Date Published: February 8, 2021
CHAPTER 48.
THIRD PERSON
Dumating na sila Drei sa hideout ng mga kalaban nila kasama ang mga pulis. May kaibigan kasi ang tatay ni Drei na pulis kaya humingi din sila ng tulong.
Pinasok na nila yung hideout ng mga kalaban at lahat ng mga nakikita nilang kalaban ay agad nilang binabaril.
Naghiwa-hiwalay silang lahat para mas mabilis nilang mahanap sila Hanicka.
Nagkakaputukan na silang lahat dahil sa sobrang dami ng mga kalaban nila. Buti na lang at maraming dalang bala sila Drei at Herald.
May mga sniper din sila mula sa labas. Dahil sa maraming bintana ang ang building na kinalalagyan nila ngayon ay marami din silang mga tauhan sa labas na naka sniper.
Nang lumiko sila Drei sa kanan ay agad siyang napababa ng armas niya dahil sa nakita niya si Drew na naiyak dahil sa takot.
Lalapitan na sana ni Drei si Drew nang biglang nagpakita si Reyel sa kanya. Sinamaan siya ng tingin ni Drei at tinapat sa kanya yung baril niya.
Kinuha naman ni Reyel si Drew at tinapat niya sa ulo ni Drew yung baril niya. Ngayon niya lang nalaman na kasali din pala ang kapatid ni Hanicka sa Night Star.
"Damn. I didn't know that Xene's brother is part of this group." Komento ni Drei.
"Simula nang naging sila ni Herald ay binayaran kami ng mga taga Night Star na saktan at perahan siya kaso wala siyang kwenta dahil hindi niya magawa ang utos nila papa." Sagot ni Reyel.
"Hyung, I'm scared." Naiyak na saad ni Drew kay Drei
"Don't worry. We'll save you." Sabi naman ni Drei at napatango sa kanya si Drew.
"Let my brother go then I'll spare your life, asshole." Sabi ni Drei at napangisi si Reyel sa kanya.
"Mas matakot ka kung mamamatay dito ngayon ang kapatid mong 'to. Kaya 'wag ka nang magmatapang." Sabi ni Reyel at ipuputok na niya sana 'yung baril niya nang may bumaril sa kanya mula sa labas.
Natamaan si Reyel sa braso at agad na kinuha ni Drew 'yung hawak niyang baril at tumakbo palapit kanila Drei. Agad namang pinutok ni Drei 'yung baril niya at natamaan sa ulo si Reyel.
"I wish she forgives me for what I've done to her brother." Sabi ni Drei at tinap naman ni Herald yung balikat niya.
"Don't worry. Maiintindihan niya 'yan." Sabi naman ni Herald at hinanap na nila sila Hemera at Alexene.
•*•*•*•*•*•*•*•*•*
Nandito naman si Hemera at nakaposas. Ang nagbabantay sa kanya ay ang tatay ni Hanicka. Tumingin sa paligid si Hemera at napangiti.
Dahil sa nakaupo siya ay agad niyang sinipa sa paa ang tatay ni Alexene at gamit ang hita niya ay grinab niya sa hita ang lalaki.
Hindi makalaban 'yung lalaki dahil sa bilis ng kilos ni Hemera. Agad namang kinuha ni Hemera 'yung susi at tinanggal 'yung posas sa pulsuhan niya.
Kinuha niya yung baril at binaril niya sa ulo 'yung tatay ni Alexene at tumayo na siya. Hinanap niya si Alexene dahil sa nag-aalala siya dahil sa baka mapahamak ito.
Pagkalabas niya mula sa kwartong 'yun ay agad niyang nakasalubong sila Ascend, Descend, Mist at Cloud. Agad siyang lumapit sa kanila.
"Kontakin niyo 'yung boss niyo. Alam ko kung asan ang girlfriend niya." Sabi ni Hemera at agad naman 'yun sinunod nila Ascend.
•*•*•*•*•*•*•*•*•*
Nang nasabi na nila Ascend kay Drei 'yung tungkol sa kinalalagyan ni Hanicka ay agad silang pumunta doon.
It all ends here. Sabi ni Drei sa isip niya at binilisan ang pagtakbo.
•*•*•*•*•*•*•*•*•*
Nandito sila Ricky at Hanicka sa isang kwarto na punong-puno ng mga rosas. Umiiyak si Alexene dahil sa sobrang takot.
Tumingin sa kanya si Ricky at napangisi. Lumuhod si Ricky sa harap niya at hinawakan ang baba niya para matignan niya ito ng malapitan.
"Hindi ko alam na maganda pala sa malapitan ang girlfriend ni Alexandrei. No wonder kung bakit ka niya inagaw mula sa pinsan niya." Sabi ni Ricky at tumayo siya.
"Your life will be spared if you'll come with me instead of him." Dugtong niya pa at napatingin si Hanicka sa kanya.
"Hindi. Hindi ako sasama sa'yo. Kay Drei lang ako sasama." Sagot naman ni Hanicka at hinampas siya ni Ricky ng baril. Dumugo 'yung gilid ng labi ni Hanicka dahil do'n.
"Bitch." Sabi ni Ricky at napatingin siya sa likod nang may narinig siyang mga yabag ng paa. Maya-maya lang ay dumating na sila Drei.
"Drei!" Sigaw ni Hanicka kay Drei at tinanggal ni Ricky ang pagkakatali ni Hanicka sa upuan at agad siyang hinawakan sa braso.
Tinapat ni Ricky 'yung baril sa ulo Hanicka at napapikit naman si Hanicka dahil sa sobrang takot. Nanginginig na din ang buong katawan niya.
"Ai, do you trust me?" Napatingin si Hanicka kay Drei dahil sa tanong niya. Napalunok siya at tumango bilang sagot. Napangiti naman si Drei dahil do'n.
"Whatever happens, just stand still ai. I'll take care of things." Sabi pa ni Drei at may binaril si Drei at natamaan niya 'yung kamay na nakahawak sa braso ni Hanicka.
Agad namang tumakbo si Hanicka papunta kay Drei at agad siyang niyakap ni Drei. Binaril din ni Herald si Ricky at napahiga siya sahig.
Nakayakap ng mahigpit si Drei kay Hanicka at ganon din ang ginawa nito sa kanya. Umiiyak pa rin siya hanggang ngayon dahil sa takot.
Lumapit si Drew kay Hanicka at yumakap ito saka ngumiti ng matamis.
"My noona is safe." Masayang saad ni Drew at napangiti si Hanicka sa kanya.
"Sir, buhay pa siya." Sabi ng isang babae sa earpiece ni Drei at agad niyang niyakap si Hanicka at nabaril siya ni Ricky sa likod.
"Don't ever look, okay?" Saad ni Drei at tumango si Hanicka sa kanya. Nakayakap pa rin si Drei kay Hanicka at binaril na ni Drei Ricky.
Nakatanggap ng tatlong tama sa katawan si Ricky at bumagsak sa sahig. Agad namang tinignan ni Hanicka 'yung likod ni Drei dahil sa natamaan siya ng bala.
"No need ai. I have bullet proof vest." Nakangiting saad ni Drei at hinampas siya ni Hanicka sa braso niya dahil sa sobrang inis.
"Nag-alala ako sa'yo! Nakakainis ka! Lagi mo na lang akong pinag-aalala!" Sigaw ni Hanicka kay Drei at natawa si Drei dahil sa kanya.
"Stop ai. Tama na. I'm sorry." Sabi ni Drei at niyakap niya ulit si Hanicka. Nilagay ni Hanicka 'yung mukha niya sa leeg ni Drei.
"Natatakot ako dahil sayo." Bulong ni Alexene at mas hinigpitan ni Drei ang pagkakayakap niya.
"I'm sorry for worrying you." Bulong ni Drei at nagdatingan na lang ng mga pulis.
Dahil sa pagod ay nawalan ng malay si Hanicka at agad naman siyang binuhat ni Drei. Napatingin sila Herald kay Drei at ngumiti.
"Lets go." Sabi ni Drei at umalis na sila mula sa lugar na 'yun.
•••• END OF CHAPTER 48. ••••
BINABASA MO ANG
I'm His (San Marquez Series #1)
Ficción General"Making her mine feels like heaven." Alexene Hanicka Southridge ay isang babysitter ng bunsong anak ng mga San Marquez. Ang mga San Marquez ay isa sa mga pinakamayang pamilya sa buong mundo. Ang mga San Marquez din ang nagpapa-aral kay Alexene sa es...