Chapter 18.

2.3K 45 0
                                    

Date Published: May 8, 2017

Date Re-Published: June 21, 2020

CHAPTER 18.

HANICKA'S POV

Kanina pa ko nakikipag-usap kay Herald at ang dami kong nalaman ngayon tungkol sa kaniya at sa relasyon niya kay Drei.

"So, bati na kayo ngayon?" Tanong ko at umiling siya. "Just talking to him pero hindi pa kami ayos." Sabi niya at tumango ako.

"Akala ko bati na kayo kasi nag-uusap na kayo eh." Sagot ko naman at natawa siya ng onti. Hindi ko man alam kung ano ang totoong nangyari pero gusto kon magka-ayos silang dalawa.

Napatingin ako sa relo ko at nakita kong malapit na magsimula ang klase ko kaya tumingin ako sa kaniya.

"Herald, una na ko. Baka ma-late pa ko eh." Paalam ko. "Sure. Ingat." Sagot niya at naglakad na ko paalis para pumunta sa room.

THIRD PERSON'S POV

Pagkatapos makipag-usap ni Herald kay Hanicka at agad siyang napangiti dahil sa sobrang saya niya.

"I'm happy that I can talk to you again." Komento ni Herald sa sarili niya at tumayo na siya para pumunta sa opisina.

~~~~

Pagkapasok niya sa opisina niya ay agad niyang nakita si Drei doon na nakaupo habang nagbabasa ng mga papeles.

"What are you doing here?" Tanong ni Herald at napatingin sa kaniya si Drei. Kinuha ni Herald ang inabot sa kaniya at binasa 'yon.

"What?! This is... Bakit ako ang inaakusahan na gustong ipapatay si Hanicka?!" Gulat na tanon ni Herald.

"That's the reason why I called you last night. Remember, I told you that there are two guys watching her. Ang sabi nila ay ikaw ang nag-utos sa kanila." Sagot ni Drei.

"No way. I'm not the one who wants to kill her." Hindi makapaniwalang saad ni Herald at nabitiwan na niya 'yung papel.

"I know you, Herald. I know that you can't do this to her but I need help. I need your help to know who they are." Sabi ni Drei at tumayo.

Naglakad siya palapit kay Herald at hinawakan ito sa balikat. Tinignan niya ang pinsan niya ng direkta sa mga mata nito.

"We need each other's help. I know how much you hate me but, we can protect her if we're going to help each other."

"I know, Drei. Makikipagtulungan ako sa'yo para sa kaniya." Mahinang saad ni Herald at niyakap siya ni Drei.

"I'm still you're big brother, I'm also going to clean my name for you to know that I'm not your enemy." Bulong ni Drei.

"Stop using her, Drei. I know that you're only using her against me."

"I'm not using her anymore, Herald. This is true. I'm courting her."

"Once I've heard that you hurt her, I'll fucking hurt you, hyung. Don't do the mistake just like what I've done. I don't want to see her hurt again." Tumango si Drei.

"Okay na kayo? Are you talking with each other?" Tanong ni Drei at pinulot ang papel saka nilagay 'yon sa loob ng folder.

"I talked to her a while ago. I had no idea na marunong na pala siya mag-painting at mag-drawing." Sabi ni Herald at natawa.

"You asked her to make your portrait. Can I see it?"

"Go to my room later. I'll show you." Sagot ni Drei at pinakita na niya 'yung iba lang mga papeles sa kaniya.

HANICKA'S POV

Tapos na ang klase at naglalakad ako palapit kay ma'am para ipasa ang gawa kong logo sa kaniya. Napatingin siya sa'kin at inabot ko sa kaniya 'yung papel ko.

"Ang aga mong magpasa, Ms. Southridge." Tinignan niya 'yung papel ko at napatango.

"Wow. Candy and bakery shop. So, may candy at pastries sa mga ibe-benta mo." Komento niya.

"Okay. I'll check this later at ibibigay ko sa'yo bukas." Tumango ako. "Thank you po." Sagot ko at nilagay na niya 'yon sa loob ng bag niya.

Naglakad na ko na paalis at nauna na sila Ia dati sa duty nila ngayon sa library at principal's office. Kaya ako na naman ang mag-isa.

Bumaba na ko sa hagdan at nakasalubong ko si Drei kaya nagulat kaming dalawa. Nginitian niya ko at napatitig na naman ako sa ngiti niya.

"Going home?" Umiling ako. "Pupunta ako sa condo ko para mag-painting ulit doon." Sagot ko naman.

"Okay. Pupunta pa lang sana ako sa'yo so, let's go?" Tumango ako at sumama na ko sa kaniya.

"Wala ka bang trabaho ngayon? Marami kayong ginagawa ka diba?" Tanong ko sa kaniya.

"I already finished them all. Herald is helping me kaya napapadali ang trabaho ko." Sagot niya.

"Hindi naman ako hinanap ni Drew diba?" Tumango siya.

"He asked where are you but naintindihan naman niya no'ng sinabi ni dad na nandoon ka sa condo mo."

"You're studying there kaya hindi ka na niya hinanap. He understands that you're busy with your studies." Tumango ako.

"Bawi na lang ako sa kaniya."

"You really love my brother, huh? I'm jealous." Dahil sa sinabi niya ay may naisip akong idea para asarin siya.

"Ang cute kasi ni Drew saka sobrang lambing pa. Saka lagi niyang sinasabi sa'kin kung gaano niya ko ka-mahal at gaano ako kaganda." Komento ko.

"Damn that kid. He's making a move on you? I won't let him, have you. You're mine, Xene. Only mine." Sagot niya at hinawakan niya ko sa kamay.

Hinila na niya ako papunta sa sasakyan at napangiti na lang ako. Nagse-selos siya dahil namumula na ang tenga niya.

Pinasakay na niya ako sa sasakyan at agad niyang pinaandar 'yon. Kinabit ko na 'yung seat belt at binuksan ang radyo.

"Are you hungry? Let's eat."

"Sige. Kain tayo. Kanina pa ko nagugutom eh." Sagot ko at nakinig na lang ng radyo.

~~~~

Nandito na kami sa isang magandang restaurant at medyo kinabahan ako dahil sa baka mahal ang mga pagkain dito.

Sana naman ay sapat 'yung perang dala ko para makakain dito. Nakakahiya naman kasi kung magpapakibre ako kay Drei.

"Ai, don't worry. My treat. You're my date so, my responsibility." Sabi niya at napatango na lang ako.

May dumating nang waiter at binigyan kami ng menu. Kinuha ko 'yon at binuksan. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko 'yung presyo nila sa mga pagkain.

Pati nga ang ultimong tubig nila ay 100 pesos eh. Ginto ba ang tubig nila o may lasang kakaiba o masyado itong malinis at ganito siya kamahal?

Bakit pati juice nila ay tumataginting na 150 pesos? Pineapple juice lang naman siya. Napatingin ako kay Drei at siya na lang ang papa-orderin ko. Tutal, siya naman ang magbabayad eh.

"Drei, ikaw na lang ang mag-order para sa'kin." Ngumiti siya at tumango. Sinara ko na 'yung menu at mas lalo akong nahiya.

"Two Steaks with Mashed Potatoes and Sautéed Vegetables. Two Four Season Smoothies and one Banana Apple Cheesecake." Tumingin siya sa'kin.

"What do you want for dessert?" Napatingin ulit ako sa menu at tumingin sa mga desserts.

"Triple Berry Cheesecake." Sagot ko at sinulat na 'yon ng waiter. Inulit niya 'yung in-order namin at umalis na siya. Hintay na lang namin 'yon.

•••• END OF CHAPTER 18. ••••

I'm His (San Marquez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon