Chapter 2.

4.5K 83 2
                                    

Date Published: April 26, 2017
Date Re-Published:
June 21, 2020

CHAPTER 2.

HANICKA'S POV

Nandito kami sa kwarto ni Drew at tinutulungan siya sa assignment niya. Matalinong bata naman siya kaya hindi siya masyadong nagtatanong sa'kin.

Wala pa kaming pasok dahil sa hindi pa nag-uumpisa ang second semester ng school year. Scholar ako ng mga San Marquez kaya nagta-trabaho.

"Baby, may tanong ako." Tumigil siya sa pagsusulat at tumingin ng inosente sa'kin.

"May ibang kapatid ka pa ba?" Tanong ko. Tumango siya at tumayo. Kinuha niya 'yung isang picture frame sa isang drawer at binigay sa'kin.

"My hyung, Alexandrei and my noona, Alexandrite. But my noona Alexandrite died because of an accident." Lumungkot ang mukha niya.

"She died because of a car accident. She saved the one she loves that's why." Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Sorry kung nagtanong ako." Naramdaman kong umiling siya. "It's fine. I'm happy that I have you now, noona." Pinisil ko ang pisnge niya.

"Dito lang ako. Hindi ako aalis." Pinagdikit namin an ilong namin at hinalikan siya sa noo niya.

Maya-maya lang ay napatingin kaming dalawa sa pintuan nang may kumatok doon. Tumayo ako at lumapit. Baka si ma'am o kaya si sir.

Pagkabukas ko ng pintuan ay nagulat ako sa nakita ko. Bakit siya nandito ngayon?

THIRD PERSON'S POV

Pagkadating ng mga San Marquez sa meeting room ay agad na nagsalita ang isang lalaki.

"Where's Herald? He's needed here." Tanong nito at kinuha ang phone niya. May tinawagan ito pero agad siyang nainis dahil hindi siya sinasagot.

"Where's that fucking bastard at this time?!" Galit niyang saad at tumayo. Binuksan niya ang pintuan ng kwarto at tumingin ng masama.

"Call Herald, right now. Or else, I'll fire you." Pananakot nito at sinara na ng padabog ang pintuan.

"Alexandrei, hold your temper. Baka naman may pinuntahan lang importante si Herald." Saad ni Mrs. San Marquez.

"What is more important for him than this?" Galit na tanong ng lalaki ulit. Napahinga na lang ang mga tao na nasa loob ng meeting room at napasapo ng noo.

HANICKA'S POV

Anong ginagawa niya dito? Bakit siya nandito? Natulala kaming dalawa sa isa't isa at walang gustong magsalita.

"Hyung Herald, what are you doing here? Do you need anything? Do you miss me?" Nagpa-cute si Drew nang tinanong niya 'yung huli.

"Of course. I miss you, baby." Sinagot ni Herald 'yon habang nakatingin sa direksyon ko. Napa-iwas ako ng tingin dahil do'n.

"Hyung, she's my beautiful noona. My noona Lene." Pagpapakilala ni Drew sa'kin at tumingin ng diretsyo si Herald.

"Yes. She's very beautiful, Drew. She's the most beautiful girl that I've seen." Agad akong tumalikod at bumalik sa pwesto ko.

"Actually, I'm here to talk to you baby but your noona is here so, maiwan ko na lang muna kayo." Paalam niya at umalis na siya.

Tumingin sa direksyon ko si Drew at ngumiti ng matamis. Bumalik siya dito sa tabi ko at umupo.

I'm His (San Marquez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon