CHAPTER FIVE
"Mabuti naman at naisipan mo pang umuwi, Ava. Ang akala ko ay tinakbuhan mo na ang utang mo sa akin." Salubong sakin ni Aling Susie pagkadating ko. Of course I know she would be waiting for me to come back.
"H-Hindi po," I said remembering that I did almost run away, "Ito na po 'yung bayad ko para sa ngayong buwan at sa susunod." Mukhang nagulat pa si Aling Susie dahil sa pag-advance ko ng bayad sa susunod na buwan.
"Aba, mukhang malaki yata ang sinahod mo ngayon, Avalon." Nakangising sabi ni Aling Susie habang binibilang ang perang inabot ko sa kanya. Pagtapos nyang bilangin ang bayad ko ay mukhang noon nya lang napansin ang lalaking nasa likod ko, "Sino 'yan? Boyfriend mo?"
"Hindi po. Malayong pinsan ko po. Dito muna po sya ng mga ilang lingo." Nakataas ang kilay na pinasadahan nya ng tingin ang lalaking pinakilala ko bilang isang malayong pinsan.
"Hindi ko alam na may pamilya ka pa pala." Matabang na komento nito bago umalis. I felt a small lumped instantly formed in my throat when I realized what she just said. I don't know if it's just an empty comment or she just insulted me.
Pinapasok ko na ang lalaking kasama ko sa loob ng apartment ko. Hindi na ako nagtaka nang makita kong mukha na naman syang manghang-mangha sa nakikita nya sa kanyang paligid. Pumasok ako sa aking maliit na kwarto at kumuha ng unan at kumot pagtapos ay inabot ko sa kanya.
"Dito ka matutulog," Tinuro ko ang hindi masyadong kalakihang sofa sa aking maliit na sala, "Kumatok ka na lang sa kwarto ko kung may kailangan ka." Hindi ko na sya hinintay pang makasagot at pumasok na sa aking kwarto. Ni-lock ko pa ito para makasigurong hindi nya ako mapapasok sa aking kwarto. I still don't trust him, afterall.
Pagkahiga ko sa aking kama ay hindi ko pa rin maiwasang maalala ang lahat ng nangyari ngayong araw. Too many that I almost think that it's not real and it didn't happened. I closed my eyes and covered it with my right arm.
I bit my lower lip as I felt a hot liquid trickles on my face. Shit, I'm crying again. Hindi ko na matandaan kung ilang beses akong umiyak ngayong araw.
It finally dawned in me the horrendous thing that I've done. I can't believe that I almost killed myself! Nawala ako sa aking sarili. I let the grief, hatred and loneliness eat me. Masyado akong nagpadala sa emosyon ko.
I was so close to death aand then I saw him. I don't know if it's a divine intervention when I met him. That psysho guy! Hindi ko alam kung maituturing ko bang maganda o hindi ang pagkakakita at pagkakasagip ko sa kanya. I think he's my punishment.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Lumabas na ako ng kwarto ko at nadatnan kong mahimbing na natutulog sa aking sofa ang lalaking hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan. He can't still remember so what should I call him?
Pinagmasdan kong maigi ang kanyang mukha habang natutulog. He really looks so innocent. Napadako ang tingin ko sa kanyang wavy na buhok. It looks so fluffy. Well, his wavy hair really looks good on him. I wonder if it's natural.
Nagulat ako ng bigla syang dumilat kaya mabilis na iniwas ko kagad ang tingin ko sa kanya at kinuha ang remote ng TV ko at in-on ito. Crap, am I checking him out? No! I'm just curious, that's all! Sa ikalawang pagkakataon ay nagulat ulit ako nang bigla syang mapatayo sa kanyang pagkakahiga at nanlalaki ang kanyang mga matang nakatingin sa TV.
"Paano nagkasya ang limang tao sa bagay na iyan?" Naihilamos ko na lang ang aking kamay sa aking mukha sa kanyang naging tanong. What's up with this guy? Sa tingin ko ay kailangan ko syang dalhin sa ospital para maipa-check up.
Naghanda na ako ng makakain namin habang tutok na tutok sya sa panunuod ng isang morning show sa TV. It feels kinda weird to have someone besides myself here in my apartment. Ito palang yata ang unang pagkakataong may nakapasok sa apartment ko simula ng umupa ako dito. Nakakapanibago and at the same time I'm kinda happy. Ngayon na lang ulit ako may makakasabay kumain ng agahan.
"Hoy!" Tawag ko sa kanya. I really don't know what to call him. Kinuha ko ang remote at pinatay ang TV.
"Ha? Bakit sila naglaho? Saan sila nagpunta?" Naguguluhang tanong nya sakin.
"Nakahanda na ang pagkain." Sabi ko at hindi na lang pinansin ang mga walang kwenta nyang tanong. Sumunod naman sya sa akin papuntang lamesa at pinaupo ko sya sa isa sa mga upuan. Nauna na akong kumuha ng pagkain at ginaya naman nya ang ginawa ko.
"Ang sarap! Napakasarap nito!" Sigaw na naman nya na ikinailing ko na lang.
"Wag kang OA, sinangag lang 'yan at itlog." Matabang na sabi ko. Mukha lahat naman yata ng ipakain ko sa kanya ay masasarapan sya.
"Wala ka pa rin bang naaalala?" Tanong ko. Saglit syang tumingin sakin bago umiling.
"Kahit pangalan mo?" Umiling sya. Mahirap 'to. Hindi naman pwedeng puro 'Hoy' at 'lalaki' lang ang itawag ko sa kanya.
"Anong gusto mong itawag ko sayo?" Tanong ko ulit pero tinitigan nya lang ako. He really is clueless. Hindi kaya bago sya malunod ay nauntog ang ulo nya? Tapos sobrang naalog ang utak nya kaya ganito ang kilos at pananalita nya?
Napabuntong hininga na lang ako at pinanuod syang ipagpatuloy ang kanyang pagkain. Napatingin na naman ako sa medyo alon-alon nyang buhok.
"Wave."
"Huh?" Napahinto sya ulit sa kanyang pagkain at tiningnan ako.
"Wave, ang ibig sabihin ay alon. Just like your hair." I stated habang nakatitig ng diretso sa mata nya. Tsaka ko lang na-realize na nakatitig rin pala sya sakin ng nakangiti. Nag-iwas kagad ako ng tingin at pinagpatuloy na lang ang naudlot kong pagkain.
"Wave. Gusto ko ang salitang iyon." Nakangiting sabi nya at tinapos na ang kanyang pagkain. Wave, huh?
BINABASA MO ANG
He Who Came From Another World
Science Fiction[HIGHEST RANKING: #6 in Science-Fiction] A stranger who can't remember anything saved me and brings color in my empty life. STARTED: July 01, 2017 ENDED: May 16, 2018