Date Published: April 28, 2017
Date Re-Published: June 21, 2020CHAPTER 9.
HANICKA'S POV
Nabyahe na kami ni Drew papunta sa school niya at napahinga ako ng maluwag. Muntikan na 'yung kanina ah.
"Noona, are you okay? Did they hurt you when they both grabbed you?" Umiling ako bilang sagot kay Drew.
"Hindi. Hindi naman ako nasaktan kaya 'wag ka nang mag-alala pa." Pinisil ko ang pisnge niya.
"Okay, noona. But tell me if they hurt you, okay? I'll smack them." Tumango ako at niyakap niya ko.
"Isumbong ko sa'yo kung sasaktan nila ako kaya 'wag ka nang mag-alala pa." Paniniguro ko at tumahimik na kaming dalawa.
~~~~
Nakarating na kami sa San Marquez Universty at bumaba na kami ni Drew mula sa van. Binuksan naman ni manong ang bintana.
"Text mo na lang kung sasabay ka kay young master Drew." Tumango ako sa kaniya. "Sige po, manong. Salamat." Sagot ko.
Umandar na 'yung van at umalis na ito. Napatingin ako kay Drew at hinawakan ang kamay niya. Tutal, maaga pa naman kaya iha-hatid ko na muna siya sa room niya.
"Hatid muna kita sa room mo." Tumango siya at naglakad na kami papasok sa Elementary Building ng school.
Sumakay na kami sa elevator at pinindot ang 5th floor. Masyado kasing malaki at maraming estudyante dito kaya naka-limang palapag ang school.
Isa kasi sa sikat na school ang San Marquez University kaya ganito siya kaganda at kalaki. Kaya malaki din ang tuition fee eh.
Bawat sem kasi ay 120,000 ang dapat bayaran. Marami kasing facilities at activities pati na rin mga seminar kaya gano'n kalaki ang tuition.
Minsan, depende sa program na tine-take ay kasama na din sa tuition ang uniform na kakailanganin kaya mas lumalaki ang tuition.
Kaya nag-aaral ako ng mabuti eh. Ayokong mawala ang scholarship ko dahil sa may bagsak ako. Kaya sa tuwing may pasok ay nagbabasa din ako ng libro at nag a-advance study na din ako.
"Noona, are you not going to be late?" Umiling ako. "Hindi ako male-late, okay?" Tumango siya.
"6 AM pa lang naman at 7:30 AM pa naman ang klase ko kaya mahaba pa ang oras ko." Sagot ko at mas lalo siyang napangiti.
"Malapit na birthday mo, baby. Anong gusto mong gawin?"
"Bonding with everyone! Birthday party!" Sagot niya habang natalon. Napatawa ako dahil sa ka-cutan niya.
"Sige, sige. Sabihan natin mga magulang mo mamaya ah?" Tumango siya at bumukas na ang elevator. Lumabas na kaming dalawa at naglakad papunta sa room niya.
Nang nakarating na kami sa room niya ay agad siyang pumasok sa loob at sumilip ako. Konti pa lang ang mga estudyante pero nagbabasa sila ng libro.
Grabe naman mga batang 'to. Aga-aga ay nagbabasa na agad sila ng mga libro. Kaya isa din ang school na 'to may mga estudyanteng topnotchers.
Kaya sa mga competitions ay nangunguna din ang school na 'to eh. Ang daming nauuwing awards at certificates.
Kaya maraming gustong mag-aral dito kahit na sobrang mahal. Kaya ako kumuha ng scholaship dito para makapagtapos.
"Noona, you have to go. I don't want you to be late for your next class." Ngumiti ako sa kaniya.
"Okay, baby. 'Wag makipag-away, huh? Be a good boy."
"Yes, noona. I will be a good boy." Sagot niya at hinalikan ko siya sa noo. Naglakad na ko paalis para oumunta na sa room kahit na sobrang aga pa.
~~~~
Nandito na ko sa loob ng room at nagbabasa ng libro. Nabili ko lang 'to last week no'ng bumili ako ng mga school supplies.
Mukhang maganda kasi ang istorya kaya binili ko na. Napasandal ako sa upuan at napa-isip. Kung gumawa kaya ako ng business?
Malaki naman ang sweldo ko sa mag-asawang San Marquez at para din lumaki ang ipon ko. Kahit na scholar lang ako sa kanila ay inalagaan din nila ako na para bang isang tunay na anak.
"Lene, ang aga mo ah. Kamusta trabaho?" Tanong ni Lizzie at kasama niya si Ia. Pinag-gitnaan nila akong dalawa.
"Ayos lang naman at ang sarap alagaan ni Drew." Pagkwento ko habang nakangiti.
"Lagi kaming naglalaro at tinutulungan ko siya sa mga assignments niya." Dugtong ko pa sa kanila.
"Kayo? Kamusta?" Tanong ko naman. Parehas silang bumuntong hininga at nag-alala ako bigla.
"'Yung scholarship namin, pwede siyang mawala kasi sinampal ko 'yung isang admin." Sagot ni Lizzie.
"Bakit? Bakit mo sinampal?"
"Kasi naman, gusto niya kaming pagsuotin ng BDSM outfit. Nakakadiri kaya." Paliwanag naman ni Ia. Nakaramdam ako ng inis dahil sa narinig ko.
"Gusto din nila kaming ikama habang suot 'yon kaya sinampal ko 'yung isa sa kanila. Tatlo kasi sila." Dugtong niya pa.
"Pumunta tayo sa admin ngayon. Kakausapin ko lang 'yung taong 'yon." Sabi ko at tumayo na. Pinasok ko na sa loob ng bag ko ang librong binabasa ko.
"Pero, baka ikaw naman ang tanggalan nila ng scholarship." - Ia.
"Akong bahala. 'Wag kayong mag-alala." Hinila ko na silang dalawa at wala na silang nagawa pa kundi ang sumama sa'kin.
~~~~
Nandito na kami sa opisina ng Admin at tinuro sa'kin nila Ia kung sino ang nambastos sa kanila. Nakita ko 'yung pandak na lalaki at panot ito.
May kausap siya pero hindi ko makilala dahil sa nakatalikod ito. Pero pamilyar ang body built niya para sa'kin, parang kilala ko siya.
"Siya? Nasaan pa 'yung dalawa?" Tanong ko at saktong may dumating na dalawa pang lalaki at sumingit sa usapan no'ng lalaking panot at ang kausap nito.
"'Yung dalawang bagong dating na kausap din nila." Sabi naman ni Ia at tumango ako. Naglakad na ko palapit sa tatlong 'yon.
Agad kong hinampas sa kanila ang bag ko at agad naman akong pinigilan ni Ia.
"Mga bastos kayo! Hindi porket mga scholar ang mga kaibigan ko ay babastosin niyo na sila!" Sigaw ko.
"Ano ba?! Nasaan ba 'yung mga guard dito at hinahayaan nila na mangyari 'to?!" Galit na tanong no'ng lalaking panot.
Sinipa ko siya sa bandang ari niya at napaluhod siya sa sahig. Sinugod ko 'yung dalawa pa hanggang sa may kumuha ng bag ko at nakita ko si Drei.
"Can you please tell me what happened, little girl?" Takang tanong niya.
"Binastos ng tatlong 'yan ang mga kaibigan ko, Drei! Pinapasuot nila ng BDSM outfit para lang makama nila ang mga kaibigan ko!" Sigaw ko.
Tinignan niya ng masama 'yung tatlo at nakita kong natakot sila. "H-hindi po totoo 'yun, sir. Nagsisinungaling lang po siya." Sagot ng isang lalaking kalbo.
"Tinatakot na nila mga kaibigan ko na tatanggalan nila sila ng scholarship." Sabi ko pa kay Drei at hinawakan niya ko sa pisnge.
"Go back to your room now. I'll be taking care of them, okay?" Tumango ako at binalik na niya 'yung bag ko. Kinuha ko naman 'yon.
"'Yung-"
"Shhh... I'll take care of it. Now go back to your room and wait for your class, little girl." Tinapat niya ang hintuturo niya sa labi ko.
Wala na kong nagawa kundi ang tumango at naglakad na kami paalis mula sa opisina ng mga admin.
••••• END OF CHAPTER 9. •••••
BINABASA MO ANG
I'm His (San Marquez Series #1)
General Fiction"Making her mine feels like heaven." Alexene Hanicka Southridge ay isang babysitter ng bunsong anak ng mga San Marquez. Ang mga San Marquez ay isa sa mga pinakamayang pamilya sa buong mundo. Ang mga San Marquez din ang nagpapa-aral kay Alexene sa es...