Date Published: May 17 2017
Date Re-Published: June 21, 2020CHAPTER 31.
~ AFTER THREE DAYS ~
DREI'S POV
I'm sitting here on the sofa staring at my phone because Xene doesn't want to answer my calls. Damn. It's been three days since she's not answering my call.
"Anak, nag-away ba kayo ni Lene at hindi sinasagot ang mga tawag namin?" I looked at mom when she asked me.
"No. We didn't fight, mom. To be honest, she's not also answering my call." I said. Herald went home and looked at us.
"Hindi ka pa rin kinakausap?" I nodded at him. "I'm really sorry, hyung. Kasalanan ko." I shook my head sideways.
"It's not your fault. To be honest, I also thought that at first but, there's also a possibility that we won't." I answered.
"Ano ba nangyari? Bakit pati kami ay hindi niya sinasagot?" Mom asked again. Herald sat on the sofa in front of us.
"I'm sorry. Medyo hindi po kami nagkaintindihan kaya nadamay po kayo." Herald answered her.
"Nag-aalala kami sa kaniya. Baka may nangyari na doon." Mom commented and I stood up from my sit.
"I'll go to her condo unit to talk to her. I'll try though. She's not opening the door while I'm there." I said then went on my way.
HANICKA'S POV
Habang nanonood ng TV ay nagawa din ako ng bagong painting. Napatingin ako sa pintuan nang may kumatok doon. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa pintuan at sumilip.
Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko si Reyel sa labas. Anong ginagawa niya dito? Paano niya nalaman na nandito ako?
"Buksan mo na 'to, Alex. Inutusan ako ni papa na kapag hindi sumama ay papatayin na kita." Sabi niya mula sa labas.
Hindi ako sumagot at umatras na palayo mula sa pintuan. Tumingin na ko sa paligid para kunuha ng pampalo sa kaniya para lang depensa mula sa kaniya.
"Ahhh!" Sigaw ko nang biglang kumalabog ang pintuan kaya tumakbo ako palapit sa telepono at tinawagan ang taong nasa lobby.
"Hello, paki-usap tulong. May tao sa labas ng unit ko - room 314. Sinisira na niya ang pintuan ko. Please tulong." Sabi ko nang may sumagot.
"Kamusta, Alex?" Napatigil ako nang narinig kong magsalita si papa mula sa kabilang linya. Binitiwan ko na 'yung telopono at kinuha ang cellphone ko.
Tinulak ko 'yung sofa para iharang sa pintuan. Tinawagan ko na si Drei dahil siya lang ang pwedeng tumulong sa'kin ngayon.
"Drei, tulong. Nasa labas ng unit ko si Reyel. Gusto niyang sirain 'yung pintuan at patayin ako. Nasa front office naman si papa." Umiiyak kong saad.
"What?! I'll tell Ascend and the others to save you. I'll be on my way now. Stay somewhere safe. Hide if needed." Agad akong pumasok sa loob ng art room para doon mag-tago.
BINABASA MO ANG
I'm His (San Marquez Series #1)
General Fiction"Making her mine feels like heaven." Alexene Hanicka Southridge ay isang babysitter ng bunsong anak ng mga San Marquez. Ang mga San Marquez ay isa sa mga pinakamayang pamilya sa buong mundo. Ang mga San Marquez din ang nagpapa-aral kay Alexene sa es...