Date Published: February 13, 2021
CHAPTER 49.
HANICKA
Nagising ako at nakita kong nabyahe na kami pauwi at napabuntong hininga. Birthday na birthday ko ay napahamak agad ako.
"Don't worry, Everything's fine now, ai. No one will hurt you now." Bulong ni Drei sa'kin.
"Actually, there's one more, hyung. The person who wants to bribe her." Sagot naman ni Herald at naalala ko na naman 'yung tungkol sa mga sulat sa'kin.
"Kilala niyo siya diba?" Tumango silang dalawa. "Don't worry, we'll take care of him." Paniniguro nila at tumango ako.
Sumandal na ulit ako kay Drei at pinikit na ang mga mata ko para matulog ulit.
•*•*•*•*•*•*•*•*•*
Nandito kami sa isang restaurant at pinagbihis ako nila Drei sa loob ng sasakyan kanina dahil sa may dala silang pampalit.
Nandito pa rin lahat ng mga bisita at agad akong nilapitan nila dad saka niyakap. Hinalikan nila ako sa ulo. Kinarga naman ni dad si Drew at niyakap ng mahigpit.
"Okay lang ba kayo, anak? Nasaktan ba kayo? Sino ang mga kumidnap sa inyo?" Tanong ni mom at hinalikan sa noo si Drew.
"Si Ricky po ang kumidnap, tita." Sagot ni Herald at kasama ang kapatid niya. "Hemera, ngayon ka lang namin nakita ulit." Komento ni mom.
"Masyado po kasing busy, tita." Lumapit ako kay Chainielle niyakap siya. "My wife." Namumula niyang tawag sa'kin.
"I'm happy that you're safe, my wife." Bulong niya pa at hinalikan ako sa pisnge.
"Baby ko." Tawag ko naman. "Damn this little kid." Komento ni Drei at nilayo ako mula kay Chainielle.
"Noona, you're only mine." Sabi naman ni Drew at yumakap sa'kin.
"Itong magkapatid na 'to... Seloso talaga." Komento ko naman at natawa ang lahat. Nagsimula na kaming kumain.
~ TWO MONTHS AFTER ~
Nandito kami sa kusina nila Drew dahil sa may ipapatikim ako sa kanila. Isa kasi 'yo sa mga ibebenta ko para sa finals.
Dalawang buwan na ang nakakalipas pero nakakatanggap pa rin ako ng mga sulat galing sa isang tao. Gusto niya pa ring makibalikan ako kay Herald.
Sabi niya din ay bibigyan niya ko ng pera at bahay basta bumalik lang ako kay Herald pero hindi ko na lang pinansin 'yon.
"Ito na..." Sabi ko at inabot sa kanila ang candy at ang cake na ginawa ko. Tinikman na nila 'yon at hinintay ang sasabihin nila.
"This candy..." Sabi ni Drei. "It's not too sweet just like the candy that I tasted before." Dugtong niya at napangiti ako.
"I love this, noona." Sabi naman ni Drew. "Anong cake 'to? I love it." Sagot naman ni Herald.
"Dragon Fruit Cheesecake." Sagot ko. "Halos isang linggo ko pinag-aralan 'yan para lang ma-perfect." Komento ko pa.
"I really love it. Ngayon lang din ako nakakain ng ganito." Sabi pa ni Herald kaya napangiti ako. Sabi kasi ni ma'am ay dapat may sariling recipe din sa mga ititinda namin.
"Sariling recipe ko kasi 'yan kaya medyo kabado ako."
"Don't be, masarap siya kaya alam kong magugustuhan 'to lahat ng magiging customers mo." Paniniguro ni Herald.
BINABASA MO ANG
I'm His (San Marquez Series #1)
General Fiction"Making her mine feels like heaven." Alexene Hanicka Southridge ay isang babysitter ng bunsong anak ng mga San Marquez. Ang mga San Marquez ay isa sa mga pinakamayang pamilya sa buong mundo. Ang mga San Marquez din ang nagpapa-aral kay Alexene sa es...