CHAPTER TWO

4.7K 260 18
                                    

CHAPTER TWO


I will definitely pay her back. Nagsimula na akong maglakad palayo. Ang buong akala ko ay tapos na ang kalbaryo ko ngayong araw pero mali ako. Tatlong lalaki ang humarang sa daanan ko.

"Ikaw ang anak ni Arthur Quevas, 'di ba?" Tanong ng isa sa kanila.

"A-Ako nga po. Anong kailangan nyo sakin?" Kinakabahang tanong ko.

"Ineng, may malaking utang lang naman sa amin ang iyong magaling na tatay. Nasaan na sya? Ilang taon na nya kaming pinagtataguan."

"P-Po?"

"Wag ka ng magmaang-maangan pa. Saan na kayo nakatira ngayon? Dalhin mo kami sa bahay nyo." Hinila ng isa sa kanila ang braso ko pero mabilis ko lang itong binawi.

"W-Wala na po ang mga magulang ko.." Nakayukong sabi ko.

"Ano? Niloloko mo ba kami, ha?!"

"Hindi po. D-Dalawang taon na rin po simula nang mamatay sila."

"Tangina naman! Ang tagal namin syang hinahanap tapos patay na pala sya?! Ginagago mo ba kami?!" Mas lalo akong natakot ng kwelyuhan ako ng isang lalaki.

"Chill, pre. Nakita naman natin ang anak niya." Sabi ng isa sa kanila at tiningnan ako mula ulo hanggang paa, "Pwede namang sya na lang ang pagbayarin natin sa utang ng tatay nya." Mas lalong na-triple ang kaba sa aking dibdib nang mag-umpisa silang ngumiti ng kakaiba.

"A-Anong gagawin nyo?" Nagumpisa akong umatras palayo sa kanila. Biglang hinila ng isa sa kanila ang bag ko at nalaglag ang mga laman nito. Nanlaki ang mga mata ko nang kunin nya ang dalawang puting sobre at tiningnan ang laman nito.

"Aba! Kita mo nga naman. Mukhang kakasweldo nya lang. Lucky!"

"Akin na 'yan!" Pilit kong kinuha ang perang sinahod ko at ni Ate Mildred. Damn, I need that money!

"Hindi pwede. Kulang pa nga itong pera na ito para pangbayad ng utang ng tatay mo."

"Parang awa nyo na! Kailangan ko ang pera na 'yan!" Umiiyak na ako at pilit na binabawi ang perang hawak nila. Binigay pa man din ni Ate Mildred ang sahod nya tapos mapupunta lang pala sa kanila. 

Mas lalo akong naawa sa sarili ko. Ilang beses na ba akong nagmakaawa ngayong araw? Ilang bese na ba akong napahiya at umiyak? Wala bang katapusan ang kamalasan ko sa buhay?

"Maiwan ka na namin, ineng." Sabi ng isang lalaki sabay kuha sa school ID ko at tiningnan ang address sa likod nito. Napangisi sya at kinuhanan ito ng picture. "Alam na namin kung saan ka nakatira kaya siguraduhin mong may pangbayad ka na sa susunod na punta namin," pananakot pa nila sabay tapon ng ID ko sa lupa. Wala na akong nagawa nang umalis na sila sa harapan ko. Naiwan ako na nakasalampak sa daan at umiiyak. Nagkalat ang laman ng bag ko sa lupa.

Isa-isa ko itong kinuha at pinasok sa loob ng bag ko habang umiiyak. Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba na walang tao ngayon sa paligid at hindi nila nakikita kung gaano ako mukhang kawawa ngayon. Wala na, wala na akong pera. Ang kahuli-hulihan kong sahod ay kinuha nila pati ang pera ni Ate Mildred.

Sinulit ko na ang pagkakataong walang tao at iniyak ang lahat ng sama ng loob ko. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang unti-unting pagpatak ng ulan hanggang sa lumakas ito. Seems like the rain is also grieving for me.

Tumayo na ako sa pagkakasalampak ko at nagumpisang maglakad. Saan na ako pupunta nito? Wala na akong pera. Pati ang perang naipangako ko kay Aling Susie na pangbayad ko ng upa sa apartment ay wala na rin. 

Kinuha na ng mga lalaking pinagkakautangan ni Papa. Saan na ako pupulutin nito? Baka wala na akong apartment na madatnan dahil pinalayas na ako ni Aling Susie. Wala na rin akong trabaho. Wala ng natitira pa sakin.

'Get away from us, freak!'

Mas lalo akong naiyak nang naalala ko ang lahat ng nangyari ngayong araw. Paulit-ulit na nag-eecho sa isip ko ang mga sinsabi nila tungkol sakin. Oh, God. I can't take this suffering anymore. Sobra sobrang paghihirap na ang nararanasan ko. Dumagdag pa ang mga utang ni Papa.

'Totoo naman ang mga sinasabi namin, 'di ba? Pati magulang mo dinamay mo sa kamalasan mo!'

Nahihirapan na talaga ako. Sana ay sinama na lang din nila ako sa langit. Sana ay namatay namatay na lang din ako noong gabing namatay sila para hindi ako nahihirapan ng ganito. Sana sinama nalang nila ako kung ganitong magiging mag-isa lang rin pala ako.

'Why can't she just die and follow her parents?'

Namalayan ko na lang na nasa isang mataas na tulay na pala ako. Kitang-kita ko ang malaki at malawak na dagat mula sa baba ng tulay. Parang may sariling isip ang katawan ko at kusa itong tumuntong sa harang ng tulay. 

I'm afraid. I feared on what would happen next. Pakiramdam ko ay wala na akong control sa katawan ko. It seems like my body itself can no longer take the pain and sufferings anymore.

I'm afraid..

Alam kong malaking kasalanan itong gagawin ko at maski ako ay natatakot. But after this pain everything will be alright now. I will become at peace after this one agonizing pain. After this I will be able to see my parents again. Pagtapos nito ay tapos na rin ang lahat ng paghihirap ko.

'You should have died the moment your parents passed away!'

Lord, forgive me. Sunod ko na lang na naramdaman ay ang pagbagsak ng aking katawan sa tubig. It's cold and dead silent. Few more minutes and I will soon find peace. Few more minutes and I will no longer need to endure any sufferings. Few more minutes I will no longer feel any pain. Few more minutes and I will become just like this sea. Cold and dead silent.

Nahihirapan na akong huminga and I know I only have a minute to live. I tried opening my eyes. It hurts. I'm still alive. Kahit na masakit sa mata ang tubig alat ay pinilit ko pa rin idilat ang mga mata ko. It's so dark and calm just like the night. This sea will be the only witness of my death.

Unti-unti ng bumibigat ang talukap ng aking mga mata at nauubusan na rin ng hangin ang aking baga. This it. This is the end. Just when I was about close my eyes I saw something or rather someone few feet away from me. He's unconscious. Palutang-lutang lang ang walang malay na katawan ng lalaki sa ilalim ng dagat. Is he dead?

Kahit na nahihirapan na akong huminga at makakita ay pinilit ko pa rin makalapit sa lalaki. I can swim. Yes, the irony of committing suicide. Nang medyo malapit na ako sa lalaki ay mabilis ko syang hinila sa palapit sakin. 

What if he's dead? Kinapa ko ang palapulsuhan nya at pinakiramdaman ito. He's alive! Mahina lang ang pintig sa palapulsuhan nya pero alam kong buhay pa sya.

Hindi na ako nagdalawang isip pa at hinila na sya paahon sa dagat. As soon as my head resurface from the sea I instantly starts gulping for air. Mabibigat ang aking mga paghinga at binabawi pa rin ang hanging nagkulang sa aking baga. 

Nang makabawi na ako ay nag-umpisa na akong lumangoy palapit sa dalampasigan habang hawak-hawak ko sa damit ang lalaking nakita ko sa ilalim ng dagat.

As soon as we got on the shore I immediately positioned him and then I started pumping his chest with my hands. I pinched his nose and using my mouth I started blowing some air on his mouth. Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko. 

Paulit-ulit ko lang itong ginagawa hanggang sa biglang umubo 'yung lalaki. He coughed out the waters that entered his lungs. Nakahinga ako ng maluwag nang bahagyang magkamalay ang lalaki.

"Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya. Nagulat ako nang bigla nyang hawakan ang braso ko.

"N-Nasaan ako?"

He Who Came From Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon