Chapter 10.

2.6K 50 2
                                    

Date Published: May 2, 2017

Date Re-Published: June 21, 2020

CHAPTER 10.

THIRD PERSON'S POV

Pagkaalis nila Hanicka ay agad niyang tinignan ng masama 'yung tatlong lalaki dahil sa mga nalaman niya.

"Did you just violate a fucking rule from this school?" Malamig nitong tanong sa tatlo.

"As one of the owners of this school, you three are fired. I don't want to see your fucking face in my territory." Dugtong niya pa at pumasok sa loob ng isang kwarto.

Titignan niya ang tungkol sa scholarship ng mga kaibigan ni Hanicka para lang makasiguro na hindi pa nababawi 'to.

HANICKA'S POV

Naglalakad kami pabalik sa room nang nagsalita si Ia.

"Lene, sino 'yung lalaki at kilala mo?" Tanong niya. "Anak ng may-ari ng school. Alexandrei San Marquez." Sagot ko.

"Pinsan ni Herald."

"Herald?! As in 'yung ex mo?" Tumango ako kay Lizzie. Napatakip sila ng bibig nilang dalawa.

"Buti nakausap mo siya ng gano'n kanina? Sinigawan mo eh." - Ia.

"Nadala lang ako ng emosyon kanina." Sagot ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila ang tungkol sa deal namin.

"Hindi ka kaya niya gantihan dahil sa pagsigaw mo kanina?" Umiling ako. "Hindi naman siya ang nagbigay ng scholaship sa'kin, ang kababata niyang kapatid." Sagot ko.

No'ng nagtrabaho kasi para maging baby sitter ni Drew ay hindi pa ko nag-aaral no'n dahil sa wala akong perang pang-aral.

Kaya naman no'ng nalaman ni Drew 'yon ay agad niyang sinabihan ang mga magulang niya at pumayag naman sila agad.

"At saka, kaya ko namang magpaliwanag kanila Mr. at Mrs. San Marquez kung malaman nila ang tungkol dito." Sagot ko pa.

"Okay, sige. Salamat talaga sa tulong mo kahit na medyo mapapahamak ka din." Sabi ni Lizzie at tahimik na kaming naglakad papunta sa room.

~~~~

Nagsisimula nang magsalita si ma'am sa harap at nakikinig kami. Tungkol kasi ito sa mga dapat at hindi dapat gawin sa klase niya.

First day pa lang naman kaya ganiyan halos lahat ng mga professor ngayon. Isa lang naman ang tine-take kong subject ngayong semester para hindi na ko mahirapan pa.

Kung pwede lang talagang tapusin lahat ng academic subjects bago makuha ang OJT ay dapat wala na kong pasok ngayon at naghihitay na lang grumaduate.

"Questions?" Tanong ni ma'am at walang sumagot sa kaniya. Tumingin siya sa'ming lahat at inayos na ang gamit niya.

"See you next meeting class." Sabi ni ma'am at lumabas na siya mula sa room. Nagsitayuan na kaming lahat nang may pumasok sa loob at nakita ko si Drei.

"Ms. Southridge and her friends, let's talk outside." Sabi niya at lumabas na siya. Nagkatinginan kaming tatlo at sumunod na kay Drei.

Pagkalabas namin ay naabutan namin siya sa sa tapat ng room at lumapit kami sa kaniya.

"About the scholarship of Ms. Pushia Semetez and Ms. Lizzie Garcia, you still have it." Sabi niya.

"You're still a scholar of this school so don't worry. I already fired those assholes so, no one will violate you again." Dugtong niya.

"Thank you po, sir." Sabi ni Lizzie at napahinga din ako ng maluwag. Buti naman at hindi sila natanggalan ng scholarship.

"Thank po talaga." Sabi naman ni Ia at napatingin ako kay Drei. Nakita kong nakatingin din siya sa'kin.

"So, I'll be needing your friend here. Mom's calling her." Sabi niya at hinila na niya ako paalis.

"Anong kailangan sa'kin ni ma'am?"

"Mom's not really calling you. We have a deal to do." Nakangising sagot niya at bago pa ko makatakas ay binuhat na niya ako na parang sako.

~~~~

"Drei, ano ba?! Baka tumataas na ang palda ko!" Sigaw ko at gumalaw-galaw ako para makatakas mula sa kaniya.

"Mas lalo kang makikitaan if you're going to move like that." Napatigil ako dahil sa sinabi niya.

Pinalo ko siya sa likod niya at maya-maya lang ay binaba na niya ako. Napatingin ako sa paligid at nakita nasa parking lot kami.

"Ano na naman ba ang kailangan mo? Ang alam ko ay sa tuwing nandiyan si Herald ay doon lang tayo kukunwari ah."

Nagulat ako nang bigla niya kong niyakap at nakita kong dumaan si Herald. Agad kong niyakap si Drei at naramdaman kong hinalikan niya ko sa noo.

"Ai, I love you. I'll do everything for you." Malambing saad niya. "I love you too, ai." Nakangiting sagot ko naman.

Umalis ka na agad Herald at hindi ko na kayang makipag-plastikan ng feelings dito sa lalaking 'to!

Nakita kong nasasaktan siya at medyo na-guilty naman ako doon. Naglakad na siya paalis at napatingin ako kay Herald na naglalakad palayo.

"You're still in love with him?" Umiling ako. "Ayoko nang mas saktan siya." Sagot ko at humiwalay mula sa kaniya.

"Hindi ko na siya mahal pero ayoko namang nakikita siyang nasasaktan, Drei. Kung ikaw kaya mo siyang saktan, ako hindi."

"I'm not a heartless person like you, Drei." Dugtong ko pa at napabuntong hininga siya.

"Fine. I won't force you in this deal if you don't like it. I won't force you to hurt him but we're still going to continue this."

"Not to hurt him but for you to be my girlfriend." Sabi niya sa'kin at tumango ako.

"Ano bang meron at gusto mo kong maging girlfriend mo?"

"Just to protect you. I'm still clearing my name for you. That's why I'm doing this." Tumango ako.

"Okay. Naiintindihan ko." Sagot ko dahil gusto ko din namang malaman kung sino ang gustong pumatay sa'kin.

Dahil kung siya nga, dapat sa umpisa pa lang na wala akong depensa laban sa kaniya ay dapat may ginawa na siya sa'kin.

"Uwi na ko. May sasabihin pa ko sa mga magulang mo." Maglalakad na sana ako paalis nang hinawakan niya ko sa braso.

"I'll take you to them. Let's go." Pinagbuksan niya ko ng pintuan kaya wala na kong nagawa pa kundi ang sumakay sa loob.

~~~~

Nabyahe kami ng tahimik at pinapakiramdaman ko siya. Baka kasi ay may gawin siyang hindi dapat kaya mas okay na 'yong handa kesa hindi.

"Don't look at me like that. I'm not going to do anything to you, so no need to worry." Paniniguro niya.

Hindi ko siya pinakinggan at pinanood ko lang siya. Napabuntong hininga na lang siya at hinayaan na niya lang ako.

THIRD PERSON'S POV

Nandito si Herald sa isang opisina sa eskwelahan at may kasamang lalaki na may suot na may bituwin na kwintas.

"I saw her with him again. I can't accept this." Sabi ni Herald. "Bakit kaya hindi natin imbestigahan ang tungkol sa nangyari noon?" Sabi ng kausap niya.

"Tignan natin kung sino talaga ang nagbibigay ng mga threats at kung sino ang gumagawa ng mga aksidenteng 'yon tapos kapag napatinayan na 'yung pinsan mo nga may kagagawan, sabihan mo ang ex mo."

"You're right. Kesa naman sa akusahan ko si Drei nang walang pruweba." Sagot ni Herald at agad tumayo mula sa kinauupuan niya.

"Let's go!" Sabi ni Herald at hinila na niya ang kasama niya paalis.

•••• END OF CHAPTER 10. ••••

I'm His (San Marquez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon