Date Published: June 29, 2020
CHAPTER 47.
HANICKA'S POV
Naglalakad kami ni Drei habang nakatakip ang mga mata ko gamit ng kamay niya. Inaalalayan niya ko para hindi ako masaktan.
"Drei? Kinakabahan na talaga ako dito." Bulong ko sa kaniya. "Don't worry, trust me." Bulong naman niya at ginawa ko ang sinabi niya.
Maya-maya lang ay tumigil na kami mula sa paglalakad at pagkatanggal niya ng kamay niya ay...
"Happy birthday, Alexene!" Nagulat ako nang may nagpaputok ng confetti. Nanlaki ako mga mata ko nang nakita kong nasa isang museum kami.
"Exhibit?" Tumango sila mom at lumapit sa'kin. Niyakap nila ako parehas at napangiti.
"T-thank you po." Bulong ko at yumakap na din sa kanilang dalawa.
"Masaya kaming nagustuhan mo, anak." Sabi ni mom at kinuha ang inabot ni Drew sa'kin na regalo.
"Lahat ng regalo ay iiwan doon sa isang table para hindi mahirapan si Lene sa pagbuhat." Sabi ni dad at nagsimula na silang lahat sa paglagay ng regalo sa isang lamesa.
Pagkatapos nilang ilagay sa lamesa ang mga regalo ay nag-ikot na silang lahat sa buong museum.
"Para dito po ba 'yung pinapagawa niyong portraits, mom?" Tumango siya sa'kin at ngumiti.
"We didn't tell you about this kasi alam naming hindi ka papayag, anak." Sabi naman ni dad.
"Kaya inilihim namin at sinurprise ka na lang para may mai-regalo naman kami sa'yo." Dugtong niya pa.
"Naiintindihan ko po, dad. Thank you po talaga." Sagot ko at nag-ikot na kami sa buong museum.
~~~~
Lumapit kami kanila Lirraenne nang nakita namin sila ni Nero. Tinitignan nila ang portrait ng hardin sa bahay ng mga San Marquez.
"Our house's garden. Wow. I love it." Komento ni Drei. "Even my house's portrait is here." Sabi naman ni Herald habang nakatingin sa isang painting.
"My portrait too." Komento naman ni Drew habang nakatingin sa portrait niya. 'Yan 'yung ni-regalo ko sa kaniya no'ng birthday niya.
"Sa susunod nga ay pag-aaralan kong gumawa ng sculpture." Komento ko naman. May mga libro ako tungkol doon kaya alam kong matututunan ko rin 'yon.
"I'll help you." Tumango ako kay Drei. Napatingin ako ky Herald nang may kinausap siyang babae. Sino kaya 'yon? Girlfriend?
"Girlfriend ni Herald?" Tanong ko kay Drei at napatingin siya sa direksyong tinitignan ko.
"Nope. His new secretary." Tumango ako at in fairness, bagay silang dalawa. Sana maging sila sa susunod.
"Bagay silang dalawa." Bulong ko at tinignan niya ko ng nakakunot ang noo. May mali ba sa sinabi ko?
"Don't do anything, ai. Let them." Tumango ako kahit na hindi ko alam kung bakit ganiyan ang reaksyon niya.
"Ahhh!" Napatingin kami sa sumigaw at napaubo kami nang may sumabog na usok. May narinig akong maraming yabag ng mga paa.
BINABASA MO ANG
I'm His (San Marquez Series #1)
General Fiction"Making her mine feels like heaven." Alexene Hanicka Southridge ay isang babysitter ng bunsong anak ng mga San Marquez. Ang mga San Marquez ay isa sa mga pinakamayang pamilya sa buong mundo. Ang mga San Marquez din ang nagpapa-aral kay Alexene sa es...