Date Published: May 2, 2017
Date Re-Published: June 21, 2020
CHAPTER 12.
HANICKA'S POV
Nakauwi na ko sa bahay ng mga San Marquez at agad tumakbo palapit sa'kin si Drew. Niyakap ko siya ng mahigpit.
"Nakauwi na ko." Sabi ko. "Welcome home, noona." Sabi niya sa'kin. Hinalikan niya ko sa pisnge.
"Nagawa mo na ba 'yong mga assignments mo?" Tumango siya sa'kin. Kaya naman binuhat ko na siya para pumunta sa kwarto niya.
"Nood tayo movie para ma-relax naman tayo." Tumango siya at pumasok na kami sa loob ng kwarto niya.
~~~~
Habang nanonood siya ay lumabas muna ako mula sa kwarto niya para pumunta sa kusina. Pagkapunta ko doon ay naabutan ko si Drei.
Hindi ko siya pinansin at kumuha ng chips saka binuksan 'yon. Naglagay ako sa bowl at naramdaman kong may yumakap mula sa likod ko.
"Ano ba, Drei? Lumayo ka nga." Bulong ko pero mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa'kin.
"Let me make you feel safe. I'm going to prove to you that I'm not your enemy." Bulong niya at bumilis ang tibok ng puso ko.
Kinabahan ako bigla nang bumulong siya sa'kin at nakiliti ako nang naramdaman ko ang hininga niya sa tenga ko.
"Lumayo ka nga sa'kin." Bulong ko pero hindi niya ko pinakinggan at niyakap niya lang ako.
"I'll prove to you everything that you want me to prove. I'll tell you everything that you need to know about me." Bulong niya pa.
"See me tonight in my room." Pagkasabi niya no'n ay umalis na siya. Napahinga na ko maluwag dahil sa umalis na siya.
Pupunta ba ko mamaya o hindi? Trap lang ba 'yon para mapatay niya ko o hindi?
Dinala ko na 'yong chips sa kwarto ni Drew para hindi siya magutom habang nanonood.
~ 10 PM ~
Nandito ako sa harap ng kwarto ni Drei at hindi ko alam kung bakit ako nandito ngayon.
Aalis na sana ako nang bumukas 'yon at nakita ko si Drei na mukhang stress ngayon. Nagulat siya nang nakita niya ko.
"Hey, I'm happy that you're here." Nakangiting saad niya at hinawakan niya ko sa kamay.
"Get inside, little girl. Let's talk." Sabi niya at hinila na niya ako papasok ng kwarto niya.
Pagkasara niya sa pintuan ay agad akong umupo sa sofa. May mga nakahandang pagkain dito.
"I've been waiting for you since a while ago. I thought that you're not coming." Sabi niya.
"Ano ba 'yung pag-uusapan natin?" Tanong ko sa kaniya. Umupo siya sa sofa na nasa harap ko.
"About this." May inabot siyang papel sa'kin at kinuha ko 'yon. Binasa ko ang nakasulat.
Operation IV
Kumunot ang noo ko nang nakita ko 'yon. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa. Napasandal ako sa sofa.
"Plano nila para patayin ako. Kaso, hindi nila magawa dahil sa may prumo-protekta sa'kin." Sabi ko.
"Sa tuwing laging hindi nakakarating si Herald sa usapan namin ay mas laling nagiging delikado ang lahat." Dugtong ko.
"Ibig sabihin ba no'n ay si Herald ang may gawa no'n?" Umiling siya. "I can't say that for sure." Sagot niya.
"That information isn't complete yet. We are having a lot of problems getting information." Dugtong niya.
"First, they are good at hiding, and second, there are no traces to know who are they. That's why until now, we can't locate them."
"Ibig sabihin no'n ay nahihirapan kayong malaman kung sino sila? Paano naman kayo hindi mahihirapan kung kayo din naman 'yon." Sagot ko.
"How many times do I have to tell you that I'm not the one who wants to kill you? If I want to kill you, I already did that now."
"And why are you here if you know that I'm dangerous? Do you want to be killed?" Tanong niya at napayuko ako.
Sa totoo lang ay may point talaga siya. Hindi ko alam kung bakit ako nandito pero hula ko ay alam ko talaga, hindi ko lang talaga pinapansin.
"Gusto ko lang talaga malaman 'yung totoo. Gusto ko lang talaga malaman kung bakit gusto nila akong patayin." Sagot ko.
"Gusto kong malaman ang dahilan kung bakit ako ang target nila." Tumayo siya at umupo sa tabi ko.
"I'll help you to know the truth. I'll clear my name to you too. Okay?" Tumango ako at hinawakan niya ko sa pisnge.
"Good little girl. I'll do everything to make sure that you're safe." Paniniguro niya at niyakap niya ko. Hindi ko siya tinulak.
"Alis na ko kung tapos na tayong mag-usap." Bulong ko at tumayo na. Naglakad na ko palabas mula sa kwarto at bumalik sa kwarto ni Drew.
~ NEXT DAY ~
Nasa campus ako ngayon at nakaupo sa bench na malapit sa labas ng room. Naka-lock pa kasi 'yung pintuan kaya dito na lang muna ako.
Kinuha ko 'yung libro ko at nagbasa habang naghihintay. Sumandal ako at ginawang komportable ang sarili ko.
~~~~
Napatingin ako sa tumabi sa'kin at nakita ko si Herald. Nginitian niya ko ng matamis pero hindi ko siya pinansin.
"Hey, alam ko galit ka pa rin pero let me make it up for you."
"'Wag na. Nagawa mo na 'yon at hindi mo na mababawi 'yong sakit." Sagot ko at bumuntong hininga siya.
"Hanicka, please. I love you." Umiling ako. "Herald, tatlong taon na, okay? Tama na. Kahit anong gawin mo, hindi na ko babalik sa'yo." Sabi ko.
"Kung nagawa mo ngang iwan ako noon, sa tingin mo ba ay magtitiwala pa ko sa'yo?" Lumungkot ang mukha niya.
"I'm sorry. I should've stayed with you even if it's dangerous." Bulong niya at yumuko.
"Do you love him?" Tinignan ko siya ng direkta mga mata niya at hindi ako sumagot. Ano ba ang gusto niyang sabihin ko?
"I knew it. You're just playing games with him. I mean, napilitan ka lang na maging kayo dahil sa'kin." Huminga siya ng malalim.
"I'm sorry kung pati ikaw ay nadadamay sa away naming magpinsan."
"Bakit ba kayo magka-away? Ayaw niyang sabihin sa'kin ang dahilan."
"Nagsimula lang 'yon no'ng nag-high school kami. Masyado kasi siyang naging controlling." Paninimula niya.
"He's older than me kaya kinilala ko siyang kuya since we were kids. Okay lang naman sa'kin pakealaman niya ko pero 'wag naman 'yung sobra-sobra."
"Kaya nagka-away kayo?" Tumango siya. "Misunderstanding lang 'yung una pero lumala nang kinompara na ko sa kaniya nila mommy."
"Kinompara...?"
"Mas magaling siya, mas matalino, I've become his shadow. I hate it." Ramdam ko 'yung galit niya ngayon. Hindi, hindi 'yon galit.
Sa totoo lang ay alam ko ang nararamdaman niya. Ganiyan din ang nararamdaman ko sa kapatid ko sa tuwing lumalayo ako sa mga maling gawain nila papa.
•••• END OF CHAPTER 12. ••••
BINABASA MO ANG
I'm His (San Marquez Series #1)
General Fiction"Making her mine feels like heaven." Alexene Hanicka Southridge ay isang babysitter ng bunsong anak ng mga San Marquez. Ang mga San Marquez ay isa sa mga pinakamayang pamilya sa buong mundo. Ang mga San Marquez din ang nagpapa-aral kay Alexene sa es...