Date Published: May 9, 2017
Date Re-Published: June 21, 2020CHAPTER 20.
HANICKA'S POV
Tapos ko nang gawin 'yung design at pinakita ko na 'yon kay Drei. Tinignan niya 'yon at napatango.
"I love the design but hindi ba parang maliit lang siya? Kasi parang halos walang space dito." Komento niya. Napaisip naman ako sa sinabi niya.
"Gaano ba kalaki 'yung lugar na tinutukoy mo sa mall?" Tanong ko naman. Kinuha niya 'yung phone niya at may pinakita sa'kin.
"Wow. Sobrang laki naman nito. Nakakahiya na talaga sa inyo." Komento ko naman.
"Mom and dad want to spoil you so, you don't have a choice. 'Yan ang binigay nilang space sa'yo." Sagot niya.
"Sobra-sobra na talaga 'to. Mas ginaganahan tuloy akong gawin ang trabaho ko bilang babysitter ni Drew." Komento ko.
"Take care of me too, ai. I want to feel what Drew is feeling when it comes to your care." Bulong niya at niyakap ako.
"Sige. Para naman hindi masyadong madali ang trabaho ko." I giggled. Gamit ang picture na nasa cellphone ni Drei ay binago ko na 'yung design ng shop.
~~~~
Napatigil ako mula sa pag-drawing nang naramdaman kong tumatama na sa leeg ko ang buhok ni Drei kaya napatingin ako sa direksyon niya.
Nakita kong nakatulog na siya kaya naman napangiti ako. Mukha talaga siyang anghel 'pag tulog pero 'pag gising demonyo na.
"Sa tuwing kasama kita, feeling ko ang saya ko kahit na alam kong delikado ka." Bulong ko at hinayaan na siyang matulog.
Pinagpatuloy ko na lang ang pag-drawing at hindi na siya pinansin pa.
~ NEXT DAY ~
Pumasok ako sa kwarto ni Drew para gisingin siya. Umupo muna ako sa kama niya at dahan-dahan siyang inalog.
"Baby, gising na." Bulong ko at agad siyang nagising. Nginitian niya ko at umupo sa kama niya. Niyakap niya ko.
"Good morning, noona. I miss you so much." Bulong niya. "Good morning. I miss you too, baby." Bulong ko naman.
Hinalikan ko siya sa buhok niya at tumingin siya sa'kin. "Ligo ka na para makakain ka na." Sabi ko at agad siyang bumangon.
Tumakbo siya papasok sa banyo at lumabas na ko sa mula sa kwarto niya. Bumaba na ko para pumunta sa kusina at hinanda na ang mga kakainin.
"Good morning, Hanicka." Napatingin ako kay Herald. "Good morning." Sagot ko naman at umupo sa upuan.
"Wait lang. Hinahanda ko lang 'to." Sabi ko sa kaniya. "Sure. Thank you, Hanicka." Sabi naman niya.
"Good morning, ai. What's for breakfast?" Si Drei naman ngayon ang dumating. Sana naman ay hindi sila mag-away ngayon.
"Good morning. Fried rice, egg, bacon and hotdog." Sagot ko naman sa kaniya. Naramdaman kong may yumakap mula sa likod ko.
"Let's have a date later, okay?" Tumango ako sa kaniya. Lumayo na siya mula sa 'kin at nakita kong umupo siya sa upuan.
Dumating na din si Drew na bagong ligo kaya naman nilagay ko na lamesa nila ang mga pagkain. Kumuha agad sila ang kumain.
"Gusto niyo ba ng ketchup?"
"Yes please, noona." Sagot ni Drew kaya lumapit ako sa cabinet at kinuha ang ketchup. Inabot ko na kay Drew 'yon.
BINABASA MO ANG
I'm His (San Marquez Series #1)
General Fiction"Making her mine feels like heaven." Alexene Hanicka Southridge ay isang babysitter ng bunsong anak ng mga San Marquez. Ang mga San Marquez ay isa sa mga pinakamayang pamilya sa buong mundo. Ang mga San Marquez din ang nagpapa-aral kay Alexene sa es...