Date Published: May 15, 2017
Date Published: June 21, 2020CHAPTER 30.
HANICKA'S POV
Nagising ako nang naramdam kong may humihaplos sa buhok ko at nakita ko si Drei na nakaupo sa gilid ng kama.
Umupo ako at kinuha ang inabot niyang papel. Binasa ko na 'yon at napatango dahil sa tungkol ito sa tuma-target sa'kin.
"Hindi muna kayo susugod dahil sa hindi pa kayo sigurado kung gaano sila kadami?" Tumango siya.
"I'm not going to let them trap us. We should make sure first that we're safe before attacking them."
"Naiintindihan ko 'yan. Ayoko namang mapahamak kayo." Sagot ko at binalik sa kaniya ang papel.
"Kayong dalawa ni Herald ang susugod?" Tumango siya. "Basta mag-ingat kayong dalawa ah?" Ngumiti siya.
"Don't worry, we'll be coming home safe. And besides, I still want to be your husband who will love you for eternity." Hinalikan niya ko sa noo.
Yumakap ako sa kaniya at napapikit. Gusto ko ding mangyari 'yon dahil sa nahulog na na talaga ako sa kaniya.
Saka na ko aamin kung maayos at payapa na ang lahat.
~ NEXT DAY ~
Pagkababa ko sa sala ay agad kong nakita si Herald doon. Kaya naman agad ko siyang nilapitan para sabihan siya tungkol sa pinapagawa niya.
Dinala ko kasi 'yon dito kahapon para maipakita sa kaniya dahil tapos na 'yon. Ang gagawin ko naman ay 'yung portrait nila mom.
"Herald, nasa kwarto ni Drei ang gawa ko kaya pwede mo siyang kausapin para ipakita sa'yo. Doon ko kasi muna nilagay para hindi masira." Sabi ko.
"Okay, got that. Sabihan ko na lang si hyung mamaya." Sagot niya. May gusto akong itanong dahil sa matagal na kong curious.
"Bati na kayo?"
"Not yet but, nag-uusap kami. Sinusubukan naming ibalik 'yung dati pero syempre, matatagalan pa." Tumango ako.
"Buti naman kung gano'n. At least, may pag-asa na magka-ayos kayo." Komento ko naman sa kaniya.
"I wish that tama ka. But I doubt that because he loves you and I'm still in love with you. Sana hindi kami mag-away nang dahil sa'yo." Napalunok ako ng laway dahil sa sinabi niya.
"I-I'm sorry." Sabi ko at umalis na ko mula sa harap niya. "H-Hanicka, wait!" Tawag niya pero hindi ko na siya pinansin pa.
~~~~
Wala naman akong pasok ngayon kaya nandito ako sa condo ko. Iniisip ko 'yung sinabi ni Herald at bumuntong hininga ako.
"Kung ako ang dahilan kung bakit sila mag-aaway o nahihirapang magka-bati, mas okay na kung lumayo na ko mula sa kanila." Bulong ko.
Napatingin ako sa phone ko nang umilaw 'yon. Tinignan ko 'yun at nakita ko ang pangalan ni Drei. Hindi ko 'yon sinagot at inatay na ang cellphone ko.
Tumayo na ko at pumasok sa loob ng art room para doon magpalipas ng oras muna.
HERALD'S POV
Pagkatakbo niya paalis ay agad akong napasabunot sa buhok ko dahil sa sobrang inis sa sarili ko.
Why did I say that? Bakit ko ba nasabi 'yon sa kaniya. That's not what I want to say to her. The only reason why magka-away kaming magpinsan ay dahil sa sarili kong pride at hindi siya.
Shit. Stupid me. I never meant to hurt her like that. Hindi ko sinasadiyang sisihin siya dahil ang gusto kong sabihin ay mag-aaway kami nang dahil sa sarili kong pride.
What should I do now? What should I tell hyung? What should I tell her?
THIRD PERSON'S POV
Nagtatakang lumabas si Drei mula sa kwarto niya dahil sa hindi sinasagot ni Hanicka ang mga tawag niya.
Lumapit siya kay Drew na kakalabas pa lang ng kwarto para magtanong.
"Drew, where's your noona?" Tanong nito at nagtaka si Drew. "I thought she's going to meet you?" Sagot niya.
"What? She's not even answering my calls." Komento ni Drei at agad siyang sinamaan ng tingin ng kapatid.
"What did you do to her, hyung? Did you hurt her, huh?" Pinalo ni Drew ang hita ni Drei sa sobrang inis.
"I didn't do anything to her. I didn't even know why she's not answering my calls." Sagot ni Drei at tumigil na si Drew mula sa pagpalo.
Bumaba na ang magkapatid sa sala at naabutan nila si Herald na nakaupo sa sofa habang may iniisip na problema.
"Herald, did you see her?" Tanong ni Drei at huminga muna ng malalim ito bago magsalita.
"I'm sorry, hyung. May nasabi akong mali sa kaniya kanina." Napabuntong hininga si Herald at yumuko.
"I told her that mag-aaway tayo nang dahil sa kaniya even though that's not true." Dugtong niya pa sa kanila.
Naglakad palapit si Drew kay Herald at pinalo niya ito sa ulo. "You're bad for hurting my noona!" Sigaw ni Drew.
Pinalo ng pinalo ni Drew si Herald at hinayaan lang siya nito. Agad namang inilayo ni Drei ang kapatid para tumigil.
"Now I know why she's not answering my calls." Komento ni Drei at bumuntong hininga. Sinubukan niyang tawagan si Hanicka ulit pero cannot be reached.
"We're getting there then this happened." Komento ni Drei at naglakad na siya paalis para puntahan si Hanicka sa condo nito.
HANICKA'S POV
Napatigil ako nang may narinig akong nag-dorrbell mula sa labas ng unit. Tumayo na ko at lumabas mula sa art room.
Naglakad ako palapit sa pintuan at sumilip muna sa maliit na butas. Nakita ko si Drei kaya naman hindi ko binuksan ang pintuan.
Kung ako ang magiging dahilan kung bakit sila mag-aaway ulit mag-pinsan, mas okay na 'yung lumayo ako sa kanila para wala nang away.
"Xene, I know that you're there. Please, talk to me." Sabi niya mula sa labas pero hindi ako nagsalita. Kinatok niya din ang pintuan.
"Xene, please. Don't do this. Hindi kami mag-aaway dahil sa'yo." Sabi niya pa at napatalikod mula sa pintuan.
Napaupo ako sa sahig habang nakasandal sa pintuan. Tumigil na siya mula sa pagkatok at tumahimik na din siya.
"What he said, isn't true. Please trust me, ai." 'Yon na lang ang huling sinabi niya at narinig ko na ang yabag ng paa niya na papalayo na.
I'm so sorry. Ayoko lang talagang makagulo pa sa inyo.
~ NEXT DAY ~
Dahil sa Sabado ngayon ay nandito lang ako sa condo ko at nagre-research para sa mga susunod kong gagawin.
Hindi ko pa rin pinapansin ang mga tawag ni Drei sa cellphone man o sa labas ng unit ko dahil sa ayokong mag-away silang mag-pinsan.
Pati rin ang mga mga tawag ni Drew at mag-asawang San Marquez ay hindi ko rin pinapansin dahil ayokong mamoblema din sila.
Napa-punas ako ng luha dahil sa nangyayari ngayon. Binitiwan ko ang cellphone ko saka binuksan ang TV para manood muna.
Kailangan kong tanggalin ang isip ko tungkol sa mga San Marquez sa ngayon para hindi ako nahihirapan.
•••• END OF CHAPTER 30. ••••
BINABASA MO ANG
I'm His (San Marquez Series #1)
General Fiction"Making her mine feels like heaven." Alexene Hanicka Southridge ay isang babysitter ng bunsong anak ng mga San Marquez. Ang mga San Marquez ay isa sa mga pinakamayang pamilya sa buong mundo. Ang mga San Marquez din ang nagpapa-aral kay Alexene sa es...