Date Published: May 19, 2017
Date Re-Published: June 21, 2020CHAPTER 36.
HANICKA'S POV
Nandito kami ngayon sa condo unit niya at pinaupo niya ko sa sofa. Pumunta na muna siya sa isang kwarto at pagkalabas niya ay may dala na siyang bote ng alak saka dalawang shot glass.
Nilapag niya 'yon sa lamesa na nasa harap ko at tumabi siya sa'kin. Binuksan niya 'yung bote ng alak at naglagay sa baso.
Kinuha niya 'yung isa at napatingin ako sa kaniya. Kung mas sanay siyang magkwento habang nainom ay okay lang naman sa'kin 'yon.
"Let me tell you everything from the start, okay?" Tumango ako sa kaniya. Uminom muna siya at naglagay ulit ng alak sa baso.
"At frist, when I learned that Herald has a girlfriend, I investigated everything about you, immediately." Paninimula niya.
"I just want to make sure that he's safe and you're not a gold digger for you to use him for your own selfish needs." Kinuha ko na 'yung bote ng alak.
"Ang sama mo naman. Hindi naman lahat ng mahirap ay gold digger, huh?" Komento ko at sinamaan siya ng tingin.
"I know and I'm sorry, ai." Sagot naman niya sa'kin at bumuntong hininga.
Nilagyan ko ulit ng alak ang baso niya dahil naubos na naman ang laman no'n dahil sa uminom ulit siya.
"That's why, I told my men to follow you everywhere and to know your intentions to my cousin." Pagpapatuloy niya.
"Herald is really easy to please. As long as he can feel that he's special to other person, he's going to trust the person easily without having a second thought."
Uminom ulit siya kaya naman nilagyan ko ulit ng alak ang baso niya. Ang bilis namang uminom nito.
"That's why he's easy to use or easy to manipulate." Dugtong niya at huminga ng malalim ulit.
"Everyday, I'm spying on you. I'm watching you everywhere you go and even while you're taking a bath." Sasampalin ko na sana siya nang nasalo niya ang kamay ko.
"Slap me later." Sabi niya at binitiwan na niya ang pulsuhan ko. Ano kaya 'yung nakita niya? Nakakahiya naman 'yon.
"You know why I'm doing that?" Umiling ako. Baka naman may magandang dahilan siya diba kaya ginagawa niya 'yon.
"Your parents are using and selling drugs. There is a possibility that you're also using it. I don't want Herald to be influenced by someone who's a drug addict." Paliwanag niya.
"Kaya pinapanood mo ko habang naliligo?" Tumango siya. "Some people are using drugs in the place wherein they can't be caught." Sagot niya.
"Wala ka namang nakita diba?" Nahihiya kong tanong sa kaniya at napayuko.
"I... didn't see anything." Bakit may pause sa sagot siya? Nagsisinungaling ba siya sa'kin ngayon?
"'Yung totoo, Drei. Kung magiging tayo man, gusto kong maging honest ka sa'kin lagi." Sabi ko sa kaniya.
"Fine. I saw everything. Your sexy naked body that can make me feel horny everytime I see it." He answered huskily.
BINABASA MO ANG
I'm His (San Marquez Series #1)
General Fiction"Making her mine feels like heaven." Alexene Hanicka Southridge ay isang babysitter ng bunsong anak ng mga San Marquez. Ang mga San Marquez ay isa sa mga pinakamayang pamilya sa buong mundo. Ang mga San Marquez din ang nagpapa-aral kay Alexene sa es...