Chapter 29.

1.9K 28 0
                                    

Date Published: May 15 2017
Date Published: June 21, 2020

CHAPTER 29.

HANICKA'S POV

Nagising ako nang naramdaman kong may nakayakap sa'kin at nakita ko si Drei na payapang natutulog sa tabi ko.

Tinitigan ko siya at napahawak sa bandang puso ko. May gusto na nga ako sa kaniya at ayokong mawala siya.

Hula ko, hindi ko na kailangang pigilan pa 'to dahil napatunayan na din naman na hindi siya ang may gustong magpapatay sa'kin.

Mas siniksik ko pa ang sarili ko sa kaniya at yumakap ng mahigpit. Naramdaman kong hinalikan niya ko sa ulo kaya napatingin ako sa kaniya ulit.

"Good morning..." Ngumiti ako. "Good morning." Bati ko naman pabalik at bumangon na.

"Ligo na ko dahil hindi ako nakaligo kagabi." Sabi ko at pumasok na sa loob ng banyo.

~~~~

Nasa campus na ko at nakasalubong ko si Herald. Nilapitan niya ko at nginitian ko siya.

"Kamusta?" Tanong ko. "Okay lang ako. You?" Umupo ako sa bench at tumabi siya sa'kin.

"Okay lang din at napatunayan ko nang hindi si Drei ang gustong pumatay sa'kin." Sagot ko.

"Yeah, he told me who they are. I'm sorry if pati ikaw nadamay dito. Ako talaga ang target nila pero..."

"Okay lang, Herald. Naiintindihan ko mundo niyo kahit na nakakatakot." Sabi ko.

"I'll protect you - we'll protect you, Hanicka." Ngumiti ako at tumango. Alam ko naman na ginagawa nila ang lahat para protektahan ako eh.

"Malapit ko na pala matapos ang commission mo kaya hula ko mga bukas ay pwede mo nang makuha 'yon."

"Sure. I can't wait to see it." Sagot niya at nakipagkwentuhan pa ko habang hinihintay ang klase.

~~~~

Hindi pa nagsisimula ang klase at tinatalian ko ang sarili ko. Hindi kasi ako masyadong marunong kaya nagpaturo ako kanila Ia.

Tumingin na ko sa salamin nang tapos na ko at napangiti ako sa dahil sa ito ang pinakamatinong pagtali na nagawa ko.

"Thank you sa pagturo." Sabi ko at binalik na ang salamin ni Lizzie. Sakto namang dumating si ma'am at agad siyang nagsimula sa klase.

"Next week na ang prelim niyo pero si Ms. Southridge pa lang ang nagpapasa ng pinapagawa ko. Tandadaan niyong 'yon na ang exam niyo." Sabi ni ma'am.

"Yes, ma'am."

"Simula din next week, kailangan niyo nang maghanap ng pwesto kung saan kayo magbe-benta dahil sa kailangan kong i-check kung saan 'yan. Dapat alam ko kung nasaan ang location niyo."

"Paano ko iche-check kung hindi ko alam kung nasaan diba?" Tumango ang lahat.

"So, kapag nakahanap na kayo, sabihan niyo ko. Para kung may kailangan kayo ay matulungan ko kayo."

I'm His (San Marquez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon