Chapter 27.

1.9K 39 2
                                    

Date Published: May 11, 2017
Date Re-Published: June 21, 2020

CHAPTER 27.

HANICKA'S POV

Tapos na ang klase at lumabas na kami sa room. Pupunta kami sa cafeteria para bumili ng pagkain doon.

Pagkatapos kasi nito ay gagawin na nila ang duty nila sa admin at ako naman ay pupunta sa condo para gumawa ng arts.

Pagkarating namin sa cafeteria ay bumili na agad kami at humanap ng pwesto. Nang nakahanap na kami ay kaming umupo.

"May date ba kayo, Lene?" Tanong ni Ia habang nakain. "Magkikita lang kami. May gagawin pa kong commission eh." Sagot ko.

"Bakit?"

"Wala lang. Gusto ko lang malaman kung ano ang ginagawa niyo sa tuwing nagde-date kayo." Sagot ni Lizzie.

"Nakain lang kami tapos pinapanood niya kong gumawa ng arts." Sagot ko. Gano'n lang naman ang ginagawa namin sa tuwing magkasama.

"Okay lang sa kaniya 'yung gano'n?"

"May dapat pa ba kaming gawin sa tuwing nagde-date kami?" Takang tanong ko naman.

"Diba dapat naglalambingan din kayo?" Tanong ni Ia. "Hindi pa naman kami kaya bakit kami maglalambingan?" Tanong ko.

"Sa bagay, may point ka din doon." Sagot naman ni Ia pero napa-isip ako.

"May gusto ka ba sa kaniya, Lene?" Tanong ni Lizzie at hindi ako nakasagot agad. Ano ba talaga ang nararamdaman ko para kay Drei?

"Hindi ko alam sa totoo lang pero..."

"Pero..."

"Sa tuwing kasama ko siya ay pakiramdam ko ligtas ako, masaya ako saka parang lagi ko siyang gustong makita." Pag-amin ko.

Kahit na medyo nagdududa ako kay Drei ay unti-unti nang nawawala 'yon sa araw-araw na pagsasama namin. Lagi niya din naman pinaparamdam sa'kin ang gusto niyang maramdaman ko.

"Mukhang mahirap 'yan ah? Pero sa nakikita ko naman ay parang may gusto ka na rin dahil sa mga nararamdaman mo sa tuwing kasama mo siya." - Ia.

"Tama." Tumatangong saad ni Lizzie at kumain na ulit kami. Inisip ko lahat ng mga sinabi nila sa'kin.

Nagkakagusto na nga ba ako sa kaniya?

~~~~

Nabyahe na kami ni Drei papunta sa condo ko at tumingin ako sa kaniya. Iniisip ko pa rin ang tungkol sa mga sinabi nila Lizzie.

"Something wrong, ai? Why are you staring at me like that?" Tanong niya at umiling ako.

"May iniisip lang. Napa-isip lang ako sa sinabi nila Ia kanina tungkol sa nararamdam ko para sa'yo." Sagot ko.

"About your doubts?" Umiling ako. "Mukhang unti-unti na ata akong nahuhulog sa'yo." Sagot ko.

"Natatakot ako, Drei. Natatakot ako na baka pinaglalaruan mo lang ako kasi unti-unti na kong nahuhulog sa'yo." Dugtong ko.

"Don't worry. I'm not playing games with you. I'm serious, ai. I'm not going to waste my time courting you if I'm just going to kill you." Sagot niya.

I'm His (San Marquez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon