Chapter 14.

2.4K 47 0
                                    

Date Published: May 4, 2017

Date Re-Published: June 21, 2020

CHAPTER 14.

HANICKA'S POV

Nakauwi na kami at agad akong pumasok sa loob ng bahay. Umakyat na ko para pumasok sa loob ng kwarto ni Drew nang may naalala ako bigla.

Bumalik ako sa pwesto ni Drei at nagtaka naman siya. "Punta lang ako sa condo ko. May kukunin lang ako doon." Sabi ko.

Aalis na sana ako nang hinawakan niya ko sa braso kaya napalingon ako sa kaniya.

"I'll take you there just to make sure that you're safe." Sabi niya at hinila na niya ako papunta sa sasakyan niya.

~ SOUTHRDIGE RESIDENCE ~

Nandito na kami sa loob ng condo at pumunta agad ako sa loob ng kwarto. Kinuha ko 'yung mga art materials ko at nilagay sa bag.

"You have a lot of paintings. All of them are beautiful." Rinig kong komento ni Drei mula sa likod ko.

"Talaga? Salamat. Ang mga art materials talaga ang inuna kong binili. Wala naman akong binabayaran sa tuition kaya bumili na ko." Pagkwento ko.

"I see. I love it. I wish that you're accepting commissions."

"Tumatanggap ako. Gusto mo ba?" Humarap ako sa kaniya at tumango siya habang nakangiti.

"Ano ang gusto mo?" Tanong ko at dinala na 'yung bag na may art materials. Naglakad na ko palabas mula sa kwarto ko at sinara ang pituan.

"I want a portrait of me. Just for my room." Sagot niya at tumango ako. Dinala ko siya sa art room ko at pinaupo sa upuan.

"Half body o whole?"

"Half body. How much?" Napa-isip ako sa kaniya. Ito kasi ang first time na may magpapa-gawa ng portrait eh.

"First time ko lang kumuha ng commission pagdating sa ganito kaya hindi alam kung magkano." Tumawa siya.

"Teka, search ko lang sa google kung magkano para magka-idea ako." Sabi ko at tumango siya. Kinuha ko agad ang cellphone ko at nag-search.

Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko na kung magkano ang presyo ng half body na portrait.

"10,000 dollars. Magkano 'yon sa peso?" Tanong ko sa kaniya. Hindi ba masyadong mahal 'yon?

"503,305 pesos." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Sobrang mahal naman no'n. Kalahating milyon.

"Deal. I'll pay you that para naman may maipon ka."

"P-pero..."

"Don't worry, it's okay. Barya lang naman 'yan sa'kin."

"Barya lang para sa'yo 'yung kalahating milyon?!" Grabe naman ang lalaking 'to. Ganito ba talaga 'pag mayayaman?

"Let's start bago pa mag gabi ng sobra." Sabi niya at napilitan na ko sa gusto niya. Umupo na siya at pumunta na ko sa canvas ko.

Kinuha ko ang paint brush at mga iba pang kanailanganin at inumpisahan ko na ang paggawa.

~~~~

Limang oras na ang nakalipas at tapos ko nang gawin ang pag-portrait sa kaniya.

Pinakita ko na sa kaniya 'ying gawa ko at tinignan naman niya 'yon. Hindi siya nagsalita dahil tinititigan niya pa 'yung gawa ko.

"I like it." Sabi niya at ngumiti. "I'll give you the payment through your bank account. You have one, right?" Tumango ako.

"Good. Wait for it, okay?" Tumango ulit ako. "Bigay ko na lang 'to sa'yo bukas kasi may aayusin pa ko." Sabi ko naman.

"Of course. Let's go home. It's already late." Naglakad na kami palabas mula sa art room at bumalik na kami sa bahay nila.

~ SAN MARQUEZ RESIDENCE ~

Pagkabalik namin sa bahay nila ay agad na sumalubong si Drew sa'kin. Kinarga ko siya at hinalikan sa pisnge.

"Doon na tayo sa kwarto mo." Pag-aya ko at umakyat na papunta sa kwarto niya para makapagpalit at makapaglaro na.

~~~~

Yakap-yakap ko ang stuff toy niyang minion dahil sa mahilig ako sa minions. Binabantayan ko siyang mag-aral.

"Noona, why are you with my hyung Alexandrei? Did he do something to you?" Tanong niya at tumigil mula sa pagsulat.

"Nope. Sinamahan niya lang ako para makuha ang iba kong gamit mula sa condo ko." Sagot ko naman.

"Please tell me if he does something to you. I'll smack him for you." Tumango ako at pinagpatuloy na niya ang pagsusulat.

"Sasabihan kita 'pag may ginawa siya sa'kin kaya 'wag ka nang mag-alala pa." Paniniguro ko at ngumiti siya.

Kinuha ko na lang din ang art materials ko para gumawa na ng logo para wala na kong gagawin sa susunod na araw.

~ NEXT DAY ~

Pagkatapos kong nagbihis ay lumabas na ko sa kwarto ni Drew. Pagkababa ko sa sala ay agad kong nakita si Drei.

"Let's go? I'll take you to school." Sabi niya kaya naman at sumabay na ko sa kaniya.

Hindi ako sumabay kay Drew dahil sa sobrang aga niyang napasok kaya nagpahuli na ako. Sasabay na lang sana ako kay Ia kaso nandito naman si Drei.

Pagkasakay ko sa sasakyan niya ay agad niyang pinaandar 'yon. Kinabit ko na 'yong seat belt at tumingin sa bitana.

"Ibibigay ko pala sa'yo mamaya 'yung portrait mamayang uwian." Sabi ko. "Sure. I'll fetch you later." Sagot niya.

Tumahimik na ko at tumingin na lang ulit sa bintana.

~~~~

Nasa campus na ko at nasa loob ng room. Nagamit ako ng cellphone at nagpapalamig habang hinihintay ang klase.

Napatingin ako sa tumabi sa'kin at nakita ko si Drei. Sumandal siya sa upuan at nginitian ako.

Sa tuwing nakikita ko siyang nginingitian niya ko ng ganiyan, bigla na lang bumibilis ang tibok ng puso ko.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Being with you? Just to make sure that you're safe while waiting for your class." Sagot niya.

"How are you? Hindi ka naman nahihirapan, right?"

"Hindi naman. Masyado naman akong nadadalian dahil isang subject lang naman ang meron ako ngayon dahil 'yon na lang ang natitira sa'kin para makapag-OJT last sem." Sagot ko.

"I see. I'm happy to know that. Pero naka-isip ka na ba kung anong business ang itatayo mo?"

"Kahapon lang ako nakapag-decide at gagawa ako ng candy shop. 'Yon din kasi ang gagawin ko para project ko para mas madali." Sagot ko.

Kinuha ko 'yung candy na ginawa ko kagabi at binigay sa kaniya 'yon. Tinanggap niya 'yon at kinain. Alam kong hindi siya mahilig sa matamis kaya mas madali kung siya ang titikim.

"It's not too sweet, to be honest. I like it. Your own recipe?" Tumango ako at ngumiti. Inilahad niya ang kamay niya at binigyan ko ulit siya.

"Nasarapan ka ah?" Pang-aasar ko at tumawa ulit dahil sa kaniya.

•••• END OF CHAPTER 14. ••••

I'm His (San Marquez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon