahat ng mga gawa ni Felix.
Humiwalay na muna sa'min si Felix dahil sa may tumawag sa kaniya kanina kaya lumapit na muna siya doon.
Habang tinitignan lahat ng gawa niya ay may napansin ako tungkol sa mga ito. Parang may iisang theme silang lahat.
"Ako lang ba o lahat ng mga gawa niya ay may connection kay Alexandrite?" Tanong ko kay Drei at tumango siya.
"Today's the Death Aniversary of my sister. Since then, gumagawa na ng exhibit si Felix para malaman ng lahat how much he loves her." Sagot niya.
"S-sorry." Umiling siya. "I'm happy to know that he's still in love with her until now." Dugtong niya.
"Ang lungkot naman ng ganito. Ayokong maranasan 'to." Komento ko at napatigil mula sa paglalakad.
"I don't want to experience this too. That's why I'm going to protect you." Sagot niya at hinawakan ang kamay ko.
Sa bawat paghawak niya sa kamay ko ay pakiramdam ko ligtas ako. Sa tuwing kasama ko siya ay nasasanay na ko.
Ganito din ang naramdaman ko kay Herald noon kaya natatakot ako dahil baka gawin niya din sa'kin 'yung ginawa ni Herald.
Ayokong ding umasa kasi nandiyan pa 'yung takot ko na baka totoo ang akusasyon ni Herald na siya nga ang gustong magpa-patay sa'kin.
Kahit na lagi kaming magkasama para mas makilala pa siya ay natatakot ako. Tinignan niya ko at agad kumunot ang noo niya.
"Are you okay, ai? Something wrong?" Tanong niya at umiling ako sa kaniya. Napatingin ako sa paligid para maka-isip agad ng palusot.
"D-doon naman tayo sa iba." Pag-aya ko at hinila ko na siya. Ayokong malaman niya kung ano ang mga nasa isip ko.
~~~~
Tapos na kaming tumingin sa exhibit at nandito kami sa isang kainan na malapit sa museum. Naka-order na kami at tahimik lang ako sa pwesto ko.
"What are you thinking about, ai?" Tanong niya kaya napatingin ako sa kaniya. Huminga muna ako malalim.
"Iniisip ko lang 'yung tungkol sa mga nangyayari ngayon." Paninimula ko sa kaniya kinuha ang baso ng tubig at uminom.
"Drei, natatakot akong magtiwala sa'yo kasi baka bigla mo kong patayin." Dugtong ko sa kaniya at bumuntong hininga siya.
"Ai, I know that I still don't have proof to you. But I swear, I won't betray you." Sabi niya at hinawakan ang kamay kong nasa lamesa.
"Don't worry, okay? Soon, I have proof to show you." Dugtong niya at dumating sila Felix kasama ang mga anak niya.
"Uncle!" Tawag ng batang babae at kinarga siya ni Drei. Pinaupo niya ito sa kandungan niya. Napatingin naman ako sa tumabi sa'kin at nakita ko si Alexandros.
"Hello, baby." Bati ko at pinisil ang pisnge niya. "Auntie, I love you." Sabi niya at niyakap ko siya. Ang cute talaga niya.
"I love you too, baby." Sagot ko at pinisil ulit ang pisnge niya. "Damn. He's really making a move now." Rinig kong komento ni Drei.
BINABASA MO ANG
I'm His (San Marquez Series #1)
General Fiction"Making her mine feels like heaven." Alexene Hanicka Southridge ay isang babysitter ng bunsong anak ng mga San Marquez. Ang mga San Marquez ay isa sa mga pinakamayang pamilya sa buong mundo. Ang mga San Marquez din ang nagpapa-aral kay Alexene sa es...