Chapter 51.

399 2 1
                                    

Date Published: February 20, 2021

CHAPTER 51.

THIRD PERSON

Nandito si Herald habang pinagpapatuloy ang trabaho niya na ginagawa niya kanina bago siya tawagan ng ama niya.

Inayos niya ang suot niyang salamin at uminom ng kape na nasa lamesa niya. Kailangan niya kasing tapusin ang report na 'to para maibigay na kay Kali.

"Sir, tama na po! Masakit na!" Napatigil siya nang narinig niyang sumigaw si Hanicka mula sa labas.

Agad-agad siyang tumayo at nakita niyang tumakbo palabas ng kwarto si Drei kaya naman sumunod na siya.

Pagkarating niya sa sala ay nakita niyang yakap ni Drei si Hanicka habang naiyak ito. Nasa harap nila ang magulang niya.

Masama ding nakatingin si Drew sa mga magulang niya kaya lumapit na siya sa pwesto nilang lahat.

"What did you just do to her?! Huh?!" Galit na tanong ni Herald. Napatingin siya kay Hanicka at nakita niyang nanginginig ito sa takot at nadugo din ang braso nito.

"What happened to her arm? Bakit nadugo 'yan?" Tanong ni Herald at tinignan 'yun ni Drei. Doon lang niya napansin 'yung sugat ni Hanicka.

"What happened?! Ano ba ang ginawa niya para saktan niyo siya ng ganito?!" Tanong naman ni Drei.

"Wait. Please, pag-usapan natin 'to ng maayos." Naiyak na saad ni Hyanna at dumating na sila Kali at Asuna na nagising dahil sa ingay.

"Anong nangyari at parang nag-aaway kayo?" Tanong ni Asuna at napatingin kay Hanicka. Agad siyang lumapit sa kaniya nang nakita niyang nanginginig at umiiyak ito.

"Anong nangyari kay Lene at naiyak siya?" Tanong ni Asuna at hinila niya ng marahan si Hanicka para yakapin.

"Uncle hurt her, mommy." Pagsumbong naman ni Drew. "Ano?! Bakit mo siya sinaktan, Kenzo?" Nilapitan ni Kali si Kenzo at kinuwelyuhan ito.

"Anong kasalanan ni Lene para saktan mo siya?!" Sinuntok ni Kali si Kenzo kaya napa-upo ito sa sahig.

"Pagkatapos iwan ng babaeng 'yan si Herald, lumipat naman siya ngayon kay Alexandrei!" Sigaw ni Kenzo nang nakatayo na siya.

"Pagkatapos niyang gamitin ang anak ko, lumapit naman siya kay Alexandrei!" Dugtong niya pa.

"She didn't left me! I was the one who left her! I was the one who hurt her!" Sigaw ni Herald at sinuntok ang tatay niya kaya napaupo ito sa sahig ulit.

"I told you, once you did something to her, I'll fucking bring you down!" Sigaw pa ni Herald at inapakan ang tatay niya.

Napatigil silang lahat nang biglang tumakbo paalis si Hanicka mula sa bahay. Hinabol naman nito ni Drei.

HANICKA

Lalabas na ko sa gate ng bahay ng mga San Marquez nang may humawak sa kamay ko at napalingon ako sa kaniya.

"Where are you going?" Tanong ni Drei sa'kin at tinanggal ang kamay niya. Lumayo ako mula sa kaniya.

"Kailangan ko nang umalis. Ayokong magkagulo ang pamilya niyo dahil sa'kin." Naiyak kong saad.

"Ayokong mag-away ang mga magulang niyo dahil sa'kin." Sabi ko at niyakap niya ko. Tinulak ko siya palayo.

"Kailangan na nating maghiwalay, Drei. Ayokong mas maging magulo ang pamilya niyo dahil sa'kin." Sabi ko pa.

I'm His (San Marquez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon