Date Published: May 8, 2017
Date Re-Published: June 21, 2020
CHAPTER 16.
HANICKA'S POV
Tapos ko nang ayusin at lagyan ng frame ang portrait kaya napangiti ako ng sobra sa gawa ko. Tumayo na ko at naglakad palabas mula sa kwarto.
Naabutan ko si Drei na nanonood sa sala at lumapit sa kaniya. Napatingin siya sa'kin at pinakita ko sa kaniya 'yung gawa ko.
Tinignan niya 'yun at napangiti. Tumayo siya at kinuha ang gawa ko. Hinintay ko siyang magsalita para sabihin kung ano ang komento niya sa gawa ko.
"It's beautiful. I love it." Sabi niya at napangiti na ko. "I'll give my payment through your bank account so, just check on it, okay?" Tumango ako.
"Okay." Sagot ko naman at umupo sa sofa. Napatingin ako sa orasan at 7 PM na ng gabi. Tatayo na sana ako nang hinawakan niya ko sa kamay.
"Don't cook for our dinner. I already ordered food for us." Sabi niya at tumango ako. Sakto, gutom na din naman ako.
"Gutom na nga ako eh." Nahihiya kong saad at natawa siya ng onti. "That's why I ordered food for us. Alam kong gutom ka na dahil sa marami kang ginawa." Sagot niya.
Kinuha niya 'yung cellphone niya at may kinalikot doon. Napatingin ako sa TV at nasa balita ngayon.
Ang balita ay tungkol sa mga businessman na kilala sa buong mundo at kasama na doon ang mga Arcana, Aldous, Ashworth, Lacosta at ang pamilya ni Drei at iba pa.
"Kaibigan niyo ba ang tinutukoy nilang big four?" Tanong ko kay Drei. "Only Arcana and Ashworth. The other two seems so shady." Sagot niya.
"Shady?"
"Yup, shady. Parang may gagawin silang hindi dapat once na pagkatiwalaan mo na sila that's why my family didn't befriend them." Sagot niya.
"I see. Kaya pala hindi niyo sila kinaibigan." Tumatangong komento ko. Wala naman akong alam tungkol sa mundo nila kaya hindi na ko magsasalita.
Sumandal ako sa sofa habang pinapanood ang news nang may naisip ako biglang idea. Pero hindi ko naman alam kung magiging successfull 'yon.
"Drei?"
"Hmm?"
"Magkano 'pag nagpa-art exhibit? May balak kasi ako." Napatingin ako sa kaniya at napa-isip siya.
"I remember what my friend told me, he said that it costs 90,00 dollars. So, if you're going to convert it here in the Philippines..."
"It costs 4,544,145 pesos."
"Ano?! Ang mahal naman no'n. Grabe naman."
"It's not expensive though. Barya lang naman 'yan." Hinampas ko siya sa braso niya dahil doon.
"Hindi 'yon barya ah. Ang mahal kaya no'n." Sabi ko at napatingin ako sa phone ko nang nag-vibrate 'yon.
Tinignan ko 'yun at nakita kong naglagay siya ng pera sa bank account ko. Nang nakita ko kung magkano 'yon ay nanlaki ang mga mata ko.
"Bakit sobra ang binayad mo?" Tanong ko. Ang usapan naman ay 503,305 pesos lang kaya bakit 1 million ang binayad niya?
"What? It's a tip, ai. Let me spoil you."
"Anong 'let me spoil you' ka diyan? Ano mo ko, girlfriend?" Nginitian niya ako at hinalikan ulit sa noo.
"Yes, soon." Sagot niya at may nag-doorbell na sa labas. Tumayo na siya at binuksan 'yon at may nakita akong lalaki.
Agad kong nakilala 'yung lalaki dahil sa siya ang nagbantay sa'kin no'ng sa bahay nila dahil sa may naramdamang kakaiba si Drei.
"Sir, ito na po ang pinapakuha niyo." Sabi niya at napatingin siya sa'kin. Sinamaan niya ko ng tingin kaya hindi ko siya pinansin.
"Ascend, I want you to guard her twenty-four seven. Make sure that she's safe." Utos ni Drei at tumango 'yung lalaki.
Kinuha na ni Drei 'yung box ng pizza at paper bag at pumasok sa loob ng condo ko 'yung lalaki saka umupo sa sofa.
Tumabi na si Drei sa'kin at binuksan ang pizza. Nakita kong Tripple Cheese with Bacon 'yon na galing sa Pizza Parlor na pinagmamay-ari ng pamilya ni Drei.
Nilabas na niya 'yung juice at ang mga sauce nito. May nilabas din siyang Chocolate-Mint Candy at Lemon Meringue Cheesecake.
"Ang dami naman nito." Komento ko. Napatingin ako kay Ascend para yayain siyang kumain kasama kami.
"Kain ka din. Ang dami nito eh." Sabi ko. "Nope. I'm full." Sagot niya kaya hinayaan ko na lang siya.
Kumuha na ko ng pizza at kumain. Ang sarap talaga ng pizza na galing sa Pizza Parlor nila Drei. Kaya isa 'to sa mga sikat eh.
"Ang sarap talaga. Isa 'to sa mga paborito ko eh." Komento ko naman at sunod-sunod na ang pagkain ko.
"Sir, yosi lang po ako sa labas." Tumayo na si Ascend at lumabas. Kumuha ako ng chocolate-mint at kinain 'yon.
"Ang sarap talaga ng mga pagkain sa Pizza Parlor niyo." Komento ko sa kaniya at ngumiti siya.
"Itong Chocolate-Mint Candy talaga ang dahilan kung bakit gustong-gusto kong gumawa ng candy shop eh." Sabi ko.
"Why?"
"Kasi masarap siya. Gusto ko din ng bakery shop dahil sa mga cakes na meron sa Pizza Parlor niyo."
"I see. I'm happy that you're enjoying it." Sagot niya at may naisip ako bigla. Napangiti ako sa naisip ko.
"Paano kaya kung pinagsamang candy at bakery shop?" Tanong ko sa kaniya at napa-isip din siya.
"To be honest, you can. A candy shop and bakery shop. Two in one." Sagot niya at binitiwan ko 'yung hawak kong pizza.
Tumayo ako at tumakbo palapit sa gamit ko para ibahin ang ginawa kong logo dahil sa naisip ko. Bumalik na ko sa pwesto ko kanina at nilapag sa lamesa 'yung sketch pad.
"What's that?"
"Project para sa prelim. Kailangan daw gumawa ng logo para sa business kaya ito, iibahin ko na." Sagot ko.
"Plano ko kasi is candy shop lang. Pero dahil sa naisip ko, iibahin ko siya." Dugtong ko sa kaniya at tumango.
"I understand. Let me help you, ai." Sabi niya at iniba ko na ang ginawa kong logo habang tinutulungan niya ako.
~ 10 PM ~
Tapos na naming gawin 'yung logo at nilagay ko na 'yon sa short bond paper para nakahanda na para sa pasahan.
"Pasensya na kung ginabi ka." Sabi ko sa kaniya. "Don't worry, it's fine. I'm happy that I can help you." Sagot niya.
"Sa guest room ka na lang mag-stay. Gabi na kasi at baka maaksidente ka pa sa daan." Ngumiti siya at tumango.
Niligpit na namin ang mga kalat bago kami matulog para sa gabi.
THIRD PERSON'S POV
Nandito sila Ascend at kasama niya ang kapatid habang nagyo-yosi sa labas ng building at nakasandal sa sasakyan.
"I can't believe that he's head over heels for that girl." Sabi ni Ascend sa kapatid. Napangiti naman ang kapatid niya.
"Hayaan mo na, bro. Let him do what he wants to do for now. Mamaya na nating ibigay sa kaniya ang kailangan niyang papeles." Sagot nito at tumahimik na sila.
"Descend, at 3 o'clock." Napatingin si Descend sa kanan niya at may nakita siyang sasakyan doon na nakatigil.
"Bro, tara." Sabi ni Descend at nilapitan na nila 'yung sasakyan.
•••• END OF CHAPTER 16. ••••
BINABASA MO ANG
I'm His (San Marquez Series #1)
Fiksi Umum"Making her mine feels like heaven." Alexene Hanicka Southridge ay isang babysitter ng bunsong anak ng mga San Marquez. Ang mga San Marquez ay isa sa mga pinakamayang pamilya sa buong mundo. Ang mga San Marquez din ang nagpapa-aral kay Alexene sa es...