Date Published: May 19, 2017
Date Re-Published: June 21, 2020CHAPTER 34.
HANICKA'S POV
Nandito pa rin kami ni mom sa isang bookstore at bumibili ako ng mga art materials habang pinapanood niya ako.
Medyo napupuno na din ang basket namin dahil sa marami na kong nailalagay doon pati na rin ang mga libro.
"I'm happy to have a bonding with you, iha." Sabi ni mom at ngumiti ako sa kaniya. Napatigil ako mula sa pagtingin.
"Ako din po. Masaya po akong makasama kayo ngayon." Sagot ko naman at hinawakan niya ko sa pisnge.
Pinagpatuloy ko na ang pagtingin sa mga gusto kong bilhin.
~ NEXT DAY, 6 PM ~
Nag-ayos na ko para sa party mamaya, 7 PM kasi ito magsisimula kaya naman kailangan kong mag-ayos agad.
Nasuot ko na 'yung damit at sapatos na ni-regalo ni dad sa'kin. Nakakahiya na talaga sa kanilang dalawa dahil sa mga regalo nila.
Naayos ko na din 'yung buhok at ginamit ko ang clip na binigay sa'kin ni Lirraenne kahapon.
Nang tapos ko nang ilagay ang clip ko sa buhok ay naglakad na ko palabas mula sa kwarto ni Drew.
Sa kwarto kasi ni Drei nagbihis si Drew para bigyan ako ng privacy para makapagbihis. Agad namang pumayag si Drew kaya dito ako sa kwarto niya nagbibihis.
Naglakad ako pababa ng hagdan at nakita ko silang lahat doon. Napatingin sila sa'kin at nahiya ako sa mga tingin nila.
Bagay kay Drei 'yung suot niyang puting coat at itim na botay ngayon at mas lalo siyang naging gwapo sa paningin ko.
"You're so beautiful, Hanicka."
"Very beautiful, ai."
Sabay na komento ng mag-pinsan kaya napaiwas ako ng tingin sa kanila. Ayokong mag-away sila dahil sa'kin.
"My noona is so beautiful." Nakangiting saad ni Drew kaya napangiti ako. Tinignan ko siya at bagay sa kaniya 'yung damit niya.
"Ang pogi mo, Drew. Bagay sa'yo 'yung damit mo." Komento ko naman at pinisil ang pisnge niya.
Nakasuot din siya ng puting coat at may parang badge sa colar niya at may logo itong buwan. Ano kaya meaning niyan?
Saka bakit ang pamilyar din sa'kin? Saan ko nga ba ulit nakita ang logo na 'yan?
"Tara na. Bago pa tayo ma-late." Sabi ni mom at umalis na kami mula sa bahay.
~~~~
Nandito na kami sa hotel ng mga San Marquez at mas lalo akong kinabahan dahil sa madaming tao ngayon dito.
Napahawak ako sa kamay ng katabi ko at napatingin ako sa kaniya. Nakita ko si Drei kaya naman mas hinigpitan niya ang pagkakahawak niya.
"You're cold, ai. Don't worry, I'm here. I won't leave you." Sabi niya at naglakad na kami papasok ng hotel.
Hinila niya ko palapit sa kaniya at inakbayan ako. Hinayaan ko lang siya dahil unti-unti nang nawawala ang kaba ko.
Pumwesto kami sa isang lamesa na malapit sa gilid at inalalayan ako ni Drei sa pag-upo. Napatingin ako sa paligid at parang mga kasali sila sa mga royalties.
"Drei." Tawag ko sa kaniya at tumingin siya sa'kin. "Ganito ba talaga ang mga galing Arcana at Ashworth? Parang royalties kung kumilos?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
I'm His (San Marquez Series #1)
General Fiction"Making her mine feels like heaven." Alexene Hanicka Southridge ay isang babysitter ng bunsong anak ng mga San Marquez. Ang mga San Marquez ay isa sa mga pinakamayang pamilya sa buong mundo. Ang mga San Marquez din ang nagpapa-aral kay Alexene sa es...