Ang Babaeng Out of this World!

1.4K 75 45
                                    

Una sa lahat, gusto kong malaman niyo na LALAKI ako, kaya hindi niyo maalis sa akin ang magreact sa mga bagay na masasaksihan niyo sa kwentong ilalahad ko.Lexus Zhala nga pala at eto ang kwento.

Busy ako sa pagikot at pagpasok ng daliri ko sa isang masikip at maliit na butas.Bakit ba kasi ang hirap kunin ng singsing ko dito sa funnel. Oona, ako na ang tangang nilalang na sinubukang ipasok ang singsing ko sa funnel kaya hayan, ang hirap ilabas.

Bogsh!

Nabitiwan ko ang funnel ng bigla na lang may kung anong nahulog sa labas ng condo ko. Ano naman kaya iyon?! Spaceship ng mga taong funnel, pumunta sila dito para isama ako at pahirapan dahil sa paglapastangan ko sa walang kamuwang muwang na funnel na ito. Tss, stop this nonsense crop.

Pumunta ako sa likod ng condo at chineck kung anong bagay ang nahulog, pero wala akong nakita miski bakas. Ilang beses pa ako umikot ikot sa labas hanggang sa nagdecide na akong pumasok sa loob,tss, naabala pa tuloy ang ginagawa ko.

Dumiretso muna ako sa cr, eh sa naiihi ako eh bakit ba. Binuksan ko na ang zipper ng pants ko at sinimulan ang pagdidilig ng bigla na lang may nagsalitang kung sino sa likod ko.

"WoW! Ang galing, bakit may tubig na lumalabas diyan sa tubong hawak mo?!"

Nanlaki ang mata ko ng malingunan ko ang isang babae na manghang mangha sa ginagawa ko.

Shit! Paano ito nakapasok dito at isa pa, tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, kaya bigla akong tumalikod at isinara ang zipper ko sabay kuha ng towel sa tabi ko at binalot sa katawan niya.

"Teka, wala na bang tubig dun sa tubo?!"

Naramdaman ko na lang bigla ang pagakyat ng dugo ko sa mukha ko,

Shit! Nakakahiya, ano ba kasing iniisip ng babaeng ito at bigla bigla na lang pumapasok sa bahay ng may bahay.

"Sino ka bang babae ka ha?! Isa pa, ba-bakit hubad ka?!"

Dinala ko siya sa sala at pinaupo.

Oona, kanina wala siyang saplot miski isa, pero wag niyong isiping pinagnanasaan ko ito ha, mabait kaya ako.

Tumingin ako sa mukha niya at hintay siyang sumagot, pero parang wala siyang naintindihan sa mga sinabi ko.

"Anong damit?! Iyan ba yung telang nakapulupot sa katawan mo?!"

Bigla na lang kumunot ang noo ko sa itinanong niya, ano bang Sinasabi nito?

"Miss, huwag mo nga akong lokohin, sino ka ba?! At bakit nandito ka sa bahay ko?!"

"Miss ba ng pangalan ko?!" ngiting ngiti niyang tanong sa akin habang nakaturo sa sarili niya.

Nasapo ko naman ang mukha ko at napabuntong hininga, ano bang klaseng babae ito? Parang out of this world.

"Sagutin mo na lang ang tanong ko" ngumiti naman siya at tumango.

"Ano ako?! Anghel, Bakit nandito ako?! Hindi ko alam"

Tss,nagpapatawa ba siya?! Anghel?! May anghel bang bigla biglang susulpot ng walang saplot.

"Hintayin mo ako dito may kukunin lang ako" sabi ko sabay tayo.

Ngumiti lang ulit siya at tumango, tss.

Pumunta ako sa kwarto ko at kinuha yung malaking tshirt ko na kasya lang para matakpan miski hanggang tuhod man lang niya.

Ang Babaeng Out of this World!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon