Date Published: April 27, 2017
Date Re-Published: June 21, 2020CHAPTER 6.
DREI'S POV
When she went out of my room, there is one thing that I saw from her. Napaka-ilap niya at to the point na parang takot na takot siya.
If that little girl only knows the truth, though. She said not to fall in love but then again, that's unavoidable. I should do something about this, goddamn it.
HANICKA'S POV
Pagkarating ko sa kitchen ay naabutan ko pa si Drew na inosenteng nakain sa kinauupuan niya kanina. Lumapit ako sa kaniya at tumingin siya sa'kin.
"Sige lang. Kain lang baby. Hintayin kita." Sabi ko sa kaniya at tumango siya. Doon ko lang din napansin na wala na si Herald dito.
Binilisan ni Drew ang pagkain at maya-maya lang ay tapos na siya. Niligpit na namin ang mga kinainan namin at hinugasan ko na 'yon.
"Anong gusto mong gawin natin, baby?" Tanong ko. "Playground!" Masayang sagot niya kaya naman hinawakan ko ang kamay niya at naglakad na kami papunta sa playground niya.
Laging wala ang mag-asawang San Marquez dito dahil busy sila sa mga trabaho nila. Kaya kinailangan nila ng yaya para kay Drew dahil lagi siyang naiiwang mag-isa dito.
Sa katunayan nga ay ngayon ko lang nakita sila Herald at Drei dito eh. Dati kasi hindi talaga sila nauwi dito kaya hindi ko alam na dito sila nakatira.
Kahit na ex boyfriend ko si Herald ay hindi ko rin alam dahil never naman niya ako pinakilala sa mga magulang niya at lagi niya lang akong dinadala sa condo niya.
Pero kahit na gano'n ay walang nangyayari sa'min dahil agad ko siyang sinasabihan. Ayoko kasing gawin 'yon mas lalo na't hindi pa ako handa.
Nandito na kami sa playground at binitiwan ko na ang kamay niya. Agad siyang tumakbo papunta sa slide at nagpadulas doon.
Ako naman ay umupo lang sa see-saw at pinanood siyang maglaro. No'ng una kong nakilala si Drew ay masyadong mahiyain at suplado dahil sa ayaw niyang makakita ng bagong tao sa bahay nila.
Kaya medyo nahirapan akong alagaan siya no'ng mga time na 'yon pero habang tumatagal ay nagiging mabait at malapit siya sa'kin hanggang sa tinuturing na niya akong ate niya.
"Noona!" Tumatakbo sa palapit sa pwesto ko si Drew na may hawak na bulaklak ng sampaguita. Binigay niya sa'kin 'yon at kinuha ko naman.
"Thank you baby." Nakangiting saad ko at inamoy. Ang bango ng bulaklak at nilagay ko 'yon sa itaas ng tenga ko.
"Noona, you're more beautiful now because of the flower." Nakangiting bati niya sa'kin. Nagpa-cute ako sa harap niya.
"Noona, please?" Sabay turo sa pisnge niya. Napatawa ako ng mahina kaya naman hinalikan ko siya sa pisnge niya. Nakita kong namula siya.
"Noona, aren't you mad at me because of what I did to hyung Drei a while ago?" Umupo siya sa harap ko at napansin kong lumungkot ang mukha niya.
"Hindi ako galit pero sa susunod 'wag mo nang gagawin 'yon ah. Bad 'yon. Mag-sorry ka mamaya sa hyung mo, okay?" Nag-okay sign siya sa'kin.
"I will later. I am just trying to protect you, that's why I did that. I don't want them to violate you." Napangiti ako at pinat siya sa ulo niya.
"Naiintindihan ko 'yon baby. 'Wag ka nan malungkot. Thank you." Napangiti siya agad at nag flying kiss siya. I giggled. Ang bait talaga ng batang 'to.
Naglaro na kami sa playground sa buong maghapon hanggang sa dumating ang mag-asawang San Marquez.
"Hello po ma'am, sir." Yumuko ako ng onti sa kanilang dalawa at nginitian nila ako.
"Hindi ka ba iniistorbo nila Alexandrei at Herald dito? Hindi ba makulit si Drew?" Umiling ako kahit na gusto kong sabihin ang tungkol kanila Drei.
"Hindi naman po ako naiinstorbo nila young master. Si Drew naman po ay napakabait kaya madali po siyang alagaan." Sagot ko.
"Buti naman kung gano'n. Buti na lang at baka masapok ko silang tatlo 'pag nagkataon." Natawa na lang ako kay sir.
"Maraming salamat, iha sa pag-alaga kay Drew. Kung gusto mong magpahinga o mag day-off, sabihan mo lang kami ah. Papayag kami." Tumango ako.
"Mas lalo na't malapit na ang magpasukan, ayaw naman naming puro trabaho na lang ginagawa sa buong bakasyon." Dugtong pa ni ma'am.
"Opo, ma'am. Thank you po." Sagot ko. Doon ko lang napansin na marami silang dalang gamit kaya naman agad ko silang tinulungan.
"Ako na po ang magdadala sa nga dala niyo po para hindi po kayo mahirapan, sir, ma'am." Suhestyon ko.
"Sige. Dalhin mo 'tong mga pagkain sa kitchen at ihanda. Kakain tayo at sasabay ka sa'min." - Mr. San Marquez.
"Ay, nako po. 'Wag na po. Nakakahiya po."
"No. No. No, iha. Sasabay ka sa'min kaya 'wag kang mag-alala." Wala na akong nagawa kundi ang pumayag sa gusto nila.
Dinala ko na 'yung mga pagkain sa loob ng kitchen at hinanda. Habang hinahanda ko 'yun ay dumating si Herald.
"Uncle and auntie really like you, Hanicka." Rinig kong saad niya at tumango ako. Hindi ako humarap sa kaniya.
"I know that ayaw mong makinig sa'kin but please listen to me at least once. Gusto ko lang talagang nagpaliwanag sa'yo." Hinayaan ko lang siyang magsalita.
"That time na iniwan kita, ayoko talagang gawin 'yon. Drei is giving me threats. Threats wherein, gusto ka niyang patayin 'pag hindi kita lalayuan o iiwan." Napatigil ako sa ginagawa ko at humarap sa kaniya.
"W-what do you mean? Anong ibig mong sabihin?" Lumapit ako sa kaniya. "Gusto ka niyang patayin. Alam mo ba kung bakit nangyayari ang mga aksidenteng 'yon dati?" Umiling ako.
Naalala ko 'yung nga aksidente na 'yon dati nang kami pa. Kahit saan ako magpunta ay may nangyayaring hindi maganda pero nakakaligtas naman ako nang himdi ko alam kung paano.
"He's the one who caused it. Siya ang may kagagawan no'n, so better be careful sa kaniya, Hanicka. You don't know anything about your new boyfriend." Seryosong saad niya.
Tinitigan ko siya ng diretsyo sa mga mata niya para makita kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi. Pero wala akong makitang kung ano doon.
"Wala din naman akong masyadong alam tungkol sa'yo. Marami kang hindi sinasabi sa'kin, Herald. Kaya bakit ako magtitiwala sa'yo?" Tanong ko.
"You can see it for yourself. Basta kung sinaktan ka niya ay nandito lang ako para sa'yo. I'll protect you from him." Nakangiting saad niya at umalis na siya.
Naiwan akong nakatunganga sa kinatatayuan ko at inisip ang mga sinabi niya.
What if ginagawa ni Drei 'to dahil sa gusto niya nga akong patayin?
•••• END OF CHAPTER 6. ••••
BINABASA MO ANG
I'm His (San Marquez Series #1)
General Fiction"Making her mine feels like heaven." Alexene Hanicka Southridge ay isang babysitter ng bunsong anak ng mga San Marquez. Ang mga San Marquez ay isa sa mga pinakamayang pamilya sa buong mundo. Ang mga San Marquez din ang nagpapa-aral kay Alexene sa es...