Date Published: February 20, 2021
CHAPTER 53.
HANICKA
Nakauwi na kami ni Alphone sa bahay at agad sumalubong sa'min si Amaryllis na mukhang nag-aalala.
"Ayos ka lang?" Tumango ako. "Okay lang ako. Kailangan ko lang hindi ma-stress." Sagot ko sa kaniya.
"Sige. Dito ka lang muna sa sofa at relax. Kami na ang bahala ni Alphone sa site. Sabihan ka na lang namin kapag may nangyari." Tumango ako.
"Sige. Doon na lang ako sa bakuran para may sariwang hangin." Sagot ko at naglakad papunta sa bakuran.
•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*
Tapos ko nang gawin ang commission na hindi ko natapos kanina. Napahinga ako ng maliwag dahil doon. Hinimas ko ang tiyan ko.
"Baby, sorry kung wala na kami ng daddy mo." Bulong ko at kinuha ko na 'yung cellphone ko para tawagan ang kliyente.
"Hello?"
"Hi, ma'am. This is Alexene po, 'yung pinagawaan niyo po ng portrait." Sagot ko naman.
"Ah! Oo, tapos na ba? Kailan pwedeng kunin?" Tanong niya agad. "Tapos ko na po siya ngayon at pwede niyo na po siyang kunin bukas." Sagot ko.
"Okay, sige. Mga 9 AM ba pwede?"
"Opo. Pwede po."
"Sige. Punta ako diyan ng mga 9 AM. Thank you." Sagot niya at binaba na ang telepono niya.
Sumandal na lang ako sa upuan habang nagpapahinga at nagpapahangin dahil ayokong may mangyaring masama sa anak namin ni Drei.
•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*
Binuksan ko 'yung gate nang may nag-doorbell at may nakita akong babae. Ngumiti ako sa kaniya.
"Hello, ako po 'yung nagpagawa ng commission sa'yo." Sabi niya. "Ah! Pasok po kayo." Pag-aya ko.
Naglakad naman siya papasok at sinara ko na 'yong gate. Dinala ko siya sa sala ng bahay at pinakita ang gawa ko sa kaniya.
"May gusto po ba kayong baguhin o papalitan?" Tanong ko sa kaniya. Tinignan niya na muna 'yon.
"Okay na siya. Wala na dapat palitan o baguhin." Sagot niya habang nakangiti ng malaki.
Binaba na niya muna sa lamesa ang painting at may kinuha sa loob ng bag niya. Inabot niya sa'kin ang isang sobre.
"Ito 'yung bayad ko. Maraming salamat talaga. Sa susunod ulit."
"Opo. Tawagan niyo lang po ako kung may gusto po kayong ipagawa." Sabi ko at tinanggap ang sobre. Sinamahan ko na siya sa paglabas niya at sinara na ang gate.
Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay tinignan ko ang laman ng sobre at binilang 'yon. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita kong sobra ang bayad niya.
Lahat ng mga nagpapa-commission sa'kin ay laging sobra ang bayad. Hula ko ay tip 'yon dahil sa nagustuhan nila ang gawa ko.
Umupo ako sa sofa at hinimas ulit ang tiyan ko. Napangiti ako dahil sa hindi ko na kayang makapaghintay na maipanganak at makasama ang anak ko.
Tumayo na ako at lumabas na sa bakuran para magpahangin ulit doon.
DREI
"What the fuck?! Why are you not looking for her?!" I hissed at them. They are not really looking for Xene.
"Ano bang meron kay Xene at ayaw niyo sa kaniya?! This is the second time na hindi niyo sinunod ang utos ko!" I screamed at them.
I grabbed the whip then hit them on their body. We are now in the punishment room to punish these assholes.
"S-sir, sorry." Descend said. "N-nag-aalala lang naman po kami sa inyo." Ascend commented.
"Baka po kasi sir ay ginagamit niya lang kayo." Mist said. I hit them again several times with a whip.
"It's been a long time ago since you've known her. And you're still going to say that shits?!"
"P-pasensya na po sir. Sinabihan ko na po sila pero hindi sila nakinig sa'kin." Cloud stated.
"Hyung, kalma. Hindi mo siya mahahanap kung magagalit ka lang dito." Herald said then he took away the whip from me.
I ran out of the room and look for Xene.
HANICKA
~ AFTER EIGHT MONTHS ~
Ngayon ang kabuwanan ko at nandito sila Alphone, Amaryllis at si Yexcelle para bantayan ako.
"Hindi niyo na kailangang gawin 'to." Angal ko sa kanilang tatlo. Nginitian ako ni Yexcelle.
"We're worried. You're pregnant at kailangan mo ng tulong para maidala ka sa ospital." Sagot niya.
"Saka hindi naman namin matawagan ang ama ng anak mo dahil sa hindi namin siya kilala at halata naman na hindi niya din alam ang tungkol dito." Komento ni Amaryllis.
"Sino ba kasi ang tatay niya?" Bumuntong hininga ako sa tanong ni Alphone sa'kin.
"Si Drei. Alexandrei San Marquez." Nanlaki ang mga mata nilang tatlo sa sobrang gulat.
"Si Alexandrei?" Sabay-sabay nilang sigaw at nagulat ako. "Sira-ulo! Nandito ka lang pala! Matagal ka na niyang hinahanap." Komento ni Amaryllis.
"He's very miserable, you know?" Komento naman ni Yexcelle. Napayuko naman ako nang nalaman ko 'yon.
Magsasalita na sana ako nang bigla akong nakaramdam ng papanakit ng tiyan. Agad naman nilang napansin 'yon at binuhat na ko ni Alphone.
•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*
Nandito na kami sa ospital at nakahiga na ko sa stretcher para dalhin sa delivery room. Maya-maya lang ay nandoon na ko.
"Hello. Kalma lang tayo ah?" Pumwesto 'yung doktor sa paahan ko at kinabahan ako dahil sa ito ang unang beses na mangangak ako.
"Okay, push." Umire na ko ng todo para mailabas na ang anak ko. May tumulong luha sa mata ko dahil sa sobrang sakit.
Maya-maya lang ay may narinig na kong iyak ng sanggol. Napahinga ako ng maluwag at may hawak nang saggol ang nurse.
"It's a baby boy po, miss." Sabi niya at napangiti ako ng todo. Buti na lang at ligtas ko siyang naipanganak.
"Ano pong ipapangalan?"
"Dreixene Southridge San Marquez." Sagot ko at nakatulog na.
•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*
Nagising ako nang may narinig akong mga ingay at nakita ko sila Yexcelle sa loob ng kwarto. Pinaglalaruan nila ang sanggol na hawak ni Amaryllis.
"You're awake." Komento ni Alphone at agad lumapit sa'kin si Amaryllis at binigay ang sanggol na karga niya. Kinuha ko ang anak ko at tinignan.
"Ang cute mo. Kamukha mo ang daddy mo." Komento ko agad nang nakita ko ang pagkakamukha niya kay Drei.
"Hindi namin siya sinabihan tungkol dito, Alexene. Ayaw ka naman naming pangunahan." Sabi ni Amaryllis at tumingin sa kanila.
"Thank you. Hindi pa ko handang makita siya." Sagot ko at tinanggal ang buhok ko mula sa kamay ni Dreixene dahil baka isubo niya 'yon.
•••• END OF CHAPTER 53. ••••
BINABASA MO ANG
I'm His (San Marquez Series #1)
Ficção Geral"Making her mine feels like heaven." Alexene Hanicka Southridge ay isang babysitter ng bunsong anak ng mga San Marquez. Ang mga San Marquez ay isa sa mga pinakamayang pamilya sa buong mundo. Ang mga San Marquez din ang nagpapa-aral kay Alexene sa es...