Date Published: May 11, 2017
Date Re-Published: June 21, 2020
CHAPTER 22.
HANICKA'S POV
Nakauwi na kami sa bahay nila at aalis na sana ako nang hinawakan niya ko sa kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya.
"Let's go to my room. I want to show you something." Hinila na niya ako pa-akyat sa kwarto niya.
~~~~
Nandito na kami sa kwarto niya at may nakita akong mga canvas at art materials doon kaya umapit ako.
"Ai?" Niyakap niya ko mula sa likod at napalingon ako sa kaniya. "Please do a new commission for me." Bulong niya.
"Gagawin ko pa 'yung Herald, diba?" Sagot ko at tumango siya. "Gawin mo muna 'yung kaniya then do mine." Suhestyon niya.
"Fine. Sige. Saglit lang kasi kukunin ko lang 'yung picture na binigay niya." Sabi ko at humiwalay na mula sa kaniya.
Lumabas na ko mula sa kwarto niya at pumunta sa kwarto ni Drew para kunin ang picture ng bahay ni Herald.
~~~~
Ginagawa ko na ang pinapagawa ni Herald sa'kin. Nasa tabi ko si Drei habang pinapanood ako mula sa paggawa.
"You're hands are really good at this." Komento niya at napangiti ako. Pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko.
"Soon, I'll tell you to do a portrait of our family with our future kids." Bulong niya sa'kin at napatigil ako.
"Excited ka talaga noh?" Komento niya at tumango siya. Napa-iling na lang ako sa kaniya dahil doon.
"Soon, you'll love me too. I can assure you that." Determinadong saad niya at tumahimik na siya kaya namang itinuloy ko na ang ginagawa ko.
~ NEXT DAY ~
Maaga akong nagising dahil ngayon mamimili ng mga pagkain para sa ihahanda namin bukas sa birthday ni Drew.
Nag-hire na din ng mga tagaluto sila mom at kami na ang bahala sa mga kung ano ang ihahanda at ang mga ingredients.
Nasa palengke kami ngayon at medyo inaalalayan ko si mom dahil sa ito daw ang unang beses na pupunta siya dito.
"Sigurado po ba kayo na okay lang kayo? Pwede naman po nating hintayin ang pagbubukas ng mall." Komento ko.
"No, no, iha. Okay lang at gusto kong ma-experience 'to." Nakangiting sagot niya kaya wala na kong nagawa kundi ang tumango na lang.
"Sige po. Sabihan niyo na lang po ako kung may problema po." Sagot ko naman.
"Sige, anak. Salamat." Pumunta kami sa isang stall at bumili ng mga manok, beef at pork. Marami kaming binili dahil sa marami din ang mga bisita.
"Salamat po." Sabi ko at binayaran na ni mom ang mga binili namin. Sinunod naman namin ang mga gulay, prutas at sea foods para 'yung ibang wala ay sa mall na namin bibilhin mamaya.
~~~~
Nasa mall na kami at bumibili ng mga hindi namin nabili kanina sa palengke. Hindi kasi available 'yung iba kaya dito na lang kami bibili.
"Mom, pati rin po ba 'yung strawberry?" Tanong ko at tumingin sa kaniya. "Yes, please." Nilagay ko na sa cart 'yung strawberry.
"Paki-damihan na din. Salamat." Tumango ako at naglagay na ng marami. Ang sunod ko namang kinuha ay 'yung lemon, calamansi at may nakita din akong dragon fruit.
"Mom, kuha din po ako ng dragon fruit?" Tanong ko at lumapit siya sa pwesto ko. Nahalata kong napa-isip siya.
"Ano kaya ang pwedeng gawin diyan? Baka kasi masayang tapos hindi natin gagamitin." Sagot niya sa'kin.
"Pwede pong Dragon Fruit Smoothie at Dragon Fruit Shake. Pwede din pong fruit salad." Sagot ko naman.
"Okay sige. Bili tayo then gawin nating shake para sa bago naman sa panlasa." Kumuha na ko at naglagay sa cart.
Nag-ikot pa kami sa buong grocery para makumpleto na namin ang lahat ng kakailanganin naming ingredients.
~~~~
Nandito kami ni mom sa department store at namimili ng regalo para kay Drew. Nakatingin si mom sa mga laruan at ako naman ay sa mga sapatos.
Kinuha ko 'yong isang sapatos nang may naalala ako bigla. Kasya naman 'to kay Drew kaso magustuhan niya kaya?
"'Yan ba 'yung ire-regalo mo sa kaniya, anak? Tara na?" Tanong ni mom.
"Ayos lang naman po 'to diba?" Tumango siya. "Maganda naman siya at alam kong magugustuhan ni Drew 'yan." Sagot niya.
"Sige po. Ito na po ang ire-regalo ko." Sagot ko at pumunta na kami sa counter para bayaran ang mga binili namin.
~~~~
Nakauwi na kami at agad akong umakyat papunta sa kwarto ni Drei para humingi sana ng tulong. Pagkapunta ko doon ay agad akong kumatok.
"Yes, ai?" Napalingon ako nang may nagsalita mula sa likod ko at nakita ko si Drei na may dalang mug ng kape.
"May gagawin akong portrait. May materials ka dito diba?" Tumango siya at ngumiti. Binuksan na niya 'yung pintuan ng kwarto niya.
Sumunod na ko sa kaniya at agad pumunta sa canvas at umupo. Tinabi ko na muna 'yung ginagawa kong commission para kay Herald.
Gagawin ko muna 'yung portrait ni Drew bilang isa pang regalo para sa kaniya. Nagsimula na kong gumawa at naramdaman kong umupo si Drei sa tabi ko.
"So, for Drew, huh?" Tumango ako. Tumahimik na siya para makagawa na ko ng maayos.
~~~~
Binaba ko 'yung palette at hinimas ang leeg ko dahil sa sumakit ito. Tumayo si Drei at pumwesto sa likod ko.
Sinimulan na niya akong masahiin ng dahan-dahan. Hinayaan ko lang siya dahil sa nasarapan ako.
"I'm happy that you're trusting me this much now. I accept this, ai." Bulong niya sa'kin habang minamasahe ako.
"Hindi pa naman kita masyadong pinagkakatiwalaan pero kailangan pa rin naman kita bigyan ng pagkakataon para patunayan ang sarili mo." Sagot ko.
"Gusto kong bigyan ka ng pagkakataon kasi ayokong makasakit." Dugtong ko pa.
"Thank you, ai." Bulong niya at tinigil na niya ang pagmasahe sa leeg ko. Sinunod naman niyang masahiin ang braso ko.
"You're too tired. You need to rest." Sabi niya habang minamasahe ako.
"Gusto ko kasing tapusin agad 'to. Regalo ko 'to kay Drew eh." Sagot ko naman at ngumiti siya.
"I know but you need to prioritize your health too, ai. Let's go. Let me take you to bed." Tumayo na siya at binuhat ako.
Pinahiga ako na niya ako sa kama at umupo sa gilid. Hinaplos niya ang buhok ko at agad akong inantok. Gabi na din kasi at sa mall na kami kumain ni mom kanina.
"Drei, pagkakatiwalaan kita pero sana ay hindi mo siraan 'yon." Bulong ko at ngumiti siya. Hinalikan niya ko sa noo.
"Don't worry, I'll protect you and I won't break your trust, ai. I don't want to lose you." Bulong niya sa'kin at hinawakan siya sa pisnge.
"Marami akong tanong sa'yo at gusto kong sagutin mo lahat 'yon bukas ng umaga."
"Of course, I'll answer everything that you want to know." Ngumiti ako ng onti at pinikit na ang mga mata ko para matulog.
•••• END OF CHAPTER 22. ••••
BINABASA MO ANG
I'm His (San Marquez Series #1)
General Fiction"Making her mine feels like heaven." Alexene Hanicka Southridge ay isang babysitter ng bunsong anak ng mga San Marquez. Ang mga San Marquez ay isa sa mga pinakamayang pamilya sa buong mundo. Ang mga San Marquez din ang nagpapa-aral kay Alexene sa es...