**Hi! Alam kong hindi mo pa nababasa ang story-ng 'to pero hindi pa rin kasi ako makamove on sa mahabang message mo sakin kaya nagdedicate ako ng isang chapter for you! :*
CHAPTER TWENTY SIX
'Besides, my days are numbered, Avalon.'
Nakauwi na ako sa apartment at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ma-gets ang sinabi ni Ate Mildred. Sinubukan ko syang tanongin pero hindi na nya ito pinaliwanag sakin.
Tiningnan ko ang orasan na nakasabit sa sala at nakitang pasado alas-otso na pala ng gabi. Ang kadalasang tapos ng shift namin ni Wave ay nine o' clock. Nilibot ko ang paningin ko sa sala at hindi ko maiwasang manibago. Sobrang tahimik ng paligid. Parang hindi na ako sanay na ganito katahimik ang apartment.
Mukhang nasanay na ako sa ingay at kakulitan ni Wave. Wave's presence is contagious. He can easily filled this whole apartment with his warm presence.
Kaysa magmukmok ako sa loob ng apartment ay naisipan ko na lang munang lumabas at maglakad-lakad. Pumunta ako sa convenience store at bumili ng ice cream at doon muna tumambay ng ilang minuto.
Pagkaubos ko ng ice cream ay lumabas na rin ako. It's already 9:30 p.m. konting oras na lang ay uuwi na si Wave. Kung pumunta na lang kaya ako sa shop nila Mia? Wala naman sigurong masama kung bigla akong susulpot doon? Parang naiimagine ko na ang kakaibang ngitin ni Mia kapag bigla akong nagpakita sa shop nila.
Hay, bahala na. Sasalubungin ko na lang siguro si Wave. Imposibleng sumakay sya ng jeep dahil dala nya 'yung bike. Mas mabilis kasi kapag sumakay ng jeep. Wala pa yatang five minutes ang byahe pero kapag nilakad ay nasa fifteen minutes rin ang tinatagal.
"Bitawan mo ako!"
"Huwag ka ng pumalag pa, Miss. Ibigay mo na lang sa akin ang wallet at cellphone mo!"
"Ayoko! Hindi pwede! Hindi mo ba alam na sobrang daming pictures ni Wave ang naka-save sa phone ko tapos kukuhanin mo lang? No way!"
I mentally sighed. Ibang klase ka talaga, Era. Hino-hold up ka na nga 'yung mga pictures pa rin ni Wave ang iniintindi mo.
"Ibigay mo sabi sakin ang cellphone mo!"
"Ayoko! Itong wallet ko na lang!"
"Aba't! Matapang ka ha!"
Nahigit ko ang hininga ko nang biglang sampalin ng lalaki si Era. Natumba si Era dahil sa lakas ng pagkakasampal sa kanya. Mukhang ngayon lang nag-sink in sa utak nya na nasa panganib sya dahil unti-unting tumulo ang luha nya.
What should I do? Hindi pa naman nila ako nakikita kaya may chance pa akong umalis at humingi ng tulong. Should I run and ask for some help? Or should I interfere and sacrifice myself instead like a heroine in a freaking movies or teen fiction stories? Or should I act like a freaking gangster and scare the shit out of him?
"Kung ibinigay mo na lang kasi sa akin ng maayos ang hinihingi ko edi sana hindi ka nakatikim ng sampal." Unti-unting lumapit ang lalaki sa umiiyak na si Era. Ah, shit. I'm no heroine and I'm no gangster. Bahala na si Batman.
"Hello? Nandito po ako sa Carnation Street malapit sa convenience store. Opo, may babaeng hino-hold up po dito.." Tiningnan ko ang lalaki at nanlalaki ang mga mata nya habang nakatingin sakin. Pati si Era ay nagulat sa biglang pagsulpot ko.
"Pakibilis po mga pulis, utang na loob. Kawawa po 'yung babae. 'Yung GPS ko po? Opo, nakabukas na po. Na-track nyo na po ang location namin? Malapit na po kayo? Nako! Thank you po!" Sabi ko habang nakatapat ang cellphone ko sa tenga ko. Nanlalaki pa rin ang mga mata ng lalaki na nangho-hold up kay Era.
Sinubukan nya lumapit sakin pero umiling ako at tinuro ang cellphone na nakatapat sa tenga ko.
"Lumalapit po sya sakin ngayon. 'Yung itsura nya po?" Tiningnan ko ulit 'yung lalaki, "Maitim po sya, malaki ang tyan, malaki ang mata, may bigote tsaka.." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng makarinig kami ng isang malakas na wang-wang ng mga pulis.
"Badtrip! Malas!" Kumaripas na kagad ng takbo 'yung lalaki palayo. Pinakinggan ko kung saan nanggagaling ang tunog ng wang-wang ng mga pulis hanggang sa may isang lalaking naka-jacket ng itim ang biglang lumabas sa isang sulok.
May hawak syang maliit na speaker na pinanggagalingan ng tunog ng wang-wang ng pulis. Nilabas nya ang cellphone nya at may pinindot bago nawala ang tunog na lumalabas sa speaker.
Sino sya? Pero bago muna ako maintriga sa lalaking bigla na lang sumulpot ay nilapitan ko muna si Era. Umiiyak pa rin sya hanggang ngayon.
"Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya.
"M-Mukha..'yung mukha ko.. M-May pasa ba? Paano na lang kung makita ito ni Wave? Baka hindi na nya ako pansinin o kaya tingnan!"
Nakamot ko na lang ang batok ko dahil sa mga sinasabi ni Era. I think she's okay. Hindi ka naman talaga pinapansin ni Wave kaya walang kaso kung magkapasa ang mukha mo. Gusto ko sanang sabihin sa kanya. Ang kaso naisip ko na baka mas lalong ma-depress si Era at maisipang magparetoke ng mukha.
"Sino ka?" Tanong ko sa lalaking nagpatunog ng wang-wang kanina. Alam kong imposibleng totoong wang-wang ng mga pulis iyon dahil wala naman talaga akong tinawagang mga pulis. I was just acting awhile ago. Gusto ko lang takutin ang lalaki kanina na tumawag ako ng pulis para umalis sya.
"I'm Echo. Thank you for helping Era. I'm her brother."
"Ah." Sagot ko. Hindi ko alam na may kapatid pala itong si Era. Lumapit si Echo kay Era at tinulungan itong tumayo.
"Echo? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Era nang makita ang kapatid. Sa halip na sagutin ni Echo ang tanong ni Era ay malulutong na tawa ang sinagot nito.
"What the fuck? Ang pangit mo, Era!" Sigaw nito habang tumatawa. Nakita nya kasi ang mukha ni Era na may bakas pa ng luha.
"Gago!" Biglang binatukan ng malakas ni Era ang kapatid nya kaya natigil ito sa pagtawa, "Bastos ka ah! Bakit Era lang ang tawag mo sakin?! Hoy, Echo, baka nakakalimutan mo ate mo ako!" Sigaw ni Era.
Para akong tangang nakatayo at pinapanood silang dalawa na mag-away sa harap ko.
"Alis na kami, Ava." Sabi ni Era. Tumango lang ako sa kanya bago nya kaladkadin palayo si Echo.
"Bye, Ava!" Pahabol na sigaw ni Echo habang kumakaway bago sila sumakay ng jeep. Pinanuod ko ang pagalis ng jeep na sinakyan nila Era at ng kapatid nya. Sinilip ko ang cellphone ko at hindi ko na namalayang 9:15 na.
"Sino 'yon?"
"Ay kabayo!" Nagulat ako nang may biglang magsalita sa likuran ko. Paglingon ko ay mukha kagad ni Wave ang nakita ko. Crap, too close. Nilayo ko kagad ang mukha sa kanya. Kanina pa ba sya? Bakit hindi ko man lang namalayan?
"Sino 'yon?" Kunot noong ulit nya sa tanong niya.
"Ah, si Era tsaka si Echo."
"Echo?" Tanong nya ulit. Hindi pa rin nawawala ang kunot sa noo nya. Ano na namang problema nya?
"Yup, kapatid ni Era."
"Anong ginagawa mo dito?"
"Hinihintay ka." Sagot ko. Ang nakakunot na noo ni Wave ay biglang nawala at napalitan ng isang malaking ngiti.
"Talaga?" Tanong nya. What the hell? Kinikilig ba sya?
"Oo. Bakit parang masaya ka?"
"Syempre! Hinintay mo kasi ako. I missed you Avalon! Nakakalungkot magtrabaho kapag wala ka."
"Yeah, yeah, whatever. Tara na.." Sabi ko. Sumakay na ako sa likod ng bike at hinayaang paandarin ito ni Wave. Hindi ko alam kung kailan ako masasanay sa mga salitang sinasabi ni Wave. Sa tuwing magsasabi sya ng mga ganoon ay hindi ko pa rin mapigilang kumabog ng malakas ang puso ko.
How can he easily say what's on his mind?
Hindi ko alam kung aware ba sya na pwedeng mahulog sa kanya ang isang babae sa mga salitang binibitawan nya. I wonder if he's telling those words to other girls too.
BINABASA MO ANG
He Who Came From Another World
Science Fiction[HIGHEST RANKING: #6 in Science-Fiction] A stranger who can't remember anything saved me and brings color in my empty life. STARTED: July 01, 2017 ENDED: May 16, 2018