Date Published: February 15, 2021
CHAPTER 50.
HANICKA
Nagliligpit na kami ng mga kagamitan dahil sa tapos na ang oras namin sa pagbabaenta. Marami kaming kinita ngayon.
May mga customers kasi na nagsibalikan para bumili ulit. May nagsibili ng isang pack ng candy at isang buong cake.
Buti na lang ay marami kaming hinanda kaya hindi kami mabilis maubusan.
"Hello, ai. Are you done?" Tumingin ako kay Drei at ngumiti. "Malapit na. Saglit lang." Sagot ko at tumulong na din siya sa pagligpit
•*•*•*•*•*•*•*•*•*
Nabyahe na kami ngayon at sumabay kay manong 'yung mga kasama ko sa pagbenta kanina. Napasandal ako sa upuan at huminga ng maluwag.
"Are you okay?" Tumango ako. "Okay lang ako. 'Wag ka nang mag-alala." Sagot ko naman.
Hawak-hawak ko ang inhaler ko dahil sa baka bigla akong hikain na naman dahil sa sobrang pagod.
"Tell me if you can't breathe again. I don't want something to happen to you." Tumango ako at pumikit para makapagpahinga na.
•*•*•*•*•*•*•*•*•*
Nagising ako nang naramdaman kong nasa malambot na bagay ako at nakita ko 'yung kama ni Drei. Nakita ko siyang nagbabasa ng mga papeles sa lamesa.
"You fell asleep, that's why I put you here."
"Thank you." Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Niyakap ko siya at hinalikan sa pisnge. Mas humigpit ang pagkakayakap ko sa kaniya.
Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan 'yon. Napangiti ako at may nilagay siyang singsing sa daliri ko.
"After graduation, we're going to be married." Bulong niya. "Bakit? Papakasalanan ba kita?" Tanong ko.
"Ai!" Natawa ako sa reaksyon niya. Hinalikan ko siya sa noo yumakap na lang ulit.
~ SATURDAY ~
THIRD PERSON
Nandito si Herald sa kwarto niya habang nainom ng kape. Marami siyang ginagawa ngayon at nagpapahinga lang saglit.
Napatingin siya sa cellphone niya nang umilaw 'yon at sinagot ang tawag habang nainom na pa rin.
"Anak..." Napabuntong hininga si Herald nang narinig ang boses ng ama mula sa kabilang linya. Nilapag niya ang mug ng kape.
"What do you want now?" Tanong nito. "Gagawin ko ang lahat para lang makabawi sa'yo." Sabi ni Kenzo.
"No need. You're not my father anymore. Sa dami ng kasalanan mo? No way..." Binaba na ni Herald ang telepono at napatingin sa picture frame.
"If you just didn't do something like that, baka mapatawad pa kita." Bulong nito at uminom na ulit ng kape.
HANICKA
BINABASA MO ANG
I'm His (San Marquez Series #1)
Художественная проза"Making her mine feels like heaven." Alexene Hanicka Southridge ay isang babysitter ng bunsong anak ng mga San Marquez. Ang mga San Marquez ay isa sa mga pinakamayang pamilya sa buong mundo. Ang mga San Marquez din ang nagpapa-aral kay Alexene sa es...