Chapter 19.

2.1K 44 0
                                    

Date Published: May 9, 2017
Date Re-Published: June 21, 2020

CHAPTER 19.

HANICKA'S POV

Habang naghihintay sa pagkain ay napatingin ako kay Drei nang may naalala na naman ako.

"Drei, tanong lang. May alam kang lugar kung saan pwedeng magpatayo ng business?" Tanong ko sa kaniya.

"Yes. In our mall. May isang spot doon wherein pwedeng-pwede ang shop mo. And besides, wala namang candy at pastry shop doon." Sagot niya.

"Magkano bayad?"

"I have no idea. I'll ask mom for you later. Gagawin mo na ba?" Tumango ako. "Para paunti-unti nagagawa ko na siya." Sagot ko.

"Okay, I'll help you." Napangiti ako. "Thank you talaga." Sabi ko at dumating na 'yung mga in-order namin.

Nagsimula na agad akong kumain dahil sa kanina pa talaga ako nagugutom. Nagpa-long quiz kasi si ma'am kaya mas lalo akong nagutom.

~~~~

Nabyahe kami papunta sa condo ko nang umilaw ang phone ko kaya tinignan ko 'yon. Nakita ko ang pangalan ni Mrs. San Marquez.

"Drei, punta tayo sa kompanya ng mga magulang mo. Pinapatawag daw ako ni Mrs. San Marquez eh." Sagot ko.

"Sure. Wait." Sagot niya at lumiko na siya para pumunta sa kompanya nila. Ano kaya ang kailangan niya sa'kin?

~ SAN MARQUEZ COMPANY ~

Nandito na kami sa opisina ng mga magulang ni Drei at nakaupo kami ngayon sa sofa. Kinakabahan ako dahil baka nagkaroon ng problema.

"We are happy to see na nagiging magkaibigan kayong dalawa." Paninimula ni Mrs. San Marquez.

"Of course, mom. She's a nice girl and I'm interested in her." Sagot naman ni Drei at nahiya ako nang naaalala ko 'yung conffession niya sa'kin.

"Interested to her... 'Wag mo siyang masyadong guluhin, Drei. I know you." Paalala ni Mr. San Marquez.

"I know dad. Don't worry." Sabi ni Drei at napangiti ang mga magulang niya. Napatingin sa'kin si Mrs. San Marquez.

"Iha, I remember na gagawa ka ng business mo diba?" Tumango ako kay Mrs. San Marquez.

"Ano nga ulit 'yon? Ibibigay ko kasi sa'yo for free ang isang lugar sa mall na pinagmamay-ari ko ang business mo para naman makatulong kami sa'yo."

"N-nako po. Nakakahiya naman po 'yon, ma'am."

"No, no, no. Iha, tinuring ka na namin bilang anak kaya ginagawa namin 'to for you." Sabi naman ni Mr. San Marquez.

"P-pero po..."

"Lene, alam naming nahihiya ka pero anak na ang tingin namin sa'yo kaya ginagawa namin 'to." Pagkumbinsi ni Mrs. San Marquez.

"Just say yes already. You can't change their minds." Komento naman ni Drei kaya napabuntong hininga ako.

"Sige po. Payag po ako." Napangiti ang mag-asawang San Marquez at napangiti din ako ng onti.

"Pinagsamang candy and pastry shop po ang business na naisip ko po. Kaya pinangalan ko po siyang Sweets and Pastry Shop." Sabi ko.

"Okay, ipapahanda na namin para sa'yo 'yon. Starting today, call us mom and dad, iha." Sabi ni Mr. San Marquez.

I'm His (San Marquez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon