Chapter 13.

2.7K 43 0
                                    

Date Published: May 4, 2017
Date Re-Published:
June 21, 2020

CHAPTER 13.

HANICKA'S POV

"Galit ba 'yan, Herald?" Tanong ko at umiling siya. Ngumiti siya ng malungkot habang nakayuko.

"I'm not mad, just frustrated." Huminga siya ng malalim. "I know him well, hindi siya basta-basta manggamit ng kahit sino para saktan ako."

"I admit that nagalit ako noong nakatanggap ako ng threats from him kaya ako umalis at iniwan ka."

"Then, after that, I remember na hindi siya gano'ng klaseng tao, Hanicka."

"Sinasabi mo ba sa'kin na pagkatiwalaan ko siya?" Umiling siya. "I'm having doubts, Hanicka." Sagot niya.

"I am having doubts kaya hindi ko alam kung ano din ang totoo." Seryosong sagot niya sa'kin. Tumayo na siya at naglakad paalis.

Pinanood ko lang siyang maglakad palayo nang wala pasabi kasi tulad ko, alam kong naguguluhan din siya.

Tumayo na ko at naglakad-lakad muna para magpahangin dahil sa napa-aga ako sa pagpasok ngayon.

Sumabay kasi ulit ako kay Drew kaya maaga akong pumasok. Nasa garden na ko ng school at nakasalubong ko si Drei doon.

"Hey." Nakangiting bati niya at inabutan ako ng bulaklak. Tinignan ko lang 'yon at dahan-dahan ko 'yun kinuha mula sa kaniya.

"Thank you." Bulong ko at hinawakan ako sa kamay. "Let's talk while waiting for your class." Tumango ako.

Umupo kami sa damuhan at gusto kong malaman ang totoo kaya hindi muna ako lalayo mula sa kaniya.

"Anong ginagawa mo dito? Wala ka bang trabaho?" Tanong ko. "Mom told me to go here and handle everything here." Sagot niya.

"Hindi ba tayo mai-issue dito?"

"Don't worry. Wala naman talagang issue dahil sa wala namang nakaka-alam about me. All they know is I'm a secretary." Sabi niya.

"Secretary? Seriously?" Tumango siya at tumawa ako. "Anak ka pero ginawa kang secretary. Kuwawa ka naman." Komento ko.

"Stop laughing, little girl. It's really not funny."

"Bakit ka ginawang secretary?" Tanong ko sa kaniya nang tumigil na ko mula sa pagtawa.

"I hate the attention coming from everyone around me. Kaya ko sinabing secretary nang tinanong ako."

"Bakit ayaw mo? Hindi ba parang maganda nga 'yon at least, napapansin nila ang mga efforts mo?"

"No. I hate it because of the pressure. Kapag alam ng lahat na magaling ka, hindi ka na pwedeng magkamali pa."

"Kasi 'pag nagkamali ka, all of them will be disappointed and 'yon na lang ang maalala nila sa'yo." Paliwanag niya.

"Kaya ba sinabi mong secretary ka? Buti naniwala sila." Tinakpan ko ng kamay ang mga bibig ko para hindi tumawa.

"I said, stop laughing." Sita niya. "At first, they didn't believe me then no'ng tumagal ay naniwala na sila." Tumango ako.

"Ilang taon ka na?" Tanong ko pa. Naalala kong mas matanda siya kesa kay Herald kaya medyo na-curious ako.

"25, why?"

"Nakausap ko si Herald kanina. Sabi niya mas matanda ka sa kaniya kaya tinanong ko." Sagot ko naman.

"I see. Ako na naman ba ang sinisisi niya mga nangyari noon?"

I'm His (San Marquez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon