Date Published: April 28, 2017
Date Re-Published: June 21, 2020CHAPTER 8.
HANICKA'S POV
Pagkapasok namin sa loob ay agad kong hinawakan sa braso si Drei at hinila siya agad papunta sa kwarto niya.
THIRD PERSON'S POV
Pagka-alis nila Hanicka ay agad nagsalita si Mr. San Marquez para tanungin si Herald na nakaupo sa sofa.
"Ano ba talaga ang nangyari sa inyong dalawa? Dati ay hindi naman kayo nag-aaway, huh?" Tanong niya.
"People change, uncle. We were kids back then, we don't know everything yet." Sagot ni Herald.
"I have no idea kung bakit kayo biglang nagbago dalawa. May pagkukulang ba kami sa inyong dalawa?" Tanong ni Mr. San Marquez.
"Habang wala ang mga magulang mo dito ay kami na ang nag-alaga sa'yo, Herald. Kung may problema, sabihan mo naman kami." Sabi ni Mrs. San Maqrquez.
"Hindi mo pwedeng sabihin na may nagbago kasi hindi mangyayari 'yon kung walang dahilan." Dugtong niya pa.
"Tito? 'Yung meeting po?" Tanong ng isang lalaki. "Oo, Xanxus. Tara na, umpisahan na natin ngayon." Sumunod na ang tatlo kay Mr. San Marquez papunta sa opisina.
"Drew, let's play!" Pag-aya naman ng isa pang bata at sumama na si Drew sa kanila para maglaro sa playground.
Nang umalis na 'yung iba ay tumabi si Mrs. San Marquez kay Herald na tahimik na nakaupo sa sofa.
"Herald..."
"It's okay, auntie. You don't have to ask me 'How am I?' 'cause my parents never ask me that." Sabi ni Herald at tumayo na siya para umalis.
HANICKA'S POV
Pagkapasok namin doon ay agad ko siyang pina-upo sa kama niya at kinuha ang first aid kit niya para gamutin siya.
"Sa braso lang ba meron?" Tanong ko. "Yeah." Simpleng sagot niya at tumango ako. Sinubukan kong itaas ang sleeves niya pero hindi ko magawa.
"Are you okay? Did they hurt you?" Umiling ako. "Okay lang naman ako saka 'yung taong gustong kumidnap sa'kin ang nasaktan ko." Sagot ko.
"Pakitanggal 'yung polo mo. Hindi ko kasi makita 'yung sugat." Ginawa naman niya ang sinabi ko at nakita ko na 'yung sugat niya.
Buti na lang at nakasuot siya ng sando kaya hindi ako na-awkward. Sinimulan ko nang gamutin ang sugat niya.
"Why are you doing this? Kunwarian lang naman tayo diba?" Tumango ako sa kaniya habang ginagamot pa rin ang sugat niya.
"Para hindi mahalata ni Herald na nagku-kunwari lang tayo at gusto ko rin namang makausap ka tungkol sa isang bagay."
"Totoo ba 'yung mga sinabi niya? Ikaw ba talaga ang dahilan ng mga aksidenteng 'yon?" Tanong ko kahit na alam kong hindi naman siya magsasabi ng totoo.
"No. It's not true, Lene." Seryosong saad niya at hinawakan ang kamay ko kaya napatigil ako mula sa paggamot sa sugat niya.
"You can trust me. Because, if I want to kill you, I should've done that now when you're defenseless." Dugtong niya.
Napatingin ako sa mga mata niya at parang nagsasabi siya ng totoo. May point naman siya doon, kung gusto niya nga akong patayin ay dapat ginawa niya 'yon sa tuwing kaming dalawa lang ang magkasama.
BINABASA MO ANG
I'm His (San Marquez Series #1)
General Fiction"Making her mine feels like heaven." Alexene Hanicka Southridge ay isang babysitter ng bunsong anak ng mga San Marquez. Ang mga San Marquez ay isa sa mga pinakamayang pamilya sa buong mundo. Ang mga San Marquez din ang nagpapa-aral kay Alexene sa es...