CHAPTER TWENTY EIGHT

2.7K 179 21
                                    

CHAPTER TWENTY EIGHT


"OH.MY.GOD."

"Can somebody slap me? Like right now?"

"He's here, right? He's in front of us, right?"

"I can't breath!"

Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa mga reaksyon nila Era at Pia. Hindi sila makapaniwalang dinala ko si Wave sa loob ng school namin. Buwis buhay ang pagsama ko kay Wave dito sa lob ng school dahil nasa school gate palang kami ay dinumog na sya ng mga babae. Halos lahat ay gustong magpapicture kasama sya. Parang naging instant artista tuloy si Wave at ako naman ay naging instant photographer.

"Hindi ko alam na nakakatakot pala dito sa school mo, Avalon." Tanda ko pang binulong nya sakin nang makalampas na kami sa mga babaeng nagkakagulo sa kanya kanina.

"OA?" Natatawang sabi ni Mia dahil sa mga naging reaskyon ng dalawa. Si Wave naman ay parang walang pakialam at panay lang ang tingin nya sa paligid nya. Amusement is clearly written on his face. Para syang bata sa likod ko na takot mawala. Nakapatong pa ang dalawa nyang kamay sa balikat ko para lang hindi sya mapagiwanan.

"Avalon, Avalon, Avalon!" He excitedly said, "Gusto kong masubukan iyon!"

"Haunted House?" Kunot noong tanong ko. Mabilis syang tumango. Tiningnan ko ulit ang booth ng Haunted house at sobrang daming tao ang nakapila, "Ikaw na lang."

"Gusto ko tayong dalawa!"

"Ayoko. Maraming tao."

"Avalon!" Niyugyog nya pa ang balikat ko at pinipilit talaga ang gusto nya.

"Wave, kami nalang ang sasama sayo!" Pagpi-presenta nila Era at Pia.

Tiningnan lang sila ni Wave at sinimangutan, "Ayoko na pala." Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang dalawa sa naging sagot ni Wave sa kanila. I bit my lip. Ayoko namang maging party pooper at mukhang lahat sila ay gusto rin talaga i-try ang Haunted House.

"Okay lang 'yan." Narinig ko pang sabi ni Mia habang tinatapik ang likod ng dalawa.

"Gusto kong makapasok sa Haunted House kasama si Wave.." Sabi ni Era habang naka-pout.

"Kaso ayaw ni Wave kung hindi kasama si Ava." Pia added.

"At mas lalong ayaw nya kung kayong dalawa ang kasama nya." Straightforward na sabi ni Mia na mas lalong nagpa-depress sa dalawa. I don't even know if Mia's comforting them or what. Tiningnan ko naman si Wave at nakatingin pa rin sya sa Haunted House.

I sighed, giving up, "Fine. Let's try it."

"OMG! Thank you, Ava! You're the best!" Kulang na lang ay sambahin ako ng dalawa dahil sa sobrang tuwa nila. Pumila na kami sa Haunted House at halos itulak nila Era at Pia ang mga naka pilang babae sa harap namin dahil sa kakatingin nila kay Wave.

"Nasa harap ang entrance ng Haunted House hindi dito!" Saway ni Pia sa mga babaeng hindi magkamayaw sa kakatingin kay Wave.

"Sige, tingin pa! Tutusukin ko 'yung mga mata nyo!" Sabi naman ni Era. Seriously, mukhang hindi na talaga maaalis sa dalawa ang pagiging warfreak nila. Mabuti nalang at nagawa naming makapasok sa loob ng Haunted House ng matiwasay.

"KYAAAAAH!!"

"WAAAAAAH!"

"OHMYGAAAAAAD!! AYOKO NA!"

"PUTA WALANG HAHAWAK SA PAA KO!"

"OY WHITE LADY! HUWAG MONG TSANSINGAN SI WAVE!"

"HOKAGE ANG PUTA!"

"GAGO KA! BAKIT MO AKO GINULAT?! PANO KUNG MAY SAKIT AKO SA PUSO?! SIRAULO KA!"

Sa halip na matakot ako ay sumakit lang ang ulo ko sa ingay ng dalawa. Mukhang kailangan ipa-bless ang Haunted House na 'yon dahil tinadtad na nila Era at Pia ng mga mura ang tao sa loob. Sigaw sila ng sila na akala mo totoong mga multo ang mga nakikita nila. Ang lakas ng loob nilang mag-aya sa Haunted House tapos mga matatakotin naman pala sila.

"Gagong Frankeinstein 'yon! Hinawakan 'yung paa ko muntik tuloy akong madapa!"

"Wengya! Nakita mo 'yung white lady na 'yon? Gusto ng pumasan kay Wave! Si shomba yata ang ginagaya nya, letse!"

"Remind me to drink holy water later, Ava. Sobrang corrupted na ng utak ko dahil sa kakamura ng dalawa." Mia commented. Katulad ko ay tahimik lang din sya kanina sa loob ng Haunted House. 'Yung dalawa lang talaga ang maingay.

Maski si Wave ay tahimik lang din kanina habang nasa loob kami at mukhang wala lang sa kanya ang pananakot ng mga nagpapanggap na multo sa Haunted House. Well, afterall he's a man kaya imposibleng matakot sya ng ganoo–

"A-Avalon..ayoko na gusto ko ng umuwi."

Or maybe not.

He Who Came From Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon